06:14 pm
Moira: Dap!!!!
Daphne: Ano
Moira: May nangyari kanina!
Daphne: Nag-usap kayo ng boyfriend mo at pinilit ka nanaman niyang makipag-ano sa kanya tapos hindi ka pumayag kaya sinaktan ka niya?
Moira: Luh. Iba to
Daphne: Talaga??? Anong nangyari?
Moira: Ano, si Justin nagpasama sakin locker's area.
Moira: Kasi these past few days napansin kong parang lumalayo siya sakin, then I grabbed the opportunity to ask him why
Daphne: Anong sagot?
Moira: Natigilan siya eh? Tinitigan lang ako.
Moira: Tas sabi ko CR muna ako, kasi nailang ako sa titig niya
Moira: Parang may gusto siyang sabihin na hindi ko mawari kung ano..
Moira: Tapos nagulat nalang ako sa sunod niyang ginawa.
Moira: Dap, niyakap niya ako.
Moira: Buti nalang absent si Tyler at walang tao run kanina
Daphne: Woah. Anong ginawa mo?
Moira: Hindi ako nakagalaw eh. Tas naisip kong itulak siya, pero mas lalo pa niyang hinigpitan yung yakap niya.
Moira: Kaya niyakap ko nalang siya pabalik tas tinapik tapik ko yung likod niya
Moira: Naisip ko baka may pinagdadaanan siya. Kaya ayon, hinayaan ko nalang.
Moira: Nung bumitaw siya, nginitian ko nalang siya tas ngumiti naman siya sakin pabalik.
Moira: Nag-CR ako tas bumalik na kami sa klase kasi nagbell na rin
Daphne: What a touching story :/