chapter22

17.8K 538 7
                                    

Bumuntong hininga muna 'ko ng pagkalalim-lalim habang nakatitig sa harap ko..ng handa na sa sarili ay pumasok na 'ko sa loob



Nasalubong ko ang mga pulis..nginingitian ko sila at ganun din ang ginagawa nila..oo nasa police station ako




"Ahm sir.pwedeng magtanong?".agaw ko sa atensyon ng isang pulis..nagtaas ito ng tingin sakin sabay ngiti.





"Oh diba ikaw yung girlfriend nung gwapong mayaman na binata..kamusta?!may maipaglilingkod ba 'ko?"





"Ah..kasi po ang sadya ko po talaga dito is yung mga nahuling tatlong kalalakihan.!"




Nagulat naman sya pero agad nakabawi






"Yung wanted na sumira sa date nyo?!bakit?".nakangiti pa sya na parang teenager na kinikilig





"Itatanong ko lang po sana kung saang mental sila dinala?may importante po kasi akong gustong malaman sakanila..!"





Saglit syang napaisip





"Sa Dimasalang mental institution..doon sila dinala.!"







Nagpasalamat na 'ko saka na nagdiretso palabas.iba narin kasi kung makatingin yung mga pulis dun eh





Sumakay ako ng jeep..isa't-kalahating oras din pala ang byahe papunta roon..ng makarating ay agad akong nagtanung-tanong kung saan banda iyung building ng mental..tinuro naman ng mga napagtatanungan ko kaya narating ko din kaagad




Pumasok ako at saglit nakipag-usap sa mga nurses doon..marami rin pala silang rules and regulations about sa pagbibisita..ng masunod ko ang mga palatuntunan doon ay agad akong nakapunta sa kwarto nung tatlong lalaki





Ng makita ako ay nagulat sila..tapos bigla silang sumulyap sa likuran ko..




"Anong ginagawa mo dito?!"sabi nung isa





"Diba girlfriend ka nung lalaki na ka-date mo?"





"Kasama mo ba sya!?"halata sa mga boses nila ang pagkatakot na ikinataka ko




"Wala akong kasama..as in mag-isa ako..marami kasing gumugulo saka tanong sa isip ko kaya ko kayo dinalaw..!"





Mababait naman sila dahil nag-offer sila ng upuan para sakin..ng makaupo ay nag-umpisa na kaming mag-usap na tatlo





"Magkakapatid kaming tatlo..ang totoong dahilan kung bakit namin nagawang hold-up-in kayo kasi kanina pa kami nun nakamasid sa lugar..nagtanong kami sa mga nag-aayos ng mesa kung mayaman ba ang tatambay dun at ng sabihin nilang oo naisip naming tatlo na chance na namin yun para huthutan kayo..pero--




Mataman lang akong nakikinig..pero lumingon-lingon muna sila sa paligid..ng masigurong kaming apat lang ang nanduon ay hininaan nila ang boses nila





"Nakita naming tatlo kung paano ka paligiran ng itim na usok dahilan para mawalan ka ng malay-tao..nasalo ka nya sa tangkang pagbagsak ng katawan mo sa lupa..nakita naming nakalutang ka..hindi man kapani-paniwala pero biglang nag-iba ang itsura ng lalaking yun..yung boyfriend mo para syang demonyo..ang pula ng balat nya saka mata nya tapos ang haba ng sungay nya..tapos sinugod nya kaming tatlo..pero naawa sya samin kaya hindi nya raw kami pupuruhan!"






"Nang marinig namin ang tunog ng sirena ng mga pulis ay mas nagulat kami ng bigla syang naging ordinaryong anyong tao gaya ng anyo nya nung dumating kami at nung mga oras na nagdi-date kayo..imposible man pero may sa-demonyo yung boypren mo..tapos nung sumuko kami ng kusa sa mga pulis at sinabi namin ang nakita namin ay hindi sila naniwala..sinabi pa nilang nasisiraan na kami ng ulo kaya dito kami nilagay imbis na sa kulungan.pinagdiinan din ng boypren mo na baliw kami!"






Halos kita ko ang pagka-takot sa mga muka nila..mas lalo akong naguluhan..nagsitayuan narin ang mga balahibo ko






"Kaya ngayon pa lang dinalaw mo kami dito binabalaan ka na namin..wag na wag ka ng lalapit sa lalaking yun..demonyo ang lalaking yun..yung boypren mo pinatay nya ang dalawa pa naming kasamahan tapos naglahong parang bula ang mga katawan nung dalawa pagkatapos naming sumuko..nakita naming binitbit ka na nya paalis sa lugar na iy--





"Tama na ang dalaw..tapos na ang oras.!!"napalingon kaming apat sa isa sa mga nurse roon ng magsalita sya..tumayo na 'ko pero nahawakan ako sa kamay ng isang lalaki




"Mag-iingat ka..lumayo ka sa demonyong yun kung ayaw mong mapahamak..!"sabi ng isang lalaki..umalis na 'ko ng naguguluhan






Lutang ang isip ko habang nagbabyahe pauwi..hindi!baka namamalikmata lang sila..imposibleng demonyo si mabini mabait syang tao..hindi totoo ang demonyo..!!


Kinagabihan sa mental institute..





Naghahanda na sa pagtulog ang tatlong lalaki ng may mahagip ng paningin ang isa sa madilim na parte ng kanilang kwarto..napaatras sila at nanginginig sa takot ng mapagtanto kung sino ang bulto ng tao..lumabas ito sa dilim na may nag-aapoy ng mga mata..nakakuyom ang mga palad nito na nag-aapoy.ngumisi ito na umabot hanggang tenga






"P-paano ka nak-kapasok d-dito?".kinakabahang tanong ng isa at bakas ang panginginig






"Iuuwi ko na kayo,masyado na kasi kayong maraming nalalaman..!"sa sinabi nito ay biglang nag-apoy ang tatlong lalaki..bumuka ang lupa na nag-aapoy saka sila nilamon at nawalang parang bula






Napatingin sya sa bintana..tumatama mismo sa muka nya ang liwanag na nanggagaling sa buwan..ngumisi ito saka nagbalik sa isang normal na anyo bago tuluyang maglaho





Anyo nya bilang isang Army Vergara

A Woman Loved By A Demon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon