Pilit kong pinakalma ang sarili ko nang nasa taxi na ako.
Sa tagal ng panloloko sa akin ni Jared, hindi ko na alam kung ang ano ang mararamdaman ko.
Did he really loved me? 4 years iyon. Hindi naman siguro siya ganun kagago diba?
Minura ko ang sarili ko sa naisip ko. Ang tanga mo talaga, Ava! Kung minahal ka niya bakit umabot sa kinse ang panloloko niya sa'yo?
Napabuntong-hininga na lang ako. I should stop thinking about things that don't make sense. Tapos na kami. Natuldukan na.
At isa pa 'yung Arvin na iyon. I hate his guts. He always make me feel that I'm so vulnerable in front of him! Damn those men!
Sa mga sumunod na linggo ay hindi kami gaanong nakakalabas nila Josh dahil busy sa trabaho. Pinaghahandaan kasi ng buong team ang project sa Marco Polo.
Araw-araw pa din akong kinukulit ni Jared ngunit hindi ko na iyon pinapansin. Minsan ay hinihintay pa niya ako sa trabaho ngunit hindi siya makalapit dahil nakabantay lagi si Josh at Ivy sa akin.
I needed to work over time on most days dahil na din madaming rooms pa ang kailangan ng design.
Kami ang napili ng board ng Marco Polo ngunit gusto nilang maghanda kami ng 40 layouts para sa mga kwarto. It will be a condo-resort, so the clients could have options to choose from if they would purchase one.
Halos malaglag ako sa kinauupuan ng marinig ko ang tili ni Josh.
"Ano na naman ba 'yun bakla ka?!"
Tumalim at tingin niya sakin at inirapan ako. "Alam mo kung hindi lang kita kaibigan Ava Elizabeth masasaktan ka sakin. I'm a woman, W-O-M-A-N!
Umirap lang ako at tinawanan siya. "Wala kang matres."
"Tse! Huwag kaya kitang isama sa Palawan?"
Agad naman akong napalingon sa kanya. "Palawan? Magpa-Palawan tayo?" Ngiting-ngiting tanong ko.
Inismidan niya ako bago ilapag ang envelope sa table ko. "Ay ano teh, di ka na-inform na sa Palawan ang project natin? Malamang pupunta tayo dun para mas mabigyan ng idea sa designs na gagawin natin!"
This is what I need. Work. And break from all the people who's stressing me out.
Kaya naman nang dumating ang linggo ng aming lipad papuntang Palawan ay excited na excited na ako. Puspusan ang pag-iimpake ko at paghahanda sa mga gagamitin ko doon.
"Saan ang punta mo, anak?"
Sinulyapan ko si Daddy habang nag-iimpake pa din ng damit. "Sa Palawan. Nagpaalam na ako kay Mommy."
Rinig ko ang buntong hininga niya bago lumapit at umupo sa aking kama.
"Alam kong galit ka pa din sa akin, anak. Pero sana naman mabigyan mo ako ng pagkakataong makilala ka."
Hindi ko siya kinibo at nagpatuloy lang ako sa pag-aayos ng gamit. Nakita kong nagpahid siya ng nangingilid na luha ngunit di ko iyon pinansin.
"Maghihintay ako anak, na mabuksan mo na ulit ang puso mo sa akin."
Nang nakalabas siya ng kwarto ay saka nag-unahan sa pag-agos ang luha ko.
I've always wanted a complete family. But I have accepted it na hindi iyon ang kapalaran ko. And I didn't blame him for leaving us. I know, maaring may mga dahilan siya kung bakit niya ginawa iyon.
I've lived with it since I was a kid. I grew up seeing Mom cry almost everyday. She even distanced herself from me. Na para bang ako ang nakakapag-paalala sa kanya na iniwan kami ni Daddy.
At tinanggap ko iyon. Lumaki akong responsable para sa sarili ko. Hindi dumedepende kahit kanino at sarado ang puso sa ibang tao. Nagalit din ako kay Mommy pero inintindi ko siya. Alam kong nasaktan lang siya ng iwan kami ni Daddy.
Pero si Daddy...
Bakit pa niya kailangang bumalik? Maayos na ang buhay namin ni Mommy. Nabuhay kami ng wala siya. Dahil ba sa wala na siyang pera? I don't want to be rude to him and I know he's still my dad pero I can't see any reason kung bakit pa siya bumalik.
Dahil kung nagkamali lang talaga siya na iniwan niya kami, hindi na sana inabot ng 16 years bago siya bumalik.
At kung talagang mahal niya kami... Kung talagang mahal niya ako.... He shouldn't have left us in the first place.
Maybe that's the reason kung bakit ganito din ang kinahantungan ng relasyon namin ni Jared. He was the only guy I've opened my heart to. He was sweet and caring, and he was broken, too.
He also had a dark past and we used each other like a drug. Gamot sa sakit na iniwan samin ng mga magulang namin.
But he broke me too. Just when I thought everything between us was sailing smoothly, he started cheating on me when I refused to give myself to him.
Hindi ko kayang ibigay ang sarili ko sa kanya. Dahil iyon na lang ang mayroon ako. I'm shattered. Deeply shattered and wounded by fairytales that I know don't exist.
I can't give him the last thing that I was able to take care of. And I was right. Hinding-hindi ko pagsisisihan ang desisyon kong iyon, lalo pang napatunayan ko na tama ako. Jared is nothing but a jerk like my father.
At gaya ni Daddy, kung mahal talaga ako ni Jared, he shouldn't have cheated on me... dahil lang hindi ko mabigay ang gusto niya.
Hindi ako makatulog sa eroplano sa sobrang kadaldalan ni Josh. Akala ko ay ako na ang pinaka excited, mas lalo pa pala ang baklang 'to.
"Andito na tayo, Ave! May two piece ka bang dala?" Patiling tanong sakin ni Josh nang makababa kami ng eroplano.
Inirapan ko siya. "Oo. Pero trabaho muna ang asikasuhin natin Josh. May deadline tayo na kailangan i-meet."
"Ang KJ mo, mag swimming muna tayo sa first day!"
Sasagot pa lamang ako nang may kumuha ng gamit ko mula sa akin. Agad kong nilingon ang isang lalaking naka-shades na kumuha niyon.
"You are my guests. You can enjoy the beach first. We can start working tomorrow." Hindi ngumi-ngiting sabi ni Arvin.
Kumunot ang noo ko at tinaasan siya ng kilay. "Why are you even here? And kaya ko nang buhatin iyan. Give it back."
"As long as you're under this project, I am your boss. And you are bound to do what I say without further questions."
Dire-diretso siyang naglakad at hindi man lang ako sinulyapan. Ang sungit!
BINABASA MO ANG
Stranger's Bed
RomantikAva's idea of fairytales and happy ending is broken since she was young. She's born to an environment where people keeps on hurting her. Just when she decided to kick out these kind of people in her life, Arvin came along. She knows his kind. He wil...