chapter28

16.7K 461 2
                                        

Nadala na namin si santi sa bahay.,pinapasok ko muna kasama syempre si juancho..kahit naman ayoko eh wala akong choice kundi ang papasukin sya dahil nga sa walang magbubuhat sa pinsan ko




"Vanessa,asan ba dito ang kwarto ni santi?".saglit akong huminto sa pagbukas ng tv para lingunin sya.




"Doon sa taas.sa may pangalawang pinto..doon.!"




"Hindi mo ba muna 'ko papakainin o papainumin man lang.binuhat ko yung pinsan mo."



Inis ko syang tinignan saka ko tinuro yung kusina



"Hindi ako katulong mo..self service dito kaya kung gusto mong makakain o makainom,ikaw na ang kusang pumunta roon.."inirapan ko na sya saka binalik ang atensyon sa tv





Bago sya tumayo ay ginulo pa nya ang buhok ko..tinabig ko naman agad..



"Ano ba!.hindi ako bata ano!"




"Ang cute mo talaga lalo na 'pag naiinis..!"tumawa pa sya sabay punta sa kusina




Napaismid lang ako..matagal ko ng alam yun.




Lumipas ang ilang minuto ng panonood pero hindi parin bumabalik ang loko..nag-tour pa siguro sa kusina..tss,,hindi naman yun kalakihan eh





Hanggang sa matapos ang isang oras pati na ang pinapanood kong teleserye..pero hindi parin nabalik si juancho




Medyo nakaramdam na 'ko ng konting kaba..ewan ko ba..pilit kong iniisip na baka dumiretso lang ng alis ni juancho pagkakain pero imposible..magpapaalam yun sakin kung uuwi na sya..naglakad ako para pumunta sa kusina..kinakabahan at dahan-dahan akong lumalakad




Nakiramdam ako..tahimik nga roon..sinungaw ko ang ulo ko sa pinto at ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita nga si juancho..sabi na nga ba't nandito pa sya




Naka-upo sya sa isang silya patalikod sakin..tahimik lang sya..napangiti ako saka tumingkayad na naglakad para gulatin sya.





"Bulaga..!"malakas kong sabi pero ni wala syang galaw..nagtaka na talaga ako kaya naglakad ako paharap sakanya pero sa halip ay mukang ako ang nagulat




"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhh...!"




---------*---------





"Dead on arrival na po sya..sa lagay nya ay hindi na talaga sya magtatagal.."





Biglang umagos ang luha ko sabay tingin kay aling berta..nanay ni juancho..napahagulgol narin ito ng iyak




"Anak kooooo.ano bang nangyari sayo..bakit ka namatay..?!".napaluhod si aling berta kaya niyakap ko nalang sya patagilid..umiyak narin ako




Ano bang nangyari?!..bakit si juancho pa na walang malay..bakit sya ang napagdiskitahan ng walang pusong gumawa nun..
Alam kong palabiro si juancho at kapag nasasalubong ko sya sa daan ay inaasar nya 'ko..pero hindi tamang namatay sya agad.





Sinong demonyo ang gumawa nito kay juancho..?!
Naawa ako kay aling berta pati na sa ibang pamilya nya..ng makita ko si juancho kanina ay agad akong napaupo sa sahig pero agad din akong tumawag sa emergency pero wala..wala ring nangyari




Naalala ko nanaman ang itsura nya kanina ng makita ko..nakaupo sya roon pero inaagnas na ang muka nya na may mga uod at maliliit na langaw..tapos natutuklap pa ang balat nya sa muka..umuusok sya at namumula ang balat na parang isang manok na inihaw ng ilang oras..napapikit ako ng mariin habang naaalala yun..sinong gagawa nun sakanya..kaming dalawa lang ang nasa bahay namin at lalong hindi ako ang gagawa nun sakanya..hindi rin naman nya siguro iyon gagawin sa sarili nya..sino..?!





Iniwan na kami ng doctor..si aling berta ay umiiyak parin..sya namang takbo ni mama saka ako niyakap





"Anong nangyari vanessa.?kalalabas lang natin sa ospital ngayon may nangyari nanamang hindi maganda.."sabi ni mama sabay hagod sa likuran ko





"M-ma..s-si juancho..!"







****************************************************



A/N:..MARAMI PANG KAGANAPANG MANGYAYARI..





A Woman Loved By A Demon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon