"Kamusta na ang pakiramdam mo.?!"
Bungad agad ni tita sakin sa ospital..medyo nakakatayo na 'ko at nakakapag-lakad sa pasilyo ng ospital medyo nasu-suffocate na kasi ako sa kwarto ko..ang boring wala naman si mabini dahil may mga inaasikaso rin yun sa pabrika saka sa iba pa nyang negosyo
Napangiti ako ng makitang may dala syang mga prutas na nasa basket
"Okay na po ako siguro po'y mga dalawang araw sa ngayon ay makakalabas na 'ko dito.."masayang sabi ko kay tita
Naglakad na kami papunta sa kwarto ko
"Si vanessa nga po pala..?" tanong ko sakanya
"Ayun..nasa boyfriend nya lagi naman eh..!"
Sumagi sa isip ko ang nakakapag-takang nangyari sakin
"Ahm tita may tanong ako.."pag-sisimula ko
"Oh ano naman yun..?"si tita habang inaayos ang mga pinamili nya
"Y-yung nangyari kasi sakin..tita kumakain po ba tayo ng almusal ng mahimatay ako.?kasi po ang sabi ng boss ko eh nasa kalagitnaan ako ng pagtatrabaho ng mahimatay ako pero sa pagkakatanda ko eh magkasama tayong nag-aalmusal.."tanong ko
Napatingin sakin si tita ng may pagtataka
"Baliw..!nasa trabaho ka nun baka naman nananaginip ka lang nung maalala mo yung nangyari sayo."
Tumango nalang ako..siguro nga ay panaginip lang yun
Army's POV
nakatitig ako kila Santi sa malayo pati na sa tita nya..sa malamang na hindi nila ako nakikita
Nag-simula na 'kong maglakad paalis ng ospital para bumalik sa pabrika...pag-pasok ko palang sa kotse ko ay may kumatok sa bintana..agad kong binaba ang salamin
"Kuya pogi..bili na po kayo ng sampaguita..sampug piso lang po..ilagay nyo po sa altar nyo oh kaya po dyan sa kotse nyo..!"sabi ng bata
Nagpapatawa ba sya.?!sabagay ay hindi nya kilala kung sino ang kinakausap nya
Napangisi ako sabay titig sa bulaklak na tinitinda nya..bigla itong nalanta lahat..nakita ko ang gulat sa muka ng bata..maya-maya'y napaiyak ito
"Hala.!anong nangyari.?bakit nalanta bigla.?!"maluha-luhang sabi ng bata..nakakatawa ang itsura nya
"Oh..pano ba yan mukang ayaw ipagbili ng mga bulaklak mo..sige aalis na 'ko..!"pagkasabi ay pinaharurot ko na ang kotse baka mangulit pa ang batang yun
******************
"Sir.gising na po pala si Ms,Santi..!"bungad sakin ng parkboy na si Ariel..hinagis ko sakanya ang susi ng kotse saka na pumunta sa tanggapan
"Ano naman kung gising na sya..?"walang ganang tanong ko sakanya..
"Eh di masaya na po kayo..kasi po gumising na sya eh.."-nakangiting sabi pa nya
Pinapula ko yung mata ko..nakita kong nagulat sya pero bigla syang napangiti
"Naks sir..!ang ganda po ng contact lense nyo ah..!"ngingiti-ngiti pa sya..
Tumayo ako saka sya kinuwelyuhan kaya nawala na ng tuluyan ang ngiti nya at napalitan ng takot..lalo na't sobrang saya ko at hindi ko mapigilan ang sarili ko na gustong gumawa ng masama..patayin ko nalang kaya 'tong si Ariel..
"S-sir..---
"Wag na wag kang magbibiro sakin at kung ano man ang nakikita mong itsura ko ngayon ay wag na wag mong ipagsasabi kahit kanino..mamatyagan kita at kapag may pinagsabihan ka ay buhay mo ang kapalit..!" May diing sabi ko sakanya
Sunod-sunod syang tumango..agad ko syang hinagis sa pintuan..kaya nagkaroon ng konting damage ang pintuan
"Ipatawag mo si Gardo at ipaayos mo 'yang pinto..!"sabi ko sakanya sabay upo sa sofa..tumango sya at agad umalis sa tanggapan ko..tss..natakot ata...!!
Gan'tong-ganto rin ang ginawa ko noon sa Mer na yun...pero mukang hindi sya natatakot sa kaya kong gawin kaya pinatay ko na sya ng walang kahirap-hirap
BINABASA MO ANG
A Woman Loved By A Demon [COMPLETED]
Mystery / Thrilleranong gagawin mo kung magkagusto sayo ang kinatatakutan ng lahat? paano kung gawin nya ang lahat para maangkin at makuha ka magpapakuha ka ba?! kung sa bawat galaw mo,lagi syang nakamasid nakabantay sayo Ito ang nakakakilig ngunit nakakatakot na kwe...