11:37 pm
Moira: shit
Daphne: Bat gising ka pa?!
Daphne: Bukas na yung showcase ah?!
Moira: Ah ano kasi Dap
Daphne: Ano nanaman bang kabalbalan ang ginawa mo?
Moira: Nagising kasi ako kasi bigla kong naramdaman na naiiyak ako hueheueheuehua
Daphne: Huh?
Moira: Pinapakinggan ko kasi yung record nung pinapiano mo yung miracles in december habang tumatae ako Dap i kennat Dap naiiyak ako
Daphne: Isa kang malaking gaga ./.
Daphne: Matulog ka na nga -,-
Moira: Hindi, seryoso na.
Moira: Nagtext sakin si Tyler.
Moira: Pinipilit niya akong isingit sila sa showcase bukas.
Moira: Sabi ko, tangina naman? Pero siyempre joke lang yun.
Moira: Di ko pa nirereplayan kasi di ko alam sasabihin ko.
Moira: Di naman sila nag audition ng barkada niya tapos pipilitin niya akong isingit sila run?
Moira: Isa pa hindi ako ang nag aarrange ng line up sa showcase at judge lang ako sa auditions, at sasayaw lang ako run.
Daphne: Matulog ka na.
Moira: Daphne..
Daphne: Ilang beses ko ng sinabi sayo na iwan mo na yung lalaking yun diba? Pero di mo ginawa kasi ang tanga tanga mo pagdating sakanya
Daphne: Ikaw na ang bahala na magdesisyon niyan, kasi di naman kita pwedeng diktahan kasi buhay mo yan.
Daphne: At yung pagsasabi ko sayong iwan mo siya? Suggestion lang naman yun, baka kasi maisipan mong gawin. Pero tangina mo kasi e ayaw mo bahala ka na
Moira: Dap sorry :(
Moira: Ako na ang bahala bukas, Dap. Sorry sorry naabala pa kita
Daphne: Ingatan mo sarili mo. Tangina kinakabahan ako sayo e.
Moira: Good night. ..