chapter14

19.8K 660 17
                                    

Gabi na ng makauwi ako..pagpasok ko palang sa pintuan ay bumungad agad sakin si vanessa na naka-simangot


"Bakit ka nakasimangot..?"tanong ko sakanya habang nagtatanggal ng sapatos


"Nawawala yung mga damit na binigay mo sakin..hindi ko makita sa damitan ko binawi mo ba ulit yun?"


Napahinto ako sa pagtatanggal ng sapatos saka sya hinarap



"Diba binigay ko na yun sayo..bakit ko pa babawiin..?!saka hindi ako nagsusuot ng mga ganun.." Sabi ko sakanya



Umakyat na 'ko sa taas saka nagdiretso sa kwarto ko..isasara ko na sana yung pintuan ng makita si vanessa


"Oh bakit.?may kaylangan ka pa ba?"tanong ko sakanya



"Titignan ko lang baka nasa damitan mo ulit eh..malay natin na binawi mo pala.!" Tinulak pa nya ko sabay pasok sa kwarto ko..naparoll-eyes nalang ako



Naka-upo lang sya habang pinagmamasdan akong mag-bihis..hindi naman ako nako-conscious dahil parehas naman kaming babae


Saktong pagbukas ko ng malaking cabinet ay halos magtaka ako..naroon ang mga damit na binigay ko na kay vanessa at halos maayos pa itong naka-hanger



Agad akong hinawi ni vanessa saka iyon pinagkukuha..winagayway nya yun lahat sa muka ko



"Oh akala ko ba binigay mo na lahat 'to sakin.?bakit nandidito nanaman sa damitan mo.?.kaya pala hindi ko makita sa cabinet ko kasi nasayo lang pala..!" Gulat na sabi ni vanessa..


Miski ako binalot ng pagtataka..nilo-lock ko 'tong pintuan ng kwarto ko bago ako pumapasok sa trabaho saka hindi ko na yun hinawakan simula ng binigay ko sila kay vanessa



"P-paanong.?.anong nangyari.?!vanessa hindi mo ba nilagay yan dito sa cabinet ko..?!baka kasi gumagawa ka lang ng ikakagalit mo sakin..?" Sabi ko sakanya

Inismiran nya 'ko



"Baliw ka ba?.bakit ko naman gagawin yun noh?!.ano ako timang..?!binigay na sakin tapos ilalagay ko ulit sa cabinet mo..gumising ka nga.."



Tameme lang akong nakatingin kay vanessa saka sa mga dresses na hawak nya..hindi ko pa pala nasasabi kay mabini na binigay ko nalang yung mga pinamili nyang dresses sakin kay vanessa..baka magtampo yun..!


"Male-late na 'ko sa date ko dahil sa pesteng dress na 'to..magpapalit na nga 'ko baka maging bato pa yung mayamang yun kapag tinagalan ko pa." Pagkasabi ay bigla na syang umalis



Naiwan lang akong nagtataka..sino ba ang naglagay ng mga yun sa cabinet ko.may multo na ba rito..?



(Vanessa 's POV)

kahit kaylan talaga 'yung pinsan ko napaka-walang kwentang kausap..kita ko na nga sa cabinet nya tapos sasabihin nyang hindi raw sya ang naglagay nun dun..alangan namang ako..?hindi noh!kung yan ang iniisip nyo


Sinuot ko na yung isa sa mga dress na kulay blue.grabe ang ganda nito..bumagay sakin..sa maputi at makinis kong balat..naka-tingin pa 'ko sa full body mirror sa kwarto ko..tapos na 'kong mag-ayos kaya aalis nalang ako



Nadaanan ko pa yung pintuan ng kwarto ng magaling kong pinsan pero nakasara..naka-lock nanaman siguro at tulog na siguro yun


Sumakay ako ng taxi pero kitang-kita ko kung paano tumitig sakin yung taxi driver sa rearview mirror,as expected..nagagandahan lang yan sakin..kung buti may pera sya baka patulan ko pa sya..pero the hell..hindi ako pumapatol sa taxi driver...walang kita dyan..



A Woman Loved By A Demon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon