chapter6

24.5K 871 21
                                    

"Best best..mamaya na raw natin makaka-meet yung bagong boss natin..excited much na 'ko.."


Napatingin ako kay kate sabay hinto sa ginagawa kong pagtatanggal ng mga brands ng pantalon..nagtatalon pa sya na parang kinikilig


"Kate hindi pa nga tayo sigurado kung babae ba 'yan o lalaki eh.." Sabi ko sakanya


Mas lalong kuminang ang mga mata nya..hinawakan pa nya yung kamay ko habang nakatingin sa itaas


"Hindi best..!confirmed ko na..lalaki sya sabi ng mga ka-trabaho natin..excited na nga rin sila eh.."


"Ano bang nalaman mo sa mga tsismosa nating ka-trabaho..?"Pagkasabi ko ay tinakpan agad ni kate ang bibig ko


"Shh..baka marinig ka nila mapapaaway ka pa nyan,.so ayun na nga.napag-alaman ko ayun sa mga sources ko na binata pa raw yun saka big time talaga..hindi pa nga lang daw nila matukoy kung anong pangalan saka itsura pero sana naman gwapo para may inspirasyon kaming lahat sa trabaho..tayo.."Sabi ni kate na parang naloloka na


"Kate..wag nyo na 'kong idamay dyan kasi ako may iba na 'kong nagiging apple of my eye..yung crush ba..!" Sabi ko rin sakanya



Nilapitan nya 'ko ng dikit na dikit saka napapangiti ng nakakaloko



"Uy ikaw ah pumapag-ibig ka narin..sino yan ah..?!gwapo ba.?" Kate na tumataas baba pa yung kilay..natawa nalang ako


"Oo gwapo sya..as in perfect yung muka nya saka mayaman rin.."


Mas lalong lumaki yung ngiti nya


"Talaga?!.anong name.?"


"Ahhh mabini..oo tama si mabini..!" Sabi ko na nakangiti pa..bigla namang nawala yung ngiti nya saka ako binigyan ng seryoso-ka-ba-looks


"Sigurado ka ba?..parang masyado naman atang baduy..ang bantot kaya nun.lakas maka-presidente." Sabi ni kate na nagpatawa sakin ng malakas



"Hindi ako sigurado..hindi naman talaga yun ang name nya ang totoo hindi ko alam ang pangalan nya kaya ko sya tinawag na mabini kasi para unique..nalaman kasi nya sakin na Bonifacio nga yung apelyido ko kaya ayun sya raw si mabini.."


Tumango naman sya



"Infairness ah..pero sana makita ko sya yung mabini mo..!"


"Oo ba..pag-nagkita ulit kami ipapakilala ko sya sayo..mabait rin sya.."



Napatingin kami sa boss namin na hindi namin malaman kung masaya ba o nalulungkot..pina-hinto nya muna kami sa mga ginagawa namin


"Okay guys..listen ngayon na ako aalis as your boss dahil ngayon na ang dating at ngayon na rin magsisimulang mamahala rito ang bagong may-ari nitong pabrika.."



"Sir nakakalungkot naman..matagal na po kayo dito samin.minsan pa nga po nakakabiruan din po namin kayo..pwede po bang wag nalang kayong umalis..?" Sabi ng isa kong ka-trabaho


"Nope hindi na pwede..wala ng atrasan bakbakan na..joke lang.pero seryoso..sigurado akong sa pag-alis ko ay may mas better,bigger,at stronger na bagong papalit sakin..mabait sya at kaya ko kayo pinatipon ngayon ay dahil ipakikilala ko na sya sainyo right here right now..!"



Nagbulungan na ang mga tao sa paligid..palihim kong sinisiko si kate na panay ang talon at impit na tili



"Eto na sya..please come here..!" Sabi ni Sir..pakiramdam ko'y tumigil ang oras samin..lahat kami nakatingin sa entrance..pigil ang paghinga ng mga tao sa paligid


Nanlaki ang mga mata ko ng pumasok ang isang binatang may katangkaran..gwapo,.naka-office suit pa ito.nakangiting tinanggal nya ang sunglasses at una syang napalingon sakin sabay ngiti ng matamis.kumindat sya sakin na halos ikalambot ng mga tuhod ko...narinig ko ang mga tilian ng mga babae sa paligid ko pero pakiramdam ko'y sya lang at ako ang tao rito

"Ang gwapo...!!"

"Sh*t ang hot..!!"

"Omg..sya ba talaga ang mgiging boss natin?"

"Bakit parang mas bata pa satin?!"


Ilan lang yan sa mga naririnig ko sa paligid pero sakanya lang nakatutok ang atensyon ko...si kate ayun tuluyan na atang nabaliw.kinikilig din sya saka tumili at tumalon



"Sir sya pala ang papalit sayo..sige sir have a nice trip..alis na po kayo..!" Sabi ng katrabaho ko na nagsalita kanina..natawa nalang si Sir



"Oo sya na ang papalit sakin..please welcome..One of the richest young businessman in our city..Army Vergara..!"



A-army...yun pala ang pangalan nya...ang astig



"Nice to meet you all..yes i'm the one and only..don't worry i don't bite and hindi ako strict just please be nice at your work.by the way you can just call me Sir,Mabini...!" Sabi nya habang nakatingin sakin.



Ang huli ko lang nakita ay ang gulat na gulat na muka ni kate na nakatingin sakin..

A Woman Loved By A Demon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon