"Magandang gabi po..kami po yung kaibigan ni amelia,ako po at ang anak kong si vanessa..pati na--
Matamang nakatitig samin ni mama yung matandang albularyo..tumango ito pero walang kangiti-ngiti..sumenyas ito na maupo kami sa sahig na syang ginawa namin ni mama..nasa tabi ko si santi na nakahiga
"Kailan pa nagkaganyan 'yan?"tanong nya sabay turo sa pinsan ko
"Mga mag-iisang linggo narin ho eh..pinatignan na namin sa doctor pero hindi naman daw masasabing comatose..!"si mama na ang kumausap
Tumango ulit ang albularyo..nagsagawa muna sya ng ilang dasal sa tagalog.pagkatapos ay kumuha na sya ng mga gagamitin sa gagawing pagtingin
Hinawakan nya sa pulsuhan si santi..seryoso ang muka nya,maya-maya ay kumuha sya ng isang hibla ng buhok ni santi saka sinunog iyon sa kandila..pagkatapos ay nagdasal sya sa ibang lenggwahe..ipinatak nya iyon sa isang maliit na palangganang may tubig
Hinintay namin ang lalabas..halos magulat kami ni mama ng unti-unting nagiging isang pigura ng tao ang lumalabas..tao nga ba..?!
Isang tao pero parang hayop ang itsura..parang may sungay pero hindi malinaw..tapos may parang buntot
Nag-angat kami ng tingin ni mama sa matanda
"Ano yung nakikita nyo?"
"Parang hindi malinaw at hindi po ako sigurdo pero parang tao na hayop..!"sabi ko sabay tingin ulit sa tubig
"Yun na nga..hindi biro o hindi madali ang nangyayari sakanya..nakita ko kasi na hindi ordinaryong lamang lupa o anu pa man ang dahilan ng pagkakaganyan nya."
Halos kabahan kami ni mama..ano nga kaya yung nakita nya?
"Isang diablo ang unti-unting kumukuha sa katawan at kaluluwa nya..malamang na nagkagusto ito sakanya kaya ginagawa nito ang lahat para tuluyang kunin sya..!"
Natakot ako sa nalaman ko..d-diablo?!.
"Ano po bang dapat naming gawin!?"..bakas narin sa boses ni mama ang pangamba..dahil ang kakalabanin pala namin ay hindi basta-basta
Kumuha ang matanda ng isang bagay sa kanyang bulsa..ng makita ko ito ay isa palang bracelet na kulay puti..may mga bato din ito sa gilid..ibinigay nya ito kay mama
"Ipasuot mo yan sakanya..wag na wag mong ipapatanggal dahil pangontra yan..kapag suot nya yan ay lalayuan sya ng masasamang elemento at baka magising sya.!"
Natuwa ako kaya kinuha ko na ito kay mama saka pinasuot kay santi.
"Talaga?.magigising na sya?"..tuwang-tuwang sambit ni mama
Tumango ang albularyo
"Oo..basta kapag nasuot nya yan ay magigising na sya.pero ipaalala nyo sakanyang hindi nya dapat hubarin ito..!"
Nakauwi na kami at as usual..kami nalang ni mama ang nagbuhat kay santi pauwi..sabi kasi samin kanina nung albularyo bago kami umalis..pabulong lang iyon pero pinigilan naming huwag sumigaw sa takot
"Mag-ingat kayo sa mga ikikilos nyo..nandyan lang sya sa paligid nagbabantay..!"
Iniwan na namin si santi sa kwarto nya..nagpaalam ako kay mama na pupunta sandali sa bahay nila aling berta para dumalaw sa puntod ni juancho..sya naman daw ay pupunta muna sa kumare nya para makapagkwentuhan sila
------**------
Nakiramay ako sandali doon at nagbigay ng abuloy..umalis din ako agad dahil walang magbabantay sa bahay..baka mamaya may mangyaring masama sa pinsan ko
Pagpasok palang sa bahay ay may narinig akong mga kalabog..ng dahan-dahan akong pumasok..nanggagaling sa kusina.
"Magnanakawww...!"
Nakaamba na 'kong susuntukin ang magnanakaw pero napanganga ako sa taong humarap sakin na may hawak pang tinapay saka gatas
"Vanessa..anong gagawin mo!?"si santi na halatang kagigising lang
![](https://img.wattpad.com/cover/52633520-288-k263684.jpg)
BINABASA MO ANG
A Woman Loved By A Demon [COMPLETED]
Mystery / Thrilleranong gagawin mo kung magkagusto sayo ang kinatatakutan ng lahat? paano kung gawin nya ang lahat para maangkin at makuha ka magpapakuha ka ba?! kung sa bawat galaw mo,lagi syang nakamasid nakabantay sayo Ito ang nakakakilig ngunit nakakatakot na kwe...