"Don't worry about me too much. Please don't eat fastfood while I'm gone. And don't skip breakfasts. I already asked Mang Tony to drive you to work and fetch you when you're done."
Hindi ko pa din malimutan ang gabing iyon at ang sumunod na umaga. And here I am again, staring at the note he left.
"Please take care of yourself while I'm away. I will be back as soon as I can."
Higit isang buwan na ang nakalipas at mamaya ay uuwi na si Arvin. Dalawang beses lang niya nagawang umuwi sa loob ng isang buwan at takas pa iyon. Kaya naman sabik na sabik ako na makita ulit siya.
Ang sabi ng sekretarya niya ay dapat sa susunod na linggo pa ang uwi ni Arvin pero pinilit niyang ngayon. Though he doesn't know that I know he's coming.
So I'm planning a surprise tonight. I asked Josh to drive me to the supermarket after our shift. I would definitely make Arvin feel that I missed him so much. And that I love him so much. The two visits he did in the past month were surprises and he even had it planned and special. It's high time I do the same for the man I love, isn't it?
Tahimik si Josh habang namimili kami kaya naman binasag ko iyon. "Problema? Tahimik ka ata?"
Humugot siya ng malalim na hininga at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "I have something to tell you but I really don't know where to start, Ave."
I shrug him off and turned to get some pasta on the rack. "What? Don't tell me that you're not gay and you've fallen for me. May Arvin na ko--"
"Nakita ni Arienne si Arvin sa hotel sa Makati kahapon may ka-dinner na babae."
"Alam mo kung gaano kadaldal yang ex mo Josh kaya bakit ka naniniwala dun? Imposible yang sinasabi niya dahil ngayon ang flight ni Arvin."
Pagkauwi ay excited akong nagluto ng Aglio Olio at nagbukas ng sparkling white wine na kapares noon. I can't wait to see Arvin's surprised face tonight. I'm sure he will, dahil hindi ko naman talaga siya pinagluluto.
Alas diyez ng gabi ay hindi pa din siya dumadating. Natapos ko na ang isang movie sa HBO ngunit wala pa din siya. I'm really not that hungry dahil kumain kami ni Josh kanina.
Nanlalamig ang tiyan ko sa mga ideyang naisip kung nasaan si Arvin ngayon. He should be here two hours ago. Tinext ko naman si Ara, ang secretary ni Arvin pero hindi din nag-reply.
Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Josh kanina. Hindi. Hindi talaga pwede iyon.
Ano ka ba naman, Ava. Nagta-trabaho ng maayos yung tao, bakit mo pa pinagdududahan? Baka natraffic or nagkaproblema sa trabaho. Arvin has proved me wrong everytime. He is faithful and loyal. He really changed from the playful bachelor who jumps from one girl to another like he's changing clothes. What the hell am I worrying of?
Marahang haplos sa aking buhok ang gumising sa akin. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko to see him smiling at me.
"Arvin..." halos mapabalikwas ako sa sofa nang maalala kong pinagluto ko siya.
Himas-himas ko ang pwetan ko sa pagkakalaglag sa sofa nang makita ang sinag ng araw sa salamin na bintana. Umaga na? Luminga-linga ako para hanapin si Arvin pero wala siya.
Nagmamadali kong tinignan ang mesa at nakitang nandoon pa din ang pagkaing ihinanda ko. Ang sparkling wine ay hindi din nagalaw. Nang magpunta ako sa kwarto ay ganoon pa din ang kama. Hindi man lang nagulo. Bukas ang banyo at mukhang hindi talaga umuwi si Arvin.
Halos manlumo ako nang ma-realize kong nananaginip lang pala ako. I must be going nuts over him. Pati sa panaginip ay nakikita ko na siya!
May kung anong malamig na pakiramdam sa aking tiyan nang makita ko ang text ni Ara na hindi pa daw nakauwi si Arvin kagabi dahil may emergency. Na-move daw ang uwi nito sa Biyernes at diretsong aattend ng party ng kanyang Mama.
Habang kinakain ko mag-isa ang pasta na niluto ko kagabi ay may bara sa aking dibdib na hindi matanggal. Hindi ko na din mapigilang lumuha habang sumisimsim ng wine na dapat ay kagabi pa namin nainom. Hindi ka naman niya pinaghintay, Ava. He didn't even tell you to cook for him kaya anong problema mo? Arvin has responsibilities. And I should be aware of that.
