"Okay na ba 'to?" Inirapan ako ni Ivy at hindi man lang ako sinulyapan ni Josh.
Nasa mall kami ngayon para maghanap ng susuotion ko sa dinner kasama ang parents ni Arvin.
"Anong ginawa mo sa kaibigan naming confident kahit anong suotin?" Ismid ni Josh sa akin.
Pinasadahan ako ng tingin ni Ivy. "Ginayuma ka ba ni Arvin? Okay na yan, Ave."
Matapos kong bilhin ang puting dress ay nagtungo na kami sa sinehan. Since sabado naman ngayon at tapos na lahat ng kailangang furnitures sa hotel ay nakapagpahinga na kami.
Nanuod kami ng Star Wars kahit hindi ko naman gaanong naintindihan iyon dahil hindi ko naman nasubaybayan ang storya.
Nasa kalagitnaan ng palabas ng mag-ring ang cellphone ko. Sa sobrang taranta ay lumabas ako para sagutin ang tawag.
"Hello?"
"Hi, Love. Are you ready for tomorrow?"
Napangiti ako nang marinig ang boses niya. Tumango ako kahit hindi naman niya nakikita.
"Nakabili na ako ng damit. But I'm not sure if I'm ready. Kinakabahan ako."
I heard him laugh on the other line. "It'll be fine. They'll love you. Are you at the mall or something?"
"Yup. I'm with Ivy and Josh. Ikaw? Kailan ka uuwi?"
"My flight is tonight. I'll see you when I get there. Please?"
Umalma pa ako na magpahinga na lang siya dahil may lakad pa kami bukas but he insisted.
"I never imagined you being clingy, you know." Ngising sabi ko sa kanya.
"I'm not clingy. I just love you." Seryoso ang boses niya sa kabilang linya.
"Oo na. Ako din naman. Sige na, Arvin. Babalik na ako sa loob. Bye."
"Teka! Ulitin mo--" bago pa niya mabuo ang sasabihin ay ibinaba ko na ang tawag. Hahaba lang at hindi na ako makakabalik sa loob. Sayang naman ang binayad namin.
Papasok na ako sa loob ng sinehan ng maghagip ng tingin ko si Jared. Nakatayo siya sa labas ng sinehan. Nakapamulsa at masama ang tingin sa akin.
Hindi na ako nag-isip pa at pinuntahan siya nang magsimula siyang maglakad palayo. Hinabol ko siya hanggang sa parking.
Natigilan ako nang makita siyang umiiyak habang nakasandal sa sasakyan niya. Lumapit ako at lumuhod sa harap niya para magpantay kami.
Marahan kong inalis ang mga palad niyang nakadiin sa mata niya. "Jared..."
Nagpaubaya siya at tinignan ako sa pagod na paraan. Gone was the man I loved. Mahaba na ang buhok niya na mukhang hindi na niya napagupitan. Tumubo na din ang mga facial hair na dati'y alagang-alaga niya sa pag-ahit. Malalim ang mga mata niya na para bang walang tulog. He smells like alcohol and cigar.
"Ave.. Babe..." hinaplos niya ang pisngi ko habang tuloy-tuloy pa din ang pagbuhos ng luha niya. "Bakit naging ganito? Bakit masaya ka na? Kahit na hindi mo ako kasama? Ang daya-daya mo... ang daya-daya."
Inalo ko siya at pinatahan. My heart is breaking for him. Nahihirapan akong nakikita siya na nagkakaganito. He's been a part of my life and it's no joke, kung ano man ang pinagsamahan namin.
"Ave, wala na akong babae. Kahit isa. Ikaw lang naman talaga... hanggang ngayon ikaw pa rin. Nagkamali lang ako. Ang gago gago ko... pero nagsisisi na ako. Bakit siya na? Bakit may iba na? Ang bilis naman, Ave.. Four years iyon eh..."
Ilang sandali pa kaming nanatili doon bago ako nagdesisyong iuwi na siya. Mabuti nalang at marunong akong magmaneho kaya ako na ang magdrive ng Civic niya. Siya din naman ang nagturo sa akin noon.
Napabuntong hininga na lang ako habang sinusulyapan siya sa passenger seat na tulog na ngunit umiiyak pa din. My love for him was so real... but Arvin came and I never thought I could feel this much.
Nang makarating kami sa bahay ni Jared sa Corinthian Gardens ay sinalubong kami ng Daddy niya na nag-aalala. "Oh, Ava, hija. Ikaw ang nagmaneho?"
Tumango ako sa kanya at nagtulungan kaming ipasok si Jared sa kanyang kwarto. Nang maihiga namin si Jared ay inilahad ako ni Tito Dave sa kanyang study room. He's an engineer like his son. Jared loved him so much that he made Tito his idol. But he also hate him at the same time.
