Idinilat ko ang mga mata ko dahil nakakaramdam ako ng lamig..napatingin ako sa kisame..pumikit ako ulit..dumilat ulit
......................?
'Hindi ito ang kwarto ko..asan ako..?
Nilibot ko ang paningin sa paligid..maganda ang kwartong kinalalagyan ko ngayon parang sa mga kwarto ng hotel..ang lambot ng kamang hinihigaan ko..makapal at patong-patong ang kumot ko..di-aircon ang kinalalagyan ko ngayon
Sinilip ko ang katawan ko...wala namang nagbago ganun parin ang suot ko..kung ganun asan ba talaga 'ko.?
Para malaman ay bumangon ako sa kama..nahirapan pa 'ko dahil maya't-maya akong tumatalbog sa kama pero nakuha ko paring makatayo.nang makababa ay binuksan ko ang pinto
Nakita ko agad ang isang tahimik pero mahabang hallway..may mga nakakabit pang ilaw sa bawat dingding at maraming pintuan..nasa hotel ata ako eh..!
May mahabang hagdan kaya bumaba ako..halos parang baliw akong nangingiti habang pababa..makinis ang kulay brown na marmol na sahig na napaka-kintab na halos pwede ka ng manalamin
Pagbaba ko ay bumungad ang isang mahabang mesa na may mga candelabra pa na may sindi..may mga masasarap pang pagkain na nakahain..bigla akong napahawak sa tyan ko..kumakalam na talaga
Nanatili lang akong nakatayo roon..nag-iisip kung kakain na ba 'ko dahil unang-una ay hindi ko naman alam kung nasan ako..mamaya nananaginip ako tapos pagkain pala 'to ng mga engkanto oh tapos ay ano..?hindi na 'ko makabalik sa mundo ng mga tao..kakabasa ko kasi ng mga horrors eh
Halos magulat ako ng matanaw sa bandang bintana ang isang magandang rocking chair..hindi sya pang-matanda style..gumagalaw-galaw pa ito kaya naisipan kong puntahan ang rocking chair at halos magulat sa nakita roon
"So you're already awake!why don't you eat..?"
Nakaupo lang naman doon ang isang lalaki..at hindi lang basta lalaki ito dahil muka syang greekgods..natulala ako..kaya mas lalo kong naisip na wala yata talaga ako sa normal na mundo ng mga tao.nasa mundo ata ako ng engkanto..!!
Tulog ata sya? Pero nagsalita sya eh.baka nagssleeptalk lang sya?
Napadilat sya ng mga mata ng walang narinig na sagot galing sakin.napa-ngisi pa sya dahil yata sa reaksyon ko pagkakita sakanya..napatayo sya sa rocking chair na inuupuan saka ako hinarap
"Bakit ka tulala..?may problema ba?"
May hawig sya eh...sino ba yun..!?..si--si..
Matangos ang pointed na ilong...makakapal ang itim na itim na kilay,maliit pero mapulang labi,v-shape na muka gulo-gulo ang medyo brown na buhok.naka-t-shirt lang sya na puti saka short na hanggang tuhod saka maputi sya..oo tama si Brandon na gumanap sa napanood ko noong superman returns..ang gwapo..!!"Miss are you alright?.kanina pa 'ko salita ng salita and it seems na hindi ka nakikinig..!" Sabi nya na nagpabalik ng wisyo ko..maang akong napatingin sakanya
"Huh?!ah-eh..hehe ano nga ulit yun?" Tanong ko sakanya ghad anong nangyayari sakin?
"Ang sabi ko kung okay na ba 'yang pakiramdam mo.?saka halika kumain ka na..!"Sabi nya sabay hawak sa kamay ko..medyo mainit ang kamay nya..humawak ba sya ng apoy?or baka may lagnat?
Inalalayan nya 'ko hanggang sa makaupo ako sa malaking upuan..bigla syang umupo sa kaharap kong upuan at sya narin ang naglalagay ng mga pagkain sa plato ko..habang ako eto tulala lang sa kagwapuhan nya
"It seems na wala kang natandaang kahit ano tungkol sa nangyari sayo..alam mo bang nagulat nalang ako habang dina-drive ang kotse ko ng nailawan kita na biglang bumagsak sa lupa sa tabing kalsada..buti nalang at nakita agad kita at dinala dito..hindi naman kita matanong kung saan kita ihahatid dahil wala ka pang malay at ang putla mo nung makita kita..ano bang nangyari sayo.?"
