Chapter 15

182 7 0
                                    

"They're already over, Ma. Months ago." Paliwanag ni Arvin nang hindi ako nakasagot. Nakatingin lang ako sa Mommy niya na ngayon ay nakangiti pa din sa akin.

"Well, that guy thinks otherwise. Kalat pa nga sa isang firm natin na magkakabalikan na daw kayo." Taas kilay na sabi niya sa akin. If I have to explain myself kahit wala akong ginagawang masama then I will.

Umubo ang Daddy ni Arvin para kunin ang atensyon ng asawa. "Sandra, let's not ruin this night. I've met Ava before and I think she's good for Iain."

"I just want what's best for my son, Frederico. And I think Koleen is even better than this girl." Mariing sabi ng Mommy niya habang nakaturo sa akin.

Ibinaba ng Dad niya ang kamay ng Mom niya at hinaplos ang kabilang braso nito. "Sandra, your son is 26! He's been a player ever since and this is the first time he is introducing someone to us! Can you please respect his decisions?"

I shifted my gaze to Arvin who looks like he's had enough. Namumula ang tenga niya and I felt his biceps flexed.

"Mom, Dad, please. Not tonight." Malalim ang paghingang sabi niya. Agad nabaling sa amin ang atensyon ng mga magulang niya.

Hinigpitan ko ang kapit sa braso ni Arvin. I cleared my throat and stared at them. Here goes nothing. "Mawalang galang na po, Ma'am, Sir. Hiwalay na po kami ni Jared and I am no longer in contact with him. At kung sa tingin niyo po ay ginagamit ko lang ang anak niyo ay hindi po. I'm not asking you to believe me, though. My family is not rich like yours but I am not a gold digger. I understand that you may have all the reasons to think badly of me but I do hope you'd give me a chance. Naiintindihan ko din po na you only want what's best for your son and I may not be that best for him but I love him. And I'm sorry po for saying all of these but I felt the need to explain myself because your opinion of me matters because you're important to him and he is to me."

Huminga ng malalim si Arvin at binalingan ang kanyang mga magulang. "Mom, Dad. Let's call this a night."

Akmang iiwan na namin sila doon nang magsalita ang Daddy niya. "No, Iain. We're having dinner tonight to meet this young lady who changed you. Magpunta muna kayo sa kwarto ninyo at mag-uusap lang kami ng Mommy mo."

Iginiya ako ni Arvin papasok sa isang kwarto at pinaupo sa kama. Uminit ang pisngi ko at nangilid ang mga luha ko nang lumuhod siya sa harap ko at hawakan ang kamay ko. I am lost for words.

"Love... I'm sorry. Pasensya ka na kay Mom."
Hinalikan niya ang likod ng palad ko at hindi ko na napigilang umiyak.

Do I really deserve Arvin? I feel like a lost rat trying to fit in his world. Is his Mom right? Maybe I am not what's best for him.

"Love... sshhh." Umangat siya ng kaunti at hinagod ang braso ko.

Tinakpan ko ang mukha ko ng aking dalawang palad. "Do you want to go home? We can cancel this and just meet them some other time. May masakit ba sayo? Anong gusto mo, Love? Sabihin mo lang... please." Masuyong sabi niya.

Umiling ako pilit pinigilan ang mga luha kong kusang nagbabagsakan. "A-ayaw mo na ba? I-iiwan mo na ba ko? Dahil kay Mom? Love, please. You don't have to face her ever again kung 'yun ang gusto mo. Just... just please don't leave me."

Bago pa ako makasagot ay may kumatok sa kwarto. It was his Dad calling us out to have dinner.

Inayos ko ang sarili ko sa banyo bago lumabas. Hindi ako plastik at alam kong kung lalagpas sa linya ang Mommy niya ay sasagot ako. But for the sake of love, I'll keep my bitchy thoughts inside me for now.

Tahimik kaming umupo sa mesa. Nandoon na ang Mom at Dad niya at nakahain na ang pagkain. "Son, Ava, maupo na kayo." Nakangiting baling sa amin ng Daddy niya.

Tumango ako at tipid na ngumiti. Diretsong nakatingin sa akin ang Mom niya. Walang halong kaplastikan. She still don't like me but she's doing this for her family. Matapos akong paupuin ni Arvin ay tumabi siya sa akin.

The dinner went on with Tito Fred carrying the whole conversation. Asking all about me and how me and his son met. Kapag hindi ko kayang sagutin ay si Arvin ang nagsasalita. Nakita ko pang umismid ang Mom niya nang malamang sa bar kami nagkakilala.

Matapos kumain ay akmang tatayo na ang Mom ni Arvin nang magsalita siya at hawakan ang kamay ko. "Mom. Please sit first. May sasabihin ako."

Mataman kaming tinignan ng Mommy niya bago bumaling sa magkahawak naming kamay at umupo. Humugot ng malalim na hinga si Arvin bago magsalita. "She may not be perfect in your eyes but she is for me. She's my light. My happiness. And I love her so much. So please... if you're thinking of breaking us apart... it won't happen. It will never happen coz I'm planning to marry her soon."

Halos manlaki ang mata ko sa sinabi ni Arvin. I know he jokes about these things sometimes but I never thought he could actually say that to his parents! Lalo pa't alam niyang ayaw ng Mommy niya sakin! Pinisil ko ang kamay niya para pigilan siyang dugtungan pa ang sinabi niya.

Sinulyapan niya ako at nginitian bago bumaling ulit sa mga magulang niyang mukhang hindi pa din nare-realize ang sinabi niya. Unang natauhan si Tito Fred at agad kaming binati. I don't even know we're getting married coz damn we aren't formally together yet!

Masayang nag-uusap si Arvin at si Tito Fred nang magsalita ang Mommy niya. "Is she pregnant?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at maging si Arvin ay nagulat pero agad ding nakabawi. "What? What are you talking about? Of course no!"

"We could just support the baby and be in touch with her, Iain. You don't need to marry her dahil nabuntis mo siya. Tayo ang magpapa-aral at gagastos kahit sa pagkain at panggatas..." Halos manigas ako sa kinauupuan ko. Is this how low she thinks I am? I wouldn't be here in front of them if I am pregnant. Kaya kong buhayin ang anak ko kung nagkataon. Hindi ko kailangan ng pera ng mga Del Mundo.

"Ma! Stop this! Elizabeth is not pregnant and I am marrying her because I love her! If you can't accept that then I'm sorry but I'll still marry her!" Walang emosyon ang mukha ng kanyang ina nang bumaling sa amin.

"Sandra! Let your son be happy!" Halos pasigaw na sabi ni Tito Fred.

She sipped from her goblet before smiling. "I'm sorry, son. But you'll never have my blessing. Not with this girl. Pick out anyone. But not her."

Stranger's BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon