chapter1

47.9K 1.1K 57
                                    

"Madalas akong managinip ng isang pangyayari lamang..nasa isa akong madilim na kwarto...pag-dilat ko ng mga mata ay nasa gitna na ako ng drawing na star na pabaligtad sa gitna ng bilog.sa paligid ko naman ay puro kandilang kulay itim ang naka-palibot

Nasa gitna ako ng pentagram na dugo ang pinansulat?

May magsasalitang hindi ko alam kung saan nanggagaling pero kilala nya 'ko

"Santi..."

"Santi..."

"Hindi mo mamamalayang isang araw na darating ako sa buhay mo at mamahalin mo rin ako gaya ng pagmamahal ko sayo"


"Saaaaaannnnnttttiiiiiiiiiiiiiiii.."



Bumalikwas ako ng bangon sa kama ko na pawis na pawis..nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto ko at nakita roon si tita agnes na nakapameywang pa



"Santi ano ka ba?wala ka bang balak na bumangon ryan sa higaan mo..baka gusto mo ng mag-asikaso para sa pagpasok sa trabaho?baka nakakalimutan mong hindi ka prinsesa sa bahay ko.."Pasigaw na sabi ni tita


Bumangon ako sa higaan



"Paumanhin tita sige po mag-aasikaso na 'ko.."pagkasabi ay nagtungo na 'ko sa banyo para maligo



Ng matapos ay bumaba na 'ko para mag-almusal..naabutan ko ang pinsan kong si Vanessa pati na si tita na nag-aalmusal..uupo na sana ako ng magsalita ang pinsan ko ng hindi ako tinitignan




"Kakain ka pa ba?..kulang naman yung perang inaabot mo dito sa bahay saka sa mama ko so bakit kakain ka pa.?"Pataray na sabi nya



Napatingin ako sakanya..bago nanaman ang kulay ng buhok nya..pati ang mga kulay sa kuko sa kamay at paa nya


"Kas---


"Pumasok ka na..may pakain-kain ka pang nalalaman..kung gusto mong makakain dito eh dagdagan mo yung binibigay mong sahod kay mama!" Sabi nya kasabay ng pag-irap



Wala akong nagawa..na naman


"Sige po papasok na po ako.."Pagkapaalam ko ay agad akong lumabas sa bahay namin


Habang naglalakad ay hawak ko parin ang tyan ko..nagugutom na 'ko..

Wala na kasi akong mga magulang..yung papa ko raw na kapatid ni tita ay nasa saudi raw at may iba ng pamilya roon kaya hindi na nya 'ko binalikan dito..tapos yung mama ko ewan wala na kaming balita..ang huling sinabi sakin ni tita ay nag-asawa narin daw ng bago si mama

Kaya kinupkop na nila 'ko..akala ko aariin at mamahalin nila ko na parang tunay nilang anak pero hindi pala..utusan ako sa bahay..ako lang ang nagtatrabaho sa bahay..si Vanessa kasi medyo maldita kada-buwan paiba-iba ng lalaking inuuwi sa bahay

Ilang beses naring nabuntis si vanessa pero dahil takot na malaman ng ina ay pinapalaglag nya..naaawa nga 'ko sa mga baby na pinalaglag nya..maraming inosente ang nadadamay sa kagagawan nya


Kunsintidora din kasi si tita..sabagay si vanessa ang kaisa-isang anak kaya lahat ng naisin ay sinusunod agad ni tita

Hindi ko namalayang nakarating na agad ako sa trabaho ko..pumasok ako sa isang pabrika kung saan ako nagtatrabaho.sa pagawaan ng mga damit at pants


"Hi Santi.."Bati ng mga ka-trabaho ko sakin..nginitian ko sila


"May mga bago na ba tayong gagawing brand ng damit..?"Tanong ko sa isa sa mga kakilala ko rito at bestfriend ko narin..si kate



"Oo bukas ng umaga ide-deliver na yun dito.balita ko'y marami yun eh..!"


Napabuntong hininga nalang ako..marami nanamang trabaho..tapos ang inaalala ko pa ay hindi pa 'ko kumakain..maghapon pa naman kami dito


"Santi alam mo na ba yung mga balita..?"tanong nya habang nagtatanggal ng mga himulmol ng na-reject na damit


"Ang alin?"



"May bago na raw tayong amo..balita raw kasing binenta na ng amo natin itong pabrika na 'to sa isang mayamang tao kaya baka sa makalawa ay magkakaroon na tayo ng bagong boss..sana nga binata sya saka gwapo..ay naku best sisipagin talaga 'ko araw-araw saka dito na ko matutulog kung sakaling hot saka yummy yung magiging amo natin..!" Kinikilig na sabi ni Kate


Natawa ako sa ginagawa nya..


"Pero pano kung babae sya..?"Tanong ko sakanya


Natahimik sya...kita ko sa muka nya ang dissapointment.basta gwapo talaga nabubuhayan si kate..



Lumipas ang araw na natapos ang gawain namin sa pabrika at oras na ng uwian..medyo nakakaramdam ako ng hilo saka sakit ng tyan...maghapon akong hindi kumain at pakiramdam ko'y umiikot ang mundo ko



"Okay ka lang Santi..?parang maputla ka may masakit ba sayo?"sunod-sunod na tanong ni Kate sakin



Ngumiti ako ng pilit..


"Oo..masakit lang 'tong ulo ko pero okay lang ako..itutulog ko nalang 'to sa bahay umuwi ka na kaya ko na 'to.."



"Sure ka ah.!sige na bye kitakits bukas.."kumaway na sakin si Kate at ganun din ang ginawa ko..




Naglakad ako sa mahabang kalye pero napapahawak na ko sa dingding na bawat madaanan..nahihilo na talaga 'ko..pati yung paningin ko nagdadalawa na




Dahil sa sobrang pagod sa dami ng ginawa sa pabrika at gutom narin ay tuluyan na 'kong nabuwal sa lupa pero bago ako mawalan ng malay ay may tumama saking headlight ng isang kotse..nasilaw ang mata ko at dun na tuluyang pumikit at dumilim ang paligid

A Woman Loved By A Demon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon