06:54 pm
Moira: Justin
Justin: Po??
Moira: Kilala mo pala si Dapdap?
Justin: Sino si Dapdap? Hahaha
Moira: Yung best friend ko sa West High.
Justin: Sa dati kong school? Sino ba kasi si Dapdap? Lol.
07:11 pm
Justin: AHHHHHHHHHH.
Moira: Ew?
Justin: Pwe. Alam ko na!
Justin: Daphne Villafria ba?
Moira: Yep.
Justin: Anmeron?
Justin: Atyaka, best friend mo pala yon. Ano kasi yon eh, ano.
Moira: Ano?
Justin: Palaaway.
Moira: I know
Justin: How come na naging mag best friend kayo? Ang layo ng ugali niyo...
Moira: Paanong malayo? Kasi basagulera si Dapdap ganon?
Moira: Hindi naman dun nasusukat ang pagkakaibigan eh.
Moira: Ikaw nga may kaibigang mukhang babae. Ako may basagulerang kaibigan. Diba.
Justin: Oo hehe sorry
Justin: Bat mo pala natanong
Moira: Wala naman
07:36 pm
Justin: Bakit pala ganon siya?
Moira: Na ano?
Justin: Yun nga, yung basagulera.
Justin: Tapos di pa niya sinusunod yung rules ng school.
Justin: Andaming kulay ng buhok niya
Justin: Dinaig pa yung mga adik sa kanto namin
Moira: Wala kang pake
Justin: Tinatanong ko lang naman eh!!!
Moira: Di mo alam mga napagdaanan niya
Justin: Sorry na.
Justin: Nagtataka lang talaga ako. Sobrang tapang niya
Justin: Naging kaibigan ko rin naman yun
Justin: Nasama nga ako sa tinatawag niyang tropang gunggong eh
Moira: Ay shet. Kilala mo naman pala si Dapdap kasi nasali ka dun sa tropa niya
Justin: Pero hindi kami masyadong close.
Justin: Tropa nga kami, pero hindi namin alam ang totoong kwento niya
Justin: Kahit nga si Joshua at Vernon na close niya eh walang alam
Moira: Ah. Kalimutan mo nalang to. Na tinanong ko sayo si Dapdap