05:31 pm
Justin: Daphne
Justin: I'm so sorry.
05:52 pm
Daphne: Anong nangyari?!
Justin: Napuntahan ko siya, at naabutan ko nalang na nagpupumiglas siya sa gago niyang boyfriend.
Daphne: Tapos?
Justin: Nakipagsuntukan pa nga ako sa boyfriend niya e.
Justin: Dapat masaya ako ngayon diba? Kasi napigilan ko si Tyler sa balak niya.
Justin: Pero hindi e.
Justin: Masakit.
Justin: Ewan.
Daphne: Ha?
Daphne: Bakit naman?
Justin: Kasi imbes na pasalamatan niya ako, kasi pinagtanggol ko siya sa jowa niya, pinaalis niya lang ako.
Justin: Galit pa nga siya na nandun ako.
Justin: Pero sino nga ba ako para mangialam sa kanila diba?
Daphne: Kasi gusto mo siya.
Daphne: At kapag gusto mo ang tao, hindi ka mawawalan ng pake sakanya.
Daphne: I'm sorry. In behalf of my best friend, I'm sorry.
Daphne: Hindi ko na alam ang gagawin ko sakanya.
Daphne: And thank you at the same time, kasi pinuntahan mo siya.
Daphne: Ako na ang kakausap sakanya. Sorry, at salamat ulit.