Kumakain na 'ko noon..grabe ang sasarap lahat..siguro lagi syang busog..pero hindi naman sya pumapayat ang ganda pa nga ng hubog ng katawan nya..
"Salamat nga pala..saka pasensya narin sa dinala kong problema sayo..kasi ang totoo nyan.--."naiilang akong sabihin..sasabihin ko ba..?
"Don't hesitate..just tell me what happen to you.!"
"Kasi malapit lang yung trabaho ko dun kung saan ako bumagsak..pauwi narin kasi ako tapos nung pumasok kasi ako sa trabaho ko eh hindi pa 'ko nakakakain ng almusal..maghapon ang trabaho pero hindi ako nakakain isabay pang maraming trabahong ginawa kaya hindi kinaya ng resistensya ko.!" Mahabang paliwanag ko sakanya..tumatango naman sya at ngumingiti...halos mabilaukan ako dahil ang daming laman ng bibig ko tapos nagkekwento pa 'ko sakanya
"Ahh is that so.!by the way what's your name..?!" Tanong nya habang nakapangalumbabang nakatingin sakin..may sparks yung mata nya..nakangiti pa sya..may dalawa rin syang pangil
"Sorry..kanina pa 'ko kumakain pero hindi ko nasabi ang pangalan ko..ako nga pala si Santi Bonifacio ikaw..?" Balik tanong ko
"Mabini.."
??huh??
"Haha i was just joking.diba sabi mo malapit lang ang pinagtatrabahuan mo dun sa kalsada kung san ka nahimatay..!saan ka banda roon..?"
Kahit malayo ang sagot nya sa tanong ko at nakuha pa nyang mag-joke eh sinabi ko parin..
"Sa I WEAR IT na pabrika..dun ako nagtatrabaho..!"
"So..soon malalaman mo rin kung anong pangalan ko but for now..kumain ka lang ng kumain para bumalik ang lakas mo..nung nakita kasi kita na walang malay ay para kang lantang gulay.."
Napatango nalang ako...nilibot ko ang paningin sa paligid..komedor palang ito pero sakop na nito ang bahay kung san ako nakatira sa bahay ni tita
"Ang sarap ng mga pagkain ah..sino nagluto?saka asan ang mga kasama mo rito sa bahay..?parang antahimik..?"Tanong ko sa gitna ng pagnguya
Napangisi sya..
"Wala akong kasama rito sa bahay..mag-isa lang akong nakatira rito..wala rin akong maids o kahit ano at sa pagkain naman..ako ang nagluto ng lahat ng yan..i'm glad you like them all..hindi na ba masakit ang tyan mo..?" Maamo nyang pagtatanong
Grabe ang galing nyang magluto tapos wala syang maids..bakit ganun?..pano nya nalilinis ang ganito kalaking bahay kada-araw..?ang weird
Tumango lang ako saka ngumiti..
"Ihahatid na kita sainyo basta sabihin mo lang sakin kung saan ka nakatira..!" Sya sabay tayo..inalalayan ulit nya 'ko..ang sarap naman nyang mag-alaga..kaya bumuti agad ang pakiramdam ko eh
Pag-labas namin ay iniwan nya 'ko saglit para raw kunin ang kotse nya sa garahe..nagkaroon ako ng pagkakataon para malibot ng tingin sa huling pagkakataon para matitigan ang labas ng bahay
Halos malula ako at the same time namangha...ang laki pala pero itim ang buong kulay ng bahay nya..weird noh..!!ako rin ganun ang iniisip baka favorite color lang nya yun...para kasi syang rakista kung umasta,,baka naman miyembro sya ng banda?!ay ewan,
BINABASA MO ANG
A Woman Loved By A Demon [COMPLETED]
Mystery / Thrilleranong gagawin mo kung magkagusto sayo ang kinatatakutan ng lahat? paano kung gawin nya ang lahat para maangkin at makuha ka magpapakuha ka ba?! kung sa bawat galaw mo,lagi syang nakamasid nakabantay sayo Ito ang nakakakilig ngunit nakakatakot na kwe...