"So ano na? Kayo na?" Ngiting asong tanong sakin ni Josh.
Umirap ako at kinuha ang itim na dress na ipapatong ko sa two piece kong puti. "Hindi. Alam mong iba si Arvin, Josh. Kaya akong paikutin nun nang di ko namamalayan."
Last day na namin ngayon sa Palawan at babalik na kami ng Manila bukas ng madaling araw. Kaya naman ganto na lang ang pangungulit sakin nitong si Josh na mag-swimming.
Kahit nang nakapasok na ako sa banyo para magbihis ay hindi pa din ako tinantanan ng bakla. "Oo Ave, iba si Arvin, iba si Jared. Ang laki ng pagkakaiba noh! Kagwapuhan pa lang jusko, Arvin na!"
Halos matumba si Josh nang buksan ko ang pintuan ng CR. Paano ba naman kasi nakahambalang.
"Gwapo nga, playboy naman. Si Jared nga na tahimik noon nagawa akong lokohin ng napakaraming beses. Kung hindi lang talaga ako nagpakatanga at nag-isip na si Jared lang ang makakaintindi sakin edi sana matagal ko nang iniwan yun."
Bumuntong hininga siya at humiga sa aking kama. "Given na playboy si Arvin at si Jared ang mabait. Pero you can never tell. Hindi dahil mabait si Jared ay di ka niya lolokohin at hindi dahil may playboy image si Arvin ay lolokohin ka na niya. Actually niloko ka na nga ni Jared hindi ba? And I've never seen that man so smitten! Kilala kong playboy si Arvin pero hindi siya ganyan sa mga babae niya. Paano kung seryoso si Arvin sayo? And as I can see, he is. What I'm saying is, give it a shot, Ave. I can see that you're happy with him."
Tulala ako habang naglalakad kami ni Josh. Hindi mawala sa isip ko yung sinabi ni Arvin nung nakaraan. At yung sinabi ni Josh... He's right. Napapasaya ako ni Arvin.
"Ave ano? Tunganga lang dyan ganon?" Agad akong napabalik sa katinuan sa sigaw ni Josh na ngayon ay nasa dagat na kasama ng mga kaibigan namin.
Hinubad ko ang itim na dress at iniwan iyon sa dalampasigan kasama ang tsinelas na bigay ni Arvin.
Malamig ang tubig, parang ang simoy ng hangin lalo na't December na.
Nagkatuwaan kami ng mga kaibigan ko doon habang pinagmamasdan ang building ng Marco Polo. Pitong palapag lang iyon ngunit malawak ang lupa na sakop. Sa palagay ko ay hindi na kailangan ng dalawang taon. Buwan na lang ang bibilangin ay matatapos na ito. Baka nga sa susunod na pasko ay opening na nito.
Nawala ako sa pag-iisip nang masabuyan ako ng tubig. Tatawa-tawa kong nilingon si Miguel na siya palang nang-saboy nun sa akin. "Ano Ava? Losen up! Isang buwan na tayo dito sa Palawan, isang buwan ka na ding seryoso. Ngayon na nga lang tayo nagkita ulit after college. You're very far from the Ava that I met back in college."
Inirapan ko siya at narinig ko namang umismid si Josh. "Naku Miguel. Huwag mo nang intindihin yan, tatanda yang dalaga sa ka-bitteran sa ex niya."
Kumunot ang noo ni Miguel na para bang nagtataka. "Si Jared pa din ba? Tsss. Sabi ko naman sa'yo noon, ako na lang ang sagutin mo, hindi kita lolokohin." Pabirong hirit niya.
Naging kaklase namin si Miguel noon sa UP Diliman at sabay silang nanligaw sa akin ni Jared. Pero kay Jared mas napalagay ang loob ko dahil pareho kami ng pinanggalingan.
"Haynako Miguel, allergic yan si Ava sa mga magaling mambola na lalaki no! Tignan mo nga si Sir Arvin, hindi niya pinapansin!" Hirit naman ni Bea, isa din sa mga Architect namin.
Umangat ang labi ni Josh at tinawanan sila. "Ano ka ba Bea, sila na kaya ni Sir. Ayaw lang umamin nitong si Ava."
