Chapter 11

223 8 2
                                    

Katatapos lang namin maghanda para sa gabing ito. Itim na sleeveless long gown ang suot ko. Naka-check in na kami ng mga kaibigan ko noong makalawa pa para maghanda para sa event na ito. Sa Marriott Grand Ballroom gaganapin ang awarding ng litrato na kinuha ko noong nakaraang buwan.

Pinilit lang ako ni Mommy na magpasa ng entry para sa contest na ito. DMCI holdings held a contest in connection with their new condominium in Makati overlooking the Manila Bay.

Hindi ko naman talaga goal na manalo noong una pero nang malaman ko na kalahati ng grand prize ay mapupunta sa charity na napili nang mananalo ay halos hindi ako makatulog gabi-gabi.

Hindi naman ako professional photographer and I don't have that much money para tumulong sa charity kaya alam kong pagkakataon ko na 'to para makatulong kahit paano sa mga bata sa orphanage.

"Baby.." halik sa akin ni Mommy. She's wearing a long navy blue gown matched with Dad's black americana.

Nginitian ko silang pareho matapos humalik din kay Dad. I'm in good terms with him simula nang mag-sink in sa akin ang mga sinabi ni Arvin noong gabing iyon.

He's right. I'm lucky that we have this second chance with Dad. My parents aren't getting any younger. I should just be grateful that I still have time to be with them. Hindi katulad ng iba na hindi na talaga magkakaroon ng ganitong chance.

Hindi ko na din inungkat kay Daddy kung anong nangyari, but he told me anyway. He said that he met a woman before he even married Mom. His first love. That woman was dying so he had to attend to her final whims. Iyon lang ang alam ko. But whatever, everyone's happy now so it doesn't even matter.

"Buti nakarating kayo, Mom, Dad." Nakangiting komento ko habang paupo na kami sa table na inilaan sa akin at sa mga kakilala ko.

"We wouldn't miss this for anything else, sweetheart." Malambing na sagot sa akin ni Daddy.

Nakangiti akong tinignan ng dalawa kong kaibigan. Ivy and Josh. Krea's been missing out lately, I heard she's out of the country. Anyway, I know they're all happy for me. All I need to do now is to win this contest and everything will be perfect!

Sinulyapan ko ang cellphone ko at may isang text doon.

You'll win, Love. I'm sure. I'd bet my life on your photos. They're wonderful.

Kahit na wala siya dito ay hindi pa din siya nakakalimot. Although I was a bit sad na wala siya, I know he supports me.

I smiled to myself and focused on the contest. The host went to the stage to carefully run through the photos. 30 entries ang naglalaban para sa enthusiast division. Kapag nanalo ako dito ay mabibigyan din ako ng big break. I'd get to cover all their brochures and shoots!

Capturing romance in Manila ang theme ng contest na ito. I spent weeks trying to get what it meant for me. Halos hindi na nga ako maka-concentrate sa trabaho para dito. Mabuti na lang ang binigyan ako ng leave ng supervisor namin, well dahil na din sa utos ni Arvin.

Nang tawagin ang entry ko bilang pasok sa top 3 ay halos mapunit ang ngiti sa labi ko. Sure win! Kahit alin sa tatlo ang mapanalunan ko ay okay na. 500K cold cash ang premyo kasama ng isang DSLR camera at 500K para sa charity. 300K naman ang 1st placer at 200K ang para sa 2nd placer.

Niyakap ako nila Mommy nang hindi matawag ang bilang ng entry ko. Noong una ay hindi ko pa nakuha, pero nang huling tinawag ang pangalan ko ay halos maluha ako. I won! Thank God!

Nang maka-apak ako sa stage ay binigyan ako ng oras para ipaliwanag ang ibig sabihin ng aking entry.

