chapter16

20.3K 609 10
                                    

Kasalukuyan akong nanonood sa sala ng pumasok si vanessa..umupo sya sa tabi ko


"Hoy!.bakit nanonood ka na dyan.?tapos ka na ba dyan sa mga gawaing bahay..?"pataray na tanong nya


"Oo..papahinga lang muna 'ko bago matulog.."sabi ko ng hindi sya nililingon.bigla kong naalala yung date nya nung nakaraang gabi


"Ahm vanessa..yung tungkol nga pala dun sa naging date mo ng isang gabi.ano bang nangyari at ng umuwi ka dito ay nag-iba ka.?tapos nagalit ka pa sa dress at kung anu-anong ginawa mo dun.."tanong ko sakanya


Muka syang nagulat..lumambot agad ang itsura nya


"Mahirap mang paniwalaan pero yung naka-date ko Santi.."



"Bakit?.ano ba yung tungkol sa naka-date mo?" mas lalo pa tuloy tumataas ang kuryosidad ko..


"Demonyo..!"



Saglit ko syang tinitigan..gusto kong malaman kung nagsasabi ba sya ng totoo..baliw ba sya.?!


Nangunot ang noo ko habang sya naman ay halatang takot na takot


"Santi alam kong walang may maniniwala sakin kapag sinabi ko ito.pero maniwala ka.!!hindi basta tao lang yung naka-date ko..isa syang diablo.." nahihintakutang sabi ni vanessa


Nakatitig lang ako sakanya..anu raw?diablo?wala talagang maniniwala sakanya..



"Vanessa ano bang nangyayari..?!sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo..?" seryoso lang akong nakatingin sa muka nya



"Ano ba?!.bakit ba ayaw mong maniwala?.iniisip mo ring nababaliw ako gaya ng sinabi ni mama saka ng bago kong boyfriend.!oo kinuwento ko sakanila yun pero tinawanan lang nila 'ko..si mama pinagalitan pa 'ko..!!"Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko ng biglang napalakas ang boses nya


"Ah-eh hindi naman sa ganun vanessa..n-naniniwala ako s-sayo..teka ano bang pangalan nung naka-date mo.?alam mo ba?"nagpanic ako sa inaasal nya..lumalakas narin ang boses nya eh.!



Tumango sya habang pinagpapawisan ng malamig..nakikita ko na ang butil-butil nyang pawis sa noo..at nararamdaman ko..may mali talaga kay vanessa


"Oo..sya si a---



"Hoy!.kayong dalawa..ang lalakas ng mga boses nyo ah!.nagising tuloy ako sainyo..ano ba kasing ginagawa nyo pa dito?bakit hindi pa kayo magsitulog..ikaw Santi may pasok ka pa bukas..!"galit na sabi ni tita samin


"Sorry po tita..sige po matutulog na 'ko.!" pagkasabi ay kay vanessa naman ako bumaling


"Vanessa..matulog ka na pagod ka lang din siguro..!"pagkasabi ko naman sakanya ay umakyat na 'ko sa taas




Ni-lock ko na ang pintuan sa kwarto ko saka sumalampak sa kama.nakatitig ako sa itaas habang iniisip ang weirdong nangyayari sa pinsan ko..dahil sa kakaisip ay nakatulog nanaman ako


Hindi ko namalayang nasa ibang lugar ako..parang nasa langit..
Naglakad ako sa mga usok na mabango..sa ulap na tinatapakan ko..may mga magagandang boses akong naririnig na may kasamang instrumento..anghel ba yun..?!



Napapangiti ako..masarap sa pakiramdam ang paligid nakikita ko ang sikat ng araw...napakagandang tanawin pati na ang kinalalagyan ko ngayon


Pero nawala ang ngiti ko ng may maramdaman akong mainit sa paanan ko..pagtingin ko roon ay may kamay na humahawak sa paa ko..nag-aapoy ito at nangingitim..halos mapasigaw ako ng tatangkain nya 'kong hilahin pababa



Nawala ako sa kinalalagyan ko..sumisigaw ako habang bumubulusok ako paibaba..


Nakarating naman ako sa nag-aapoy na lugar..maraming uod akong nakikita..mga buto ng tao...mabahong amoy sa paligid may maiingay na boses pero hindi gaya ng nauna..para silang sumisigaw sa takot at pangamba


"N-nasan ba 'ko..tulonggg...!"pagsigaw ko pero wala namang nakakarinig ata sakin dito...pinagpatuloy ko pa ang paglalakad



Nakita ko sa malayo ang pamilyar na tao..napangiti ako dahil sawakas ay nandito sya at may makakasama ako..agad akong tumakbo sakanya..nakita ko syang lumingon sakin saka humarap.nakangiti sya saka nakaamba ang mga bisig nya para yakapin ako


Pero nawala ang ngiti ko ng may humila sakin sa gilid ko..si vanessa..!!


"Vanessa..!bitawan mo ko..pupuntahan ko si mabini ano ba vanessa..?!"-galit kong sabi sakanya habang binabawi ang braso kong hawak nya


"Wag na wag mo syang pupuntahan santi.isa syang demonyo..!"-vanessa

"Ano bang sinasabi mo.?!pwede ba vanessa tumig---


Sabay pa kaming napalingon ni vanessa sa direksyon ni mabini ng unti-unti na syang nilalamon ng apoy..napasigaw ako


"Hindi.!!mabiniiiiiiiii..!!"


"Ahhhhhhhhhhhhh..!!!!"

Natagpuan ko nalang ang sariling naka-upo sa kama ko..pinagpapawisan at hinihingal..panaginip lang pala..



Babalik na sana ako sa pagtulog ng may mapansin ako sa paa ko..dahil doon ay bigla akong kinabahan



Isang pulang bakas ng kamay...!!




***************************************************************

A/N: santi's image and the boy in previous page is army..(ang gaganda't-gwapo)

A Woman Loved By A Demon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon