mAGCOMMENT KAYO PLS
Epilogue
Naupo ako sa bench na lagi kong tinatambayan dito sa England. 'Yung nasa harapan ko kasi ay river, kaya kapag tumitingin ako sa magandang view sa harapan ko, nagagawa ako nitong kalmado. River Trent. Wala rin kasing masyadong tao rito kapag maaga pa kaya tahimik. Actually, ako palang ang tao.
Sinuot ko ang earphones ko at napapikit. Ang ganda ng araw na 'to. Siguro kasi nandito na naman ako sa tambayan ko, o kaya naman—
Bigla akong napadilat nang may marinig akong paghinto ng kotse at nakita kong huminto ang puting van sa tapat ko. May lumabas din na tatlong taong naka-all black. Naka-black long sleeves, black pants, black boots, black cap, at black mask silang tatlo. Hindi naman sila mahilig sa black, eh no.
Kinabahan ako bigla kaya tinanggal ko agad ang earphones ko at napatayo. "S–sino kayo?!" Sigaw ko sa kanila. Pinagitnaan nila akong tatlo kaya mas lalong kumabog ang dibdib ko.
Nagulat nalang ako nang bigla nilang tanggalin ang black cap at mask nila nang sabay-sabay. Sabay-sabay ring nalugay ang kanilang mga buhok at ngumiti sa'kin nang malawak.
"HAHAHA! Nakita mo sana ang mukha mo, Moira!" Pagkantyaw sa'kin ni Lychee.
"Pfft—" napatakip si Christine sa bibig niya at napahagikhik sa'kin, "Okay lang yan, Moira. Maganda ka pa rin naman, eh."
Napangiti nalang ako sa kanilang dalawa kahit na binubully nila ako.
Napatingin ako kay Julia (Jihyo) na agad akong nginitian nang napakalapad at ni-spread ang both arms niya sa'kin. "Happy birthday, Moira!" At niyakap na niya ako ng tuluyan.
Sinuklian ko ang mahigpit niyang yakap. "Thank you, Julia," nginitian ko siya nang bumitaw na kami sa yakap.
"Aye! Magwish ka muna!" Napalingon ako kay Chee na may dala-dalang cake habang si Tin naman ay nagchachant sa likuran niya.
"Make a wish! Make a wish!"
Napangiti nalang ako sa kanila. Kita mo 'tong dalawang 'to, ni hindi pa nga nila ako binabati, eh.
"Sige sige," pumikit ako at nagwish. Matapos nun ay ni-blow ko na ang candle.
"Yehey!" Pumalakpak pa silang tatlo sa'kin.
Binigay ni Chee ang cake kay Tin at binigyan agad ako ng bear hug. "Happy birthday, Mooooiiiiraaaaa!" Napachuckle ako. Ang cute talaga nito.
"Ako naman!" Pinasa naman ni Tin ang cake kay Chee atyaka ako niyakap. "Happy birthday, Moi! Love yah!"
"I love yah too!" Tinapik ko ang likod niya atyaka natawa.
Binalik muna ni Chee ang cake sa loob ng van. Nagyaya silang maglakad-lakad kaya 'yun nga ang ginawa namin. Marami ring mga benches sa paligid kaya kahit saan naming gustong tumambay o maupo ay pwede.
"Ang ganda talaga rito sa tambayan mo, Moi." Nasabi ni Julia bigla. Nginitian ko nalang siya.
Naupo kaming tatlo sa bench, pinagitnaan nila akong apat. Si Chee sa pinakadulo sa left side na sinundan ni Tin, ako, at si Julia na nasa right side ko. Hinarap ko sila Tin, "Kailan pa kayo nakabalik?" Tanong ko sa kanila. Umuwi kasi sila sa Pinas, eh.
"Kahapon lang," sagot ni Tin. "Gusto kasi naming maabutan 'tong birthday mo,"
"Ayie." Tinusok ko ang tagiliran ni Tin kaya naman inismiran niya ako. Natawa nalang ako. "Kidding aside, how was your vacation?"