Mabilisan akong naligo at nagbihis para sa opisina. Sinagot ko ang tawag ni Ivy nang nasa taxi na ako. "Ano tong nabalitaan ko kina Arienne na nakita daw nila si Arvin sa Manila? Hindi ba't nasa Palawan ang boyfriend mo?"
"He is." Tamad kong sagot sa kanya.
"But she said Arvin was with a girl! She was having dinner with her friends when she saw them walk in..."
Halos manlabo ang mga mata ko sa nagbabadyang luha pero pinigilan ko iyon.
"Those are just rumors, Ivy. Sige na ibababa ko na. Malapit na ako sa office." Kalmante kong sagot sa kanya. I really don't want to talk about this. I trust Arvin.
Her silence in the other line stayed until she sighed. "I just don't want you to get hurt, Ave. Arvin might have changed, yes. Pero hindi mo ako masisisi. Ayoko nang maulit iyong pinagdaanan mo kay Jared."
Maghapon kong binuhos ang frustration ko sa trabaho. Ni hindi ko chineck ang cellphone ko. Natapos ko lahat ng designs na kailangan sa araw na iyon. Pupwede na nga akong umabsent bukas dahil wala na akong gagawin.
Nang mag-uwian ay nilapitan ako ni Ivy at Josh. "Ave...."
Ngumiti ako nang pagod sa kanila bago magpaalam. Josh offered to take me home but i refused. Oo, gusto kong makauwi na. Pero gusto kong mapag-isa.
I hailed a cab papunta sa penthouse. Nag-impake ako ng mga gagamitin ko bukas. I will check-in tonight sa hotel na pagdarausan ng party ni Tita Sandra. Ayokong ma-hassle kaya naman doon na lang ako matutulog ngayong gabi. Tutal ay magkikita naman kami ni Arvin doon para sabay na ding umuwi bukas pagkatapos ng party.
I was walking down the garden of the hotel while admiring the stars. Mahilig siya sa mga bituin. He even own a huge telescope at his penthouse. Kamusta na kaya siya? Is he so busy that doesn't have time to call me today?
Nanliit ang mata ko nang makita ang pamilyar na likod na naglalakad sa dagat ng mga tao.
"Arvin..." Hahabulin ko sana iyon pero pinilig ko ang ulo ko. Arvin can't be here coz he is in Palawan. Stop imagining things, Ava.
I arched my eyebrow as I finish the last stroke of my nude lipstick. I look glorious in this white long gown and messy updo. I have to surprise Arvin. I don't want to be there and surprise him for not looking beautiful...
Nang makarating ako sa ballroom ng hotel ay madami nang tao. Tinawag na sa entablado si Tita Sandra para sa opening remarks.
As she stood there and welcome the guests, I can't avoid looking around for Arvin. He should be here any moment from now.
Natigil lang ako sa paghahanap ng marinig kong ipinakikilala si Arvin sa entablado ng sarili niyang ina.
"May I call on my son and his fiancè, Arvin and Kassandra, please join me up on stage."
Halos mabilaukan ako sa ngiti sa kanilang mga mukha. I just can't believe what my eyes are seeing!
Look who got surprised tonight. You are an idiot, Ava!
Pilit kong nilunok ang bara sa aking lalamunan at pinakalma ang sarili. You can't cry, Ava. Not in front of these people. Not in front of these people who betrayed you! Isang sulyap pa ang binigay ko sa lalaking nagsasalita sa stage. I trusted him. I thought he'll be different. I gave my heart to him. I gave myself...
And I'm a fool for doing so.
Inisang lagok ko ang wine na isineserve ng waiter bago lumabas sa ballroom. I need to pack my bags. Unti-unti ko nang napagtatagpi lahat pero may kailangan pa akong kumpirmahin. But I need to get my things out of his penthouse first.
Pinalis ko ang mga luhang nag-uunahang bumagsak sa pisngi ko. I can't believe I fell for that man. And damn myself for even imagining my future with him.
I can't stand being with someone that I don't even trust.
BINABASA MO ANG
Stranger's Bed
RomanceAva's idea of fairytales and happy ending is broken since she was young. She's born to an environment where people keeps on hurting her. Just when she decided to kick out these kind of people in her life, Arvin came along. She knows his kind. He wil...