Kuha niyon ang isang pamilya na nakaupo sa seaside. Ang lalaki ay nakatingin sa kanyang asawa. Ang babae naman ay nakatingin sa kanilang anak. Habang ang batang nasa gitna nila ay tinatanaw ang papalubog na araw. Sa gilid ng pamilya ay may mga vendors na nagtitinda. May mga magkasintahang naglalambingan. Magkakaibigang nagkakasiyahan. Mga batang naghahabulan.

"We all have our own definition of romance. This is what I want to depict in this shot I took. Like the husband, his romance is his wife. While for the wife, her romance is her child. And for this child, his romance is the bay and sunset. Romance is not caged within love or attraction for the opposite sex. Anyone can feel it for something or someone. Regardless of the age, gender, race and beliefs. Romance is our soft spot. It may be our special someone, our kids and family, a place, our friends, or the things that make us happy. And this is what Romance in Manila is for me. It's all in this photo, the reason why I fell in love with this city."

Matapos ang contest ay itinuloy ang dinner habang ipinapakilala ang winners sa investors. Ang mga photo entries namin ay naka exhibit na din. Sinabi na din sakin nang management na kukunin nila ako at ang idea ko para sa campaign ng condo na kanilang itatayo.

Life couldn't even get better right now! Napukaw ng isang lalaking nakatayo sa likuran ng ballroom ang atensyon ko.

Nagpaalam ako sa aking mga kausap at kabadong lumapit sa kanya. A smile formed in his handsome face. "Why are you here? Akala ko ay nasa Palawan ka pa?"

Pumaikot ang kamay niya sa aking bewang at hinalikan ako sa aking sentido. "Why not, Love? Do you really think I'd let you celebrate your success without me?"

Napangiti ako sa sinabi niya. Hinanap ng aking mata sina Mom at Dad pero hindi ko sila makita sa kahit saang sulok ng ballroom. "Nandito na nga ako, nagsa-sightseeing ka pa."

Lumaki ang ngisi ko at hinampas siya. "Baliw. I'm looking for Mom and Dad. I want to introduce you to them."

Natawa ako nang mamutla si Arvin. His face was priceless! At least I now know that I'm dating a human. Because being Arvin himself, palagi naman siyang composed at seryoso. He smiles, he smirks, he blushes. But I have never seen him damn nervous!

I smiled at the thought na kinakabahan siya to meet my parents. I know I'm really special but I guess it's really flaterring to feel it everytime.

Kinapa ko ang aking cellphone sa aking clutch bag at nakitang may text doon si Mommy. Mauuna na daw sila dahil masama ang pakiramdam ni Daddy. And they have a business trip tomorrow early in the morning.

"Well, looks like you're saved. Nauna na sila Mom."

He gently kissed my cheeks. Lumapit sa amin ang mga investors at prominenteng tao sa industriya ng hotel at real estate management and they talked business with Arvin. Hindi na ako nagtakang sikat siya dahil noon pa man ay kilala na ang pamilya niya. At matunog pa ang pangalan niya dahil sa nalalapit na pagbukas ng Marco Polo Palawan.

"By the way, this is my soon to be girlfriend, Ava Elizabeth Angeles. She's the winner of the contest..."

Nanlamig ang tiyan ko sa pagpapakilala na ginawa niya. Why do I suddenly feel so small from him?

With the few guys who courted me, and even everytime Jared cheated on me, I never felt this insecure. Arvin is the real deal in this business. And me? Just some amateur who joined a freaking photography contest.

Unti-unti akong kumalas sa pagkakapit niya sa aking bewang. Kumunot ang noo niya nang mapansin niya iyon at binalingan ako. "Love?Where are you going? Is there something wrong?"

"No... Sa restroom lang. I'll be back." I lied and tried to fake a smile.

Nagdududa niya akong tinignan at hindi pa din pinakawalan ang kamay ko. "Are you sure you're alright?"

I smiled a real one this time. It makes me happy that he could care about me this much. "Yes, I'm alright, Arvin."

Stranger's BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon