06:38 pm
Justin: Daphne
Justin: Dap anong nangyari kanina?
06:54 pm
Daphne: Asus. Kahit naman pinaalis ko si Sean at sinabing dun siya sainyo ni Jeonghan, nakita pa rin kitang sumisilip sa malayo
Justin: E kasi hindi ako mapakali
Justin: Tapos nakita ko pa siyang umiyak nung niyakap mo siya
Justin: Buti nalang talaga napigilan ko yung sarili kong lumapit sainyo
Daphne: Wag kang mag-alala. Umiyak siya kasi, kinaltukan ko. Tapos niyakap ko agad.
Daphne: Okay na siya. Baka mamaya o bukas kakausapin ka na nun
Justin: Talaga?
Daphne: Oo haha
Justin: Salamat!
Daphne: Justin . . .
Daphne: Alam kong oo na ang sagot mo rito
Daphne: Gusto mo si Moira, pero ang tanong ko, gaano mo ba siya kagusto?
Justin: Gustong-gusto.
Justin: Ewan ko ba. Kaya nga napaluha nalang din ako nung nagpunta ako sa bahay niya at nakipagsuntukan kay Tyler
Justin: Hindi dahil sa suntok ako nasaktan, nasasaktan ako para kay Moira
Justin: Nasasaktan ako, kasi nakita ko na, yung babaeng gusto ko eh nagpapakatanga lang para sa isang gago
Daphne: Natutuwa naman ako haha
Daphne: Hindi na siya masasaktan
Daphne: Basta bantayan mo siya para sakin.
Justin: Oo. Palagi. Promise.