Matagal kaming nagkatitigan ni mabini at halos ganun parin,.hindi ako makagalaw pero nasasanay na 'ko..yung sakristan wala,.na-freeze parin tapos nakatayo lang si mabini sa likuran nito pero kitang-kita ko sa anyo nya ang unti-unting pag-iiba ng itsura nya
Gulat akong napatingin sakanya ng walang anu-ano ay humalakhak sya na parang wala ng bukas,,nakahawak pa sya sa tyan nya,,pero bigla ulit syang tumitig sa mga mata ko kasabay ng pagkawala ng ngiti nya kanina lang
"Sa tingin mo ba talaga santi basta nalang ako sasama sayo sa simbahan?!,mahal kita pero hindi ako tanga para sumama roon.,alam mong hindi ako isang banal at kalaban ko ang nakatira roon".nakangising sabi nito habang naglalagablab parin sa apoy
Lantaran na talaga nyang pinapakita sakin ang tunay na sya
Hindi ako nagpatalo at ngumiti rin ako.."kung ganun naman pala.eh di hindi naman pala dapat tayo nag-uusap,.hindi ba't sinabi ko na sayong matatapos na dito ang lahat.."
Sa sinabi ko ay biglang humaba ang mga sungay nya saka na napunit ang suot nya kasabay nun ay pag-aapoy ng bibig nya saka yung katawan nya,
"Hindi!.it will never end like this,.hindi ako papayag na matapos lang dito..isasama pa nga kita sa tahanan ko..i'm sure magugustuhan mo dun santi..alam mo bang naroon ang mga namatay mong kakilala kasi dadalhin kita roon at gusto kong makita mo sila..!"
Naikuyom ko ang kamao ko."ano?!.ikaw talaga ang gumawa sakanila noon?alam mo hindi na pagmamahal ang nararamdaman ko sayo kundi takot,.ayoko na ng ganito.!"
Sa halip ay lumapit sya sakin sabay hawak sa baba ko,.tumingin ako sa ibang direksyon pero pilit nya 'kong pinaharap sakanya
"Santi,.ako parin ang masusunod dito..kapag sinabi kong hindi ka makikipaghiwalay,hindi ka makikipaghiwalay..!"
"Sabihin mo nga sakin,ikaw ba yung sumunog kay juancho.?ikaw ba ang pumatay kay allan?..at sa mga naging boyfriend ni vanessa?".
Humalakhak sya ng mala-demonyo dahil yun naman talaga sya..nakatingala pa ito pero agad syang natigil saka ako tinignan sa mata gamit ang mapupula nyang mata
"Oo..kasi naman santi seloso ako kaya ganun,.pero hayaan mo na,.inaalagaan ko naman sila sa tahanan ko..hayaan mo malapit na kitang dalhin dun,.pagkatapos ay magsasama na tayo ng walang katapusan..makakaanak tayo tap--
"Ayoko..hindi ako sasama sayo sa impyerno,.patayin mo nalang ako kaysa makasama kita mas nanaisin ko nalang na mamatay..!".bulyaw ko sa muka nya
Tumalikod sya kaya hindi ko makita ang reaksyon na pero natahimik ako dahil nakarinig ako na parang mahihinang hikbi..sya iiyak?hindi eh demonyo sya eh
"Sabihin mo santi..ano bang dapat kong gawin para mahalin moko?!"..seryoso ang boses nya pero para talagang nasa hukay na nag-eecho
"Hindi ba't sinabi ko na sayong sumama ka sakin sa simbahan..gagawin natin ang ilang ritwal para maging isang normal na tao ka na..para mahalin kita gaya ng gusto mo.ang pagkakaroon ng pamilya mabini,gusto ko ring mangyari yun satin pero pano.?!eh isa kang diablo..!"
Humarap ito sakin..unti-unting napapalibutan ng hangin si mabini..pagkatapos ay nagiging isang normal na ulit ang itsura nya pati na ang suit nya ay buo na ulit..ng tuluyang dumapo ang hangin papunta sa kabilang dako ay sumasama ang nakakatakot na itsura nya kanina lang,.
Nakita ko ang iisang butil ng luha sa pisngi nya.."kung yun ang paraan para makasama kita,sige i'll go with you..!"
BINABASA MO ANG
A Woman Loved By A Demon [COMPLETED]
Misterio / Suspensoanong gagawin mo kung magkagusto sayo ang kinatatakutan ng lahat? paano kung gawin nya ang lahat para maangkin at makuha ka magpapakuha ka ba?! kung sa bawat galaw mo,lagi syang nakamasid nakabantay sayo Ito ang nakakakilig ngunit nakakatakot na kwe...