Agad ko siyang pinanlakihan ng mga mata. "Wag kayong maniwala dyan kay Josh, maaaring tatanda nga akong dalaga pero hindi kami ni Sir Arvin no! Friends lang kami. Saka bakit ako papatol dun? Eh playboy kaya 'yun. Lolokohin lang ako nun. Ang sungit pa."
Napataas ang kilay ko nang mapansin kong nanahimik lahat sila. Si Bea naman ay parang nakakita ng multo. Luh? Anong problema ng mga 'to?
Halos kilabutan ako ng maramdaman ko ang mainit na kamay sa aking balikat. Tumikhim siya at tumabi sa akin. "Oo nga, wag kayong maniwala kay Josh kasi nililigawan ko pa lang si Elizabeth. Kaya hindi pa kami."
Pilit na tumawa ang mga kasama ko at halos 'di naman ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Jusko Ava! Ininsulto mo na naman ang boss mo! Tsinismis mo pa sa mga colleagues mo!
"Oh paano, mauna na kami ni Elizabeth. Magmemeryenda muna kami. Kayo din, kumain na kayo."
Hindi na ako nakapalag at nagpadala na lang ako kay Arvin. Bwisit na buhay 'to. Siguradong pagagalitan na naman ako nito. Or worse, baka sisante na ako. Lalo pa't nakuha na niya ang mga designs. Bahala na. Bahala na si Batman.
Nang makarating kami sa pampang ay isinuot niya sakin ang maroon na robe. Napabuntong hininga siya nang titigan ako. "Tssss. Itali mo ang robe mo."
Ilang saglit akong natigilan pero nang narealize kong hindi niya ako pinagalitan ay umiling ako at naglakad. "It's fine. Sanay naman ako sa lamig."
Huminga siya ng malalim na para bang nahihirapan siya. "Pero hindi ako sanay na nakaganyan ka. Halos kita na ang kaluluwa mo sa puting tela na 'yan!"
Patuloy lang ako sa paglalakad sa isa sa mga cottage kung nasaan ang meryenda. "Edi wag kang tumingin."
Marahas niyang hinablot ang braso ko at iniharap ako sa kanya. "Elizabeth... I know I don't have the right pero pwede bang yung medyo mahaba naman? At makapal? At ibang kulay?
"Arvin, nakakita ka na ba ng swimsuit na mahaba at makapal? Okay ka lang ba? Syempre dapat magaan ang tela kasi nga lalangoy ka hindi ba? At saka bagay naman ang puti sakin kasi morena ako."
Ginulo niya ang buhok niya at tumabi sa akin sa cottage.
"I know... I just don't want other guys seeing you like this. Gusto ko ako lang."
Umirap ako at kumagat sa isang tinapay. "Selfish. Di pa nga tayo."
Pinunasan niya ang gilid ng labi ko at napatitig siya doon. "Dun din naman pupunta 'yun..."
Bahagya akong lumayo nang pumungay ang mga mata niya. "At paano ka nakakasiguro?"
Nag-iwas siya ng tingin at iniyuko ang ulo. "Eh hindi naman ako titigil hanggang hindi kita napapakasalan eh."
Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Kasal? Anong kasal? Ugh! "Arvin! Ano ba 'yang pinagsasabi mo!"
Tumingin siya sa akin ng diretso at walang pag-aalinlangan. "Why, Elizabeth? Saan ba sa tingin mo ang punta natin nito?"
Halos malunod ako sa mga titig niya nang biglang umingay ang cottage. Nagpapasalamat talaga ako at dumating sila Josh. Hindi ko na alam ang isasagot sa lalaking 'to!
"Halika na, Elizabeth. Dalhin na lang natin yang pagkain mo sa kwarto. Magpalit ka na muna. Makikita na naman nila ang..." pinasadahan niya ako ng tingin at bumuntong hininga. "Please sumama ka nalang sakin dahil ayokong may nakakakita sa mga iniingatan ko." Bulong niya sa akin.
Tumango lang ako at nagpatianod nang hilahin niya ang braso ko. Sa kabilang kamay niya ay dala niya ang mga pagkain. Damn, Arvin, ginugulo mo ang damdamin ko!
BINABASA MO ANG
Stranger's Bed
RomanceAva's idea of fairytales and happy ending is broken since she was young. She's born to an environment where people keeps on hurting her. Just when she decided to kick out these kind of people in her life, Arvin came along. She knows his kind. He wil...