052

1.6K 108 13
                                    

06:47 pm

Justin: Moira, para naman akong tanga kung tatanungin kong iniiwasan mo ba ako.

Justin: Kasi halata naman.

Justin: Kung tungkol to run sa nangyari nung sabado, pasensiya na kung hindi mo man nagustuhan yung pagpunta ko sa bahay mo.

Justin: Alam kong galit ka sakin kasi sinuntok ko boyfriend mo. Wag mong sabihing hindi, kasi hindi mo naman ako papaalisin ng ganun lang kung ayos lang sayo diba?

Moira: Sorry, Justin.

Moira: Nabigla lang kasi ako sa pagsulpot mo. Tapos nakipagsuntukan ka pa kay Ty.

Justin: Bat mo ako iniiwasan?

Moira: Nahihiya ako sayo

Moira: Dahil nga run sa nangyari

Moira: Wala namang sense kung magsisinungaling pa ako diba?

Moira: Ang gago lang kasi nung ginawa kong pagpapalayas sayo e ikaw na nga tong nag-effort na puntahan ako

Moira: Pero kasi hindi ko na alam gagawin ko

Justin: Anong ibig mong sabihin?

Moira: Hindi mo maiintindihan.

Justin: Pucha

Justin: Edi ipaintindi mo sakin!

Justin: Mahirap ba yun?!

Moira: Justin, please. Wag ka namang mamilit

Justin: E bat kasi hindi mo sabihin? Ang gulo kasi!

Justin: Ang hirap kasi ng ganito!

Moira: Ikaw lang ba ang naguguluhan? Ikaw lang ba ang nahihirapan?!

Moira: Wag mo na akong pilitin

Justin: Moira naman

Moira: Justin wag ka ng makulit, baka mablock kita

Moira: Sorry


StalkedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon