chapter15

20K 608 7
                                    

Naalimpungatan ako mga bandang alas-dose ng madaling araw dahil nakaramdam ako ng pagtawag ng kalikasan..saglit akong bumaba..madilim sa baba dahil pinapatay talaga namin lahat ng ilaw



Pagkatapos kong maglabas ng ihi ay paakyat na sana ako ng makarinig ng mahihinang kaluskos..pumunta ako sa pintuan at halos mapamura ng makita si vanessa



"P*ta.!vanessa kanina ka pa ba nandyan.?nagulat naman ako sayo.kamusta nga pala ang date mo..?!" Tanong ko sakanya pero nakatulala lang sya..ni hindi na nga nya naisara yung pintuan kaya ako na ang gumawa



Binuksan ko ang ilaw sa sala dahil dun sya dumiretso..naabutan ko syang naka-upo sa sofa..nabigla ako ng walang sabi-sabing pinunit nya yung dress na suot nya


"Ahhhh.!!!"malakas na sabi nya habang pinupunit yung dress..agad ko syang nilapitan para awatin..tinakpan ko ang bibig nya gamit ng kamay ko



"Vanessa ano ba talagang nangyari..?!" tanong ko sakanya..hindi na nya pinupunit yung dress dahil tuluyan na yung napunit



Bigla nyang hinubad ang dress kaya naka-bra't-panty nalang sya..nanlaki ang mga mata ko,.ano bang nangyayari sakanya..?!


"Vanessa naman.!ano bang nangyayari sayo.?" takang tanong ko sakanya.



"Ayokong magsuot ng basahan ahhhh...!"sabi nya saka inapak-apakan yung dress



Tumayo ako para awatin sya..napalakas ang pagkakayakap ko sakanya dahilan para mapaupo ulit sya sa sofa..kumalma sya ng konti


"Sabihin mo..saan mo kinuha 'yang basahang 'yan?!.."Vanessa na naghihysterical



Kumunot ang noo ko sabay baling ng tingin sa dress



"Ano bang basahan pinagsasabi mo dyan..?dress yan nakikita mo ba.?!" Sabi ko sakanya


Napatingin sya sa dress at halos manlaki ang mga mata nya..naka-drugs ba sya..?!


"Kanina b-basahan y-yan..ahhhh!" sigaw nya sabay takbo papunta sa itaas..naiwan akong nagtataka..pinulot ko ang dress..lukot-lukot na ito at madumi na dahil nga inapak-apakan nya kanina


Kinabukasan

Nagising ako na hihikab-hikab pa..pagbaba ko ay si tita lang ang nakita kong kumakain


"Tita magandang umaga.nasan po pala si vanessa?" sabi ko habang umuupo sa silya



"Maagang umalis..hindi nga sinabi sakin kung saan sya pupunta..parang nababaliw na nga yung loka-loka na yun."


Nagtataka parin ako dahil sa inasal nya..nagsimula lang naman yun nung umuwi sya kagabi galing sa date nya.sino ba kasi yung naka-date nya?!



Humanda na 'ko para sa pagpasok..nakita ko pa si tita na nanonood lang ng tv..nagpaalam na ko saka na umalis


Sa kalagitnaan ng paglalakad ko sa kalsada ay may huminto nanamang kotse..pamilyar na kotse..



"Hop in.i'll give you a free ride.."sabi ni mabini na nakangiti..walang pagtutumangging sumakay ako


"Parang padaan ng padaan ang mga araw mas lalo ka pa atang gumagwapo..ano bang sikreto mo..?"nakangiti kong sabi sakanya



Humalakhak lang sya pero parang musika sa tenga ko..ang cute nya tumawa eh



"Wala akong sikreto!inborn na 'to..naku!masyado na atang lumakas ang hangin dito.." sabi nya..atleast hindi sya mayabang..



Panay ang hikab ko dahil hindi naman agad ako nakatulog kagabi dahil sa nangyari dun kay vanessa..napansin ata ni mabini kaya nagtanong sya


"Mukang puyat ka ata?.parehas pala tayo kung ganun..!"puna nya


"Puyat ka rin?bakit ano bang pinagpuyatan mo?"tanong ko sakanya




"May tinuruan lang ako ng leksyon..let's say isang taong kinaiinisan ko..!" hindi ko maintindihan ang ibig nyang sabihin pero hindi ko nalang inintindi


Nakarating na kami sa pabrika..hindi naman ako nagpakita na kabababa ko lang galing sa kotse ni mabini..lumapit agad ako kay kate na nagtutupi ng mga damit


"Morning...!" bati ko sakanya


"Goodmorning din..nakita mo na ba si sir,mabini?" tanong nya



"Ah h-hindi pa.bakit?"pagsisinungaling ko


"Wala lang..kasi hindi talaga madalas mapagawi si sir dito..hinihintay nga namin sya ng mga ka-trabaho natin eh lagi siguro yung busy.."


Nagkibit-balikat nalang ako..pero ako lagi kaming nagkikita..nakakasakay nga 'ko lagi sa kotse nya



Pero ang hindi ko makakalimutan ay ang nakita mismo ng dalawang mata ko...si mabini kasi ewan ko kung guni-guni ko lang yun pero yung kulay ng mata nya kanina..parang nagkulay pula pero hindi ko nalang sinabi sakanya..



Hayy..nagagaya narin ata ako kay vanessa...babawas-bawasan ko nga ang pagpupuyat

A Woman Loved By A Demon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon