chapter31

16.6K 495 12
                                    

Pumunta na 'ko sa bahay ni mabini para naman madalaw sya..gaya ng dati kapag napapatingin ako sa gate ay nalulula ako sa laki ng bahay nyang puro itim ang kulay


Maya-maya lang ay lumabas na sya ng nakangiti..long sleeves na kulay white na damit saka pajamas ang suot nya..parang batang pagbubuksan ang bisita nya



Agad na nyang binuksan ang gate saka ako niyakap



"Santi..namiss kita,.ilang araw ka ng hindi dumadalaw saka pumapasok..araw-araw pa naman kitang hinihintay..!"salubong agad nya sakin



"Sorry..pero pasok na muna tayo kung pwede..!"



"Sorry i forgot..tara..!"inalalayan nya pa 'ko..sinara nya yung gate




Ng makapasok sa malaki nyang bahay ay dumiretso kami sa dining area..maraming pagkain agad ang bumungad sakin



"Anong okasyon?bakit ang dami naman yatang pagkain..!"tanong ko habang pinapaupo nya 'ko.




"Niluto ko talaga yan lahat para sa pagdating mo..try mo lahat yan..i'm sure mapapasaki-este masasarapan ka..!"sabi nya sabay punas ng pawis sa noo nya




Hindi ko nalang pinansin ang sinabi nya saka na kumain..halos mabitawan ko yung tinidor saka sya tinignan




"Bakit?.hindi mo ba nagustuhan?"malungkot na tanong nya




"Haha..ano ka ba ang sarap sobra..kaya ako nagkaganito kasi sobrang sarap,.nakalimutan ko nga ata pangalan ko eh.."nakita ko na syang ngumiti




"Ikaw talaga..but wait,ano bang nangyari sayo at ngayon ka lang ulit nagpakita sakin.?halos lumungkot tuloy ang mundo ko..!"



Feeling ko namula ako sa sinabi nya..halata namang nalungkot sya



"Ah-eh..nakatulog ako ng limang araw..!"napatitig ako sa muka nya pero wala namang pagtataka o kahit ano roon..sumaya pa nga sya eh..ako lang ba ang napaparanoid o talagang weird ngayon ni mabini..?!



"Ah ganun ba?..sana mag-iingat ka sa susunod..hayaan mo..babantayan kita..!"sabi pa nya saka na binalik ang atensyon sa pagkain



Napailing nalang ako sabay balik ng kain



(Army's POV)

What the hell..ano ba 'tong pakiramdam ko..?!para akong nanghihina na ewan..



Napatitig lang ako sa pagkain ko..pero ganun nalang ang pagkunot ng noo ko ng makitang dumodoble ang pagkain sa harap namin





Napapikit ako ng mariin..sinubukan kong tumayo pero wala..dumodoble ang nasa paligid ko..napakapit ako sa dulo ng mahabang mesang yun,,.napansin ata ni santi kaya bigla syang napatayo




"Mabini.ayos ka lang.?may masakit ba sayo?".nag-aalalang tanong nya




Tinaas ko ang isang kamay ko para sabihin wag syang mag-alala..pero nahilo parin ako kaya bigla na nya 'kong pinuntahan para hawakan sa braso




"Mabini hindi ka okay..ang mabut--



"AAHHHHHHHHHHHHHHHHH..!!!"




may kung anong bagay na dumampi sa siko ko kaya napasigaw ako ng sobrang lakas dahil sa sakit..nakita ko ang biglaang pag-usok ng siko ko kaya tinago ko ito sa likuran para hindi ni santi mahalata



Shit!..mas lalo akong nanghihina..what the fuck is happening to me..?



"Sandali..ipagtitimpla kita ng kape..!"sabi nya saka tumayo para pumunta roon sa kabinet na may lagayan ng iba't-ibang kape..nakatalikod sya sakin kaya natitigan ko sya




Sa hindi malamang dahilan ay ramdam ko ang pagpupula ng mga mata ko..hindi..!!hindi ko ata nakokontrol ang sarili ko..dammit..not now




Bigla kong nakita ang isang kulay puting bracelet na nasa kanang pulsuhan nya..kuminang ito dahilan para mag-init ng sobra ang mga mata ko..sa pamamagitan ng isang x-ray vision ay nakita ko at nakumpirmang ang suot nga na yun ni santi ang dahilan ng biglaang panghihina ko




Nakita ko sa repleksyon ko sa kubyertos sa harap kong mas lalong pumula ang mga mata ko




"Ah.s-santi..mag-babanyo lang muna 'ko..!"tumayo ako kahit nahihilo ay kaylangang tiisin..nakita kong pinaling nya yung ulo nya sakin habang nagtitimpla parin ng kape




"Samahan na kita..baka kaylangan mo ng tulong..!"




Pumikit ako dahil makikita nya ang kulay ng mata ko..umiling ako saka na dumiretso mag-isa sa banyo.kabisado ko kahit nakapikit ako





Ng nasa loob ay mabilis ko iyong ni-lock..sa banyo lang ako may salamin..nakita kong ang kalahati ng muka ko ay bumabalik sa tunay nitong itsura..tinignan ko ang siko kong umuusok..napamura ako ng mahina ng makitang halos maagnas na ito at makita ang buto ko





Napaharap ako sa salamin..sandaling nawala ang panghihina ko..sandali kong hinawakan ang siko,,maya-maya ay nawala na ang sugat





Ngumisi ako habang tinitignan ang sarili ko sa salamin..tumutubo ang sungay ko na pahaba ng pahaba..kaylangan ko muna sigurong makalayo kay santi..iisip ako ng paraan para maalis sakanya ang bracelet na yun





Ang bracelet na sumugat sa siko at ang dahilan ng panghihina ko

A Woman Loved By A Demon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon