06:49 pm
Justin: Hoy
Justin: Bumalik ka na sa section natin.
Justin: Di ka talaga nag iisip e.
08:36 pm
Moira: Ang gulo mo naman.
Moira: Kaya nga ako lumipat para di ka na mahirapang lumayo sakin diba?
Moira: Di mo kasi ako naiintindihan e.
Justin: Oo gets ko na sige
Justin: Hindi mo nga kasi ako mapagkakatiwalaan inangyan
Moira: Pinagkakatiwalaan naman kita. Pero di nga lang katulad ng binibigay kong tiwala sa mga matagal ko ng kaibigan
Moira: Katulad ni Dapdap
Moira: Sorry talaga
Justin: Naiintindihan ko na.
Justin: Pero hindi naman ako nagsasabi ng secrets e
Justin: Pag kailangan mo ng kausap nandito lang ako
Justin: Pero bumalik ka na sa section natin
Moira: Bakit?
Justin: Wala na kasi akong makopyahan
Moira: Baliw ka ba. Eh ang tali-talino mo nga
Justin: E basta
Justin: Bumalik ka na
Moira: Di pwede
Justin: Bat naman?
Moira: Sabi kasi ni maam isang linggo raw dapat ako sa perse bago bumalik sa section natin
Moira: E ginusto ko to e
Justin: Ang tagal pa!
Moira: Hmm. Maghintay ka
Justin: Basta bumalik ka
Moira: Oo kulit naman ng lahi nito
