SPECIAL CHAPTER
Kasalukuyan akong naglilinis sa buong bahay namin,..grabe naman kasi sa laki nitong bahay,siguro kaylangan kong kausapin ang asawa ko tungkol sa pagkakaroon ng maids..narinig ko bigla ang iyak ng panganay ko kaya sumigaw ako
"Mahal paki-hele naman si Klenth oh.naglilinis pa 'ko eh..!"
Narinig ko naman ang tugon ng asawa ko."Okay!"
Napangiti ako habang nagba-vacuum sa sahig..nanganak na kasi ako ng lalaki..si army pa mismo ang nagpangalan sa anak namin isa't-kalahating taon na ang nakakalipas
Hindi ko na narinig ang pag-iyak ng anak ko..malamang nakatulog na yun..magaling pa naman mag-hele ang asawa ko eh kahit ako nakakatulog
"Mahal alam mo ba ang nunal..?!hindi ba't hindi na sya natatanggal sa balat ng tao..!".narinig ko ang boses ng asawa ko sa bandang likuran ko sya nagsalita
Nagkunyari akong hindi sya narinig..napangiti ako pero in-off ko na ang power ng vacuum cleaner na hawak
"Alam mo mahal ko may mga bagay kasi na kahit anong gawin ay hindi agad natatanggal,permanente na kumbaga.!".medyo nagtaka ako sa pinagsasabi ng asawa ko..seryoso narin ang boses nya na parang ewan
"Ano ba 'yang pinagsasabi mo?!".tanong ko,hindi parin ako humaharap sakanya dahil busy parin ako sa paglilinis
"Masayang-masaya ako dahil sa wakas..asawa na kita at may anak pa tayo..sa palagay ko naman ay permanente na 'to at hindi ko hahayaang mawala ito sakin lalo ka na santi pati ang ating cute na cute na baby..!"
Hindi na maganda ang naiisip ko..bakit ba sya nagsasalita ng ganyan..?!may sakit ba sya..?!
Lumingon na 'ko sa likuran pero wala naman sya roon..may nakita akong isang bagay na nasa sahig..agad ko itong dinampot..ito yung kwintas ni mabini na galing sa albularyo ah?hindi nya 'to hinuhubad ng walang dahilan.bakit nandito 'to sa sahig nakakalat.?!
Napatayo ako habang hawak parin ang kwintas ng asawa ko
"Sa tingin ko,hindi dapat tayo dito tumira eh halika,.may mas maganda akong tahanan..doon nalang tayo ng anak natin at mamuhay ng happily-ever-after ng magkakasama..!"
Medyo mahina pero may bahid ng seryoso sa boses nya..napapa-hagikhik sya at alam ko..nasa likuran ko ang nagsasalita
Ng lingunin ko ang likuran ko ay halos manlaki ang mga mata ko
Karga ni mabini ang anak namin..may pinaghalong pula at itim na usok sa paligid nila..may sungay sya na napakahaba..agnas ang kalahating muka..mapupula ang balat at mahabang buntot..pati ang anak namin ay mapula ang mga mata na may maliliit na dalawang sungay sa ulo
Sinakop ng itim ang lahat ng mata nya..nakangisi sya habang papalapit sakin..tatakbo sana ako pero nakita kong para akong nasa kawalan..pula nalang ang buong kapaligiran..hindi! nananaginip lang ako,.panaginip lang 'to..!!ayoko na.!!hindi 'to totoo
"SABI KO NAMAN SAYO MAHAL,.DARATING ANG ARAW NA MAMAHALIN MO RIN AKO GAYA NG PAGMAMAHAL KO SAYO..".Sabi nya sabay halakhak ng mala-demonyo na halos gumuho na ang kapaligiran
Mala-demonyo kung ano at sino talaga sya!!
-THE END-
BINABASA MO ANG
A Woman Loved By A Demon [COMPLETED]
Mistero / Thrilleranong gagawin mo kung magkagusto sayo ang kinatatakutan ng lahat? paano kung gawin nya ang lahat para maangkin at makuha ka magpapakuha ka ba?! kung sa bawat galaw mo,lagi syang nakamasid nakabantay sayo Ito ang nakakakilig ngunit nakakatakot na kwe...