080

1.4K 129 26
                                    

11:39 am

Dino: Moira!

Dino: HA! Akala mo nablock mo ako noh???

Dino: Sabi kasi nila hyung blinock mo sila, pero meh?

Dino: HAHAHA! Hindi kaya kita friend dito sa FB :p

Dino: De, seryoso na. Atyaka, wag mo muna akong iblock, ok? Gusto ko lang na mabasa mo to.

Dino: Alam mo bang napauwi kaming labing dalawa ng wala sa oras? Tsk tsk

Dino: Nandito kami sa bahay ng pinsan ni Joshua

Dino: Ano kasi.. . Si Justin nakipagsuntukan sa boyfriend mo

Dino: Teka, boyfriend? Narinig kong bukambibig ni Justin na ex mo na raw si Tyler

Dino: Naprincipal silang dalawa, at sabi nung principal niyo, gusto niya raw makausap yung mga magulang ni Justin at nung ex mo

Dino: Siyempre natakot si Justin. Kasi una, malalaman ng mga magulang niya na may ganung nangyari, tas ang dahilan pa ay isang babae, eh hindi naman ganun si Justin!

Dino: Atyaka wala rito yung mga magulang niya ngayon

Dino: Kaya natakot siya, tas tinawagan niya kami.

Dino: Gagi, hindi pala nakasilent yung mga phone naming lahat kaya habang nagkaklase kami nagring ng sunod sunod sa bulsa namin kasi naman randomly kaming tinawagan ni Justin

Dino: Kahiya. Napalabas tuloy kaming lahat tas sabi namin uuwi na muna kami kasi may emergency, buti pumayag

Dino: Tas ayon nga napapunta kami sa school niyo ng wala sa oras. Si Joshua na yung kumausap sa principal kasi wala sa ayos si Justin, actually para nga siyang umiiyak nung ako na yung sumagot sa tawag.

Dino: Tas kanina sa principal's office tulala siya. Kahit na kinakausap na siya ni Jeonghan wala rin

Dino: Sirang sira siya simula nung makwento niya saming blinock mo siya, lagi na siya tulala

Dino: Napansin nga namin na bumaba agad yung mga quizzes at homeworks niya sa loob ng isang linggong nawala ka

Dino: Pati si Daphne wala rin, so ano? Anong gagawin namin sakanya?

Dino: Alam mo ba kung bakit kami nandito sa bahay ng pinsan ni Joshua?

Dino: Kasi gusto niyang magpunta sa bahay niyo.

Dino: Moira, nagwala siya sa harap ng bahay niyo kanina. Nagsisigaw. Tapos puro maids lang yung sumalubong samin sa gate

Dino: Nagpumilit siyang pumasok sa bahay niyo kasi gustong gusto ka na raw niyang makita

Dino: Pero pinigilan namin siya kahit na mahirap din saming makita siyang nagkakaganon

Dino: Kinausap namin ni Sean hyung yung mga maids niyo at nagsorry na rin sa kanila, tas tinanong namin kung nasaan ka

Dino: Sabi nila wala raw kayo

Dino: Eh san naman kayo nagpunta?

Dino: Naawa na ako kay Justin e

Dino: Wag kang mag-alala, hindi niya alam na minessage kita

Dino: Umiiyak siya ngayon. Nakakaawa talaga

Dino: Sana naman kahit papano, kung mabasa mo man to eh maisipan mong magsabi sakanya

Dino: Kahit ano pa yan, kahit na masakit, makapagsabi ka lang sakanya para tumigil na siya at wag ng umasa sa wala

Dino: Kasi hindi lang siya yung nahihirapan, kami rin naman nahihirapan

Dino: hAAY NAKO :c


StalkedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon