"Hindi mo siya kilala, Ave? Isaiah Arvin Del Mundo. The soon to be GM of Marco Polo Palawan. A known architect himself!" Sermon sa akin ni Joshua nang ibalita ko sa kanya ang pagkapili ng aming design.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Saan ko nga ba narinig ang pangalan na iyon?
"Nevermind Ave, wala ka kasing ibang kilalang papables kundi iyang Papa Jared mong manloloko!" Nakasimangot na singhal niya sakin.
"Haynako tigilan mo na 'yan Josh. Hindi na yata mauuntog yan! Basta Prive mamaya ha!" Singit ni Ivy bago kami bumalik sa trabaho.
Matapos ang lunch ay agad kong sinearch ang pangalan ng lalaking iyon. He finished his degree in Architecture at Ateneo. He also have a degree in Business Management from Enderun College. He's 26 years old, Eldest son of Mrs. Sandra and Mr. Frederico Del Mundo.
Ilang minuto kong tinitigan ang kanyang mga litrato pero hindi ko talaga maalala kung saan ko siya nakilala o nakita.
I am really not good at remembering faces, name or details. Kaya ang mga design na naiisip ko ay agad kong inilalagay sa blue print o isinusulat ang konsepto para hindi ko makalimutan.
"Sis, guess what!" Agad kong mini-nimize sa aking screen ang lahat ng impormasyon tungkol sa lalaking iyon ng marinig ko si Josh.
"Ano?" Kalmadong baling ko sa kanya.
Tumili siya ng mahina at kinurot ako ng mahina sa braso. "Based on my research, pupunta daw iyong classmate natin noong college na si Nixie sa Prive mamaya!"
Natatawa akong humarap ng buo sa kanya. "Oh? Ano ngayon? Interesado ka na pala sa girls ngayon?"
Nanlaki ang mata niya at hinampas ako. "Ouch, Josh!"
"Gaga ka kasi! Nakakaloka ka! Over my dead and sexy body na papatol ako sa babae at lalong-lalo na sa kasing maldita nun no!"
Tinawan ko siya at humarap na sa table ko. Lumipat siya sa tabi ko at patuloy na inabala ako. "Nixie is a Del Mundo. So most probably that Arvin Del Mundo will be there too!"
Umuwi muna ako matapos ang trabaho para kumain at makapagpahinga. Josh will probably pick me up later for the party, makasiguro lang na makakarating ako.
Naghahanda na ako para sa party nang tumunog ang cellphone ko. Wala sa sariling sinagot ko iyon at ini-loudspeaker habang nag-aayos.
"Hello?"
"Ava, please... mag-usap tayo."
Agad nagpantig ang tainga ko nang marinig ko ang boses niya. Hindi na ako nagsalita pa at tinapos na ang tawag niya.
"The nerve of that guy! Hindi na siya nahiya! Sinabi ko na kasi sa'yong hiwalayan mo na yun, Ave. Hindi na namin halos mabilang kung ilang babae na ang ikinama niya kahit kayo pa! Tapos ngayon babalik-balik na naman?!" Galit na sigaw ni Josh matapos lagukin ang tequila niya.
Ibinagsak ni Ivy ang baso niya matapos ubusin ang laman niyon. She shot me with her eyes filled with hurt and anger.
"Hindi rin lingid sa'yo ang ilang beses na nahuli natin siyang may kahalikang iba. Hindi lang ako nagsasalita Ave pero napapagod na ako dahil hindi ka naman nakikinig. We just want you to stop hurting yourself with the wrong reasons and the wrong guy!"
Napapikit ako ng ininom ko ang aking shot. Gusto ko na lang kalimutan ang lahat. Tama sila, at ako talaga ang mali. Dahil hinayaan kong saktan ako ni Jared. Binigyan ko siya ng paulit-ulit na pagkakataon na saktan ako at gawing tanga. I have made myself into this. And it's all my fault that I'm hurting right now.
Hindi ko na namalayang tinatahan na ako ni Krea at hinahagod ang aking likod. Umiiyak na pala ako.
"Shhhh. Tama na, Ave. Hindi mo kasalanan na nagmahal ka ng lalaking manloloko. At bilang kaibigan mo ay gugustuhin ko ding hiwalayan mo na siya dahil sobra na at mayroon pa namang dadating na hindi ka sasaktan. But still, it's all your choice."
Marami-rami na din ang nainom ko bago ko niyaya si Josh at Krea sa dancefloor. Si Ivy naman ay naiwan sa table kasama si Kiel.
Itinaas ko ang kamay ko at nagpakalunod sa kanta. These are one of the nights that I'm hurting so bad. Na kahit ang alak ay hindi ako magawang lasingin ng tuluyan.
Napadilat ako ng maamoy ko ang pamilyar na amoy ng alcohol at mint sa aking likod. Isang lalaki ang nakikipagsayaw sa akin. Matangkad, makisig, maputi at--"Ikaw?"
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino iyon. Ngumisi siya na para bang gustong-gusto niya ang reaksyon na natanggap mula sa akin.
"You still don't remember, do you?" He asked but kept on dancing.
Kumunot ang noo ko at tinaasan siya ng kilay. "Ano bang dapat kong maalala, ha? Yung pang-babara mo sa akin sa presentation ko last week?"
Napatigil siya sandali at dumilim ang mga mata na para bang nainsulto siya sa sinabi ko. "Then I'll make you remember."
He danced behind me and caressed my body up and down. He planted soft kisses on my shoulder. It was very intimate and damn--he is that man!
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mapagtanto kong siya 'yon. Bago pa ako makakilos at makapagsalita ay nahila na niya ako palabas ng Prive.
Ilang segundo kaming tahimik. Nanlalamig ako sa simoy ng hangin at sa realisasyon na siya ang lalaking katabi ko sa kama! Siya ang lalaking nakasayaw ko sa Prive last week!
"You..."
Tumango siya at hinarap ako. "Now you remember. Do you remember my name?"
Umiling ako at umiwas ng tingin sa kanya. "No. Well at least not because you told me that night but because my friend told me who you are after my presentation."
I can see him smirk from the side of my vision. "I never thought you're bad at remembering. And I can see na mukhang nag-research ka sa akin matapos ang presentation, ah?"
I rolled my eyes and he laughed. Nang tumigil siya ay may kinuha siya sa bulsa niya. "You left this in my unit."
Agad kong inagaw ang bracelet na hawak niya. Bigay iyon ni Jared sa akin noong 1st Anniversary namin. Parehong may pait at masayang alala ang bracelet na iyon. He was very sweet that day and it was the first time that he gave me something.
And it was the first time that he asked me to give myself in to him.
Itiningala ko ang ulo ko para pigilan ang luhang nagbabadyang bumagsak. I want to stop crying and hurting for the same reason.
Nang makabawi ako ay binato ko sa kalsada ang bracelet na bigay ni Jared. I composed myself and started walking back to the bar.
"Elizabeth."
Napatigil ako nang magsalita siya. I almost forgot that he was with me. Ang akala ko ay umalis na siya.
Nilingon ko siya at nginitian. "You can call me Ava, or Ave. Nice meeting you, Mr. Del Mundo."
Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at pumihit na papunta sa bar.
Nakakailang hakbang pa lang ako nang bumaliktad ang mundo. Literally! I am hanging upside down and this man is carrying me like I'm some sort of wild animal!
"Hoy Del Mundo! Ibaba mo nga ako! Anong karapatan mong buhatin ako?! I said nice meeting you and our conversation is over!"
"Not yet, Ms. Angeles. We are not yet done talking. And you are not going back to that bar."
"But my friends are there! My things are still inside including my phone!"
"I'll tell your friends to take care of it. I am taking you home right now. Not buts. I don't want to see you drunk dancing with random men just because you can."
BINABASA MO ANG
Stranger's Bed
RomanceAva's idea of fairytales and happy ending is broken since she was young. She's born to an environment where people keeps on hurting her. Just when she decided to kick out these kind of people in her life, Arvin came along. She knows his kind. He wil...