"Nagustuhan mo ba 'tong surprise ko sayo?"
Napangiti ako pagka-tanggal ng blind fold ng tumambad sa harap ko ang magandang arrangement ng mesa..parang sa mga dates na napapanood ko sa mga tv.
Pinaupo nya 'ko tapos ng sya naman ang umupo eh may sinenyasan syang mga lalaki..nagulat ako ng may mga violins silang hawak tapos nagsimula na silang magpatugtog ng love songs
Hindi nya inaalis ang tingin sakin habang nakangisi
"Hindi ko pa ginagawa 'to sa tanang buhay ko..sayo palang Santi.!"
"Hindi naman mukang first time mo pero talagang naghanda ka pa eh..!"nangingiti kong turan sakanya
"Kahit ano gagawin ko para sa babaeng bumihag ng puso ko.."natigilan ako sa sinabi nya..totoo ba yung narinig ko.?!
Tumawa nalang ako ng tumawa para hindi mahalatang kinakabahan ako..pero ang seryoso nya talaga
"Seryoso ako Santi wag kang tumawa dyan.."nakanguso nyang sabi
"Mabini,ano ba talagang motibo mo bakit mo 'to ginagawa..?"sumeryoso narin ang muka ko..ngumiti sya ng nakakalaglag panty
"Di pa ba obvious.?!ano sa tingin mo.?"
Natigilan nanaman ako..seryoso nga sya..o_o
"Santi..will you be my girlfr--
*BLAG*
Sabay pa kami ni mabini na napalingon sa isang direksyon..nakita namin ang limang armadong kalalakihan sakay ng pulang van..may mga baril sila sabay tutok samin
"Mukang marami tayong mahihita sa mga yan ah..mukang mayaman.".
"Ang sweet nyo naman..date ba 'to?ano kaya kung sirain namin ang date nyong dalawa?.."
"Patayin nalang natin sila oh kaya rape-in nalang muna natin yung babae..!"
Nag-uusap sila..natakot ako dahil nasa bingit na kami ng kamatayan..yung mga tumutugtog ng love songs kanina eh tumakbo sa takot..kami nalang ni mabini ang naiwan
Nakita ko si mabini na wala lang habang patuloy sa pagkain ng cake..hindi ba sya natatakot?!anumang oras baka mapatay na kami
"Hoy!.wag na wag mo kaming dedmahin..!"galit na sigaw ng isa sa mga lalaki habang tinutok ang baril sa ulo ni mabini pero wala lang sakanya at patuloy parin sa pagkain
"Wag..please wag nyo syang papatayin maawa kayo samin..!"napatingin sakin yung lalaki dahil sa sinabi ko
"Ay!.may tao pala dyan akala ko wala..sorry!"sabi ni mabini habang may nang-iinis na ngisi
Nagalit sakanya ang lalaki..pumunta sa tabi ko yung lalaki tapos sakin tinutok yung baril..kinabahan ako
"Papatayin nalang namin ang girlfriend mo..oh kaya rape-in nal--
Nagulat ako pati na ang mga lalaki ng biglang lumipad ang kasamahan nilang tumutok ng baril sakin kanina..si mabini naman tumayo na sa upuan pero hawak parin nya yung tinidor nya..sinubo nya sa huling pakakataon yung cake saka walang pagdadalawang isip na binato yung tinidor sa isa pang lalaki
Sapul ito sa tyan saka bumulagta na namimilipit sa sakit ng tyan..ngumisi sya saka humarap sa tatlong lalaki..kinuha nya yung monoblock chair saka umupo na nakaharap sakanya yung sandalan..
"Alam nyo..masaya ako kasi nag-eeffort kayong gumawa ng masama.pero hindi nyo ba alam na mas masama pa sa masama ang ginagawan nyo ng masama..magulo diba?!..ako naman kasi ang nag-imbento ng masasamang bagay..pero ang pinaka-ayoko sa lahat eh sakin ginagawa kasi wala ng magliligtas sainyo kung sakali..!"
Nakakunot ang noo ko dahil sa pinag-sasabi ni mabini..hindi ko sya mainindihan..!!
Lumapit sakin si mabini..nilapit nya yung muka nya sakin saka sya ngumiti..humalik sya sa labi ko ng sandali kaya medyo shock parin ako..nanlalaki parin yung mga mata ko sabay bulong nya sa tenga ko
"I handle this..sleep well my love we will continue our date after this.."
Then,nagdilim na ang lahat sakin hanggang sa antukin ako at makatulog
![](https://img.wattpad.com/cover/52633520-288-k263684.jpg)
BINABASA MO ANG
A Woman Loved By A Demon [COMPLETED]
Mystery / Thrilleranong gagawin mo kung magkagusto sayo ang kinatatakutan ng lahat? paano kung gawin nya ang lahat para maangkin at makuha ka magpapakuha ka ba?! kung sa bawat galaw mo,lagi syang nakamasid nakabantay sayo Ito ang nakakakilig ngunit nakakatakot na kwe...