"Nag-aaway ba kayo ni Jared, hija? Pasensya ka na sa anak ko. Palagi ko naman siyang pinagsasabihan pero ayaw makinig. Pero alam ko namang ikaw lang ang mahal niya, Ava..." malungkot na sabi sa akin ni Tito. Mukhang hindi nasabi ni Jared ang nangyari sa amin.
"Tito Dave, kasi.. Matagal na ho kaming hiwalay ni Jared. Halos limang buwan na po. Pasensya na po pero hinatid ko lang po si Jared nang nakita ko siya sa mall. Mukha kasing hindi na niya kayang magmaneho."
Ikinwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari. He seemed surprised but he accepted it. Malungkot niya akong nginitian matapos kong magpaalam. Tito is a very brave man to raise Jared on his own. Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan niya ay hindi niya pinabayaan si Jared.
Huling beses kong sinulyapan si Jared sa kanyang kwarto. Bakas pa din ang mga luha sa kanyang pisngi na halos matuyo na. Pinunasan ko iyon at inayos ang kanyang kumot. He slightly opened his eyes and started crying again. Ni hindi ko alam kung paano siya patatahanin.
Umupo ako sa gilid ng kanyang kama at hinaplos ang buhok niya. Jared was my best friend. Beside Ivy, Josh and Krea, Jared was already there for me. Siya ang higit na nakakaintindi sa akin kahit noon pa man. "Ave... ayoko na ng ganito. Please... tulungan mo ako. I don't want to lose you..."
Tumango ako ang nginitian siya. "Kahit na hiwalay na tayo, I'm always here for you Jared. As your friend. Remember what we always tell each other noon? I always have your back."
Nang nasa taxi na ako pauwi ay saka ko lang nabasa ang mga mensahe nila Ivy at Josh. May text din si Arvin doon. Napangiti ako. Maybe he's arrived. Agad kong sinabi sa driver na sa Ortigas lang ako.
Nagtipa ako ng mensahe para kina Ivy dahil nawala na lang ako bigla kanina. Ni hindi ako nakapag-paalam. Sinabi ko na lang na may emergency dahil tiyak pagagalitan ako ng mga iyon pag nalaman nilang hinabol ko si Jared.
Excited kong binuksan ang mensahe ni Arvin ngunit agad ding nawala ang ngiti ko nang mabasa ko iyon. I guess I'm going home now. "Manong, sa Dasmariñas Village na lang po tayo.." utas ko sa driver.
I wanted to surprise him dahil palagi na lang ako ang sinusurpresa niya. But maybe not this time. He texted that he had some emergency at work. I respect that. Arvin is a very busy person but he always find time. Tutal ay magkikita naman kami bukas.
Tulala ako sa daan nang mapansin ko ang pamilyar na sasakyan sa unahan ng taxi na sinasakyan ko. Hindi ko kabisado ang plate number ng sasakyan ni Arvin pero pakiramdam ko ay sakanya 'to. Napangiti ako nang makitang papunta din ito ng Makati. Is he going to surprise me?
Nakiusap ako sa driver na pantayan ang Montero na nasa unahan nang mag-stop light. Sinabi ko din na sundan ang sasakyan tutal ay isa lang naman ang pupuntahan namin.
Unti-unting nabasag ang ngiti ko at bumigat ang pakiramdam ko. Arvin is carelessly laughing with a girl on his car's passenger seat. I've never seen him laugh like that. Hindi tinted ang sasakyan kaya naman kitang-kita ko kung paano hampasin ng babae ang braso ni Arvin na para bang nag-aasaran sila.
Baka naman kaibigan lang. Papunta nga sainyo ang daan, Ava oh? Baka ipapakilala sa'yo? Pero bakit niya sinabing may emergency sa work? Arvin knows that I hate liars. And cheaters.
Hindi ko namalayang nag-unahan na palang tumulo ang mga luha ko at go na pala ang traffic light. "Ma'am? Susundan pa ho ba natin?" Tanong ng driver sa akin na mukhang naguguluhan. Sasagot na sana ako na oo nang kumanan pa-Ayala ang sasakyan ni Arvin.
Parang malalaking batong bumagsak sa dibdib ko ang pag-asa na baka ako. Na sa akin siya pupunta. Na ako ang pupuntahan niya at sa akin lang siya. I shouldn't be hurt. Hindi naman kami. He isn't mine in the first place.
Ngumiti ako sa driver at umiling. "Pasensya na po. Kaliwa po tayo, sa Dasma pa din po..."
BINABASA MO ANG
Stranger's Bed
RomanceAva's idea of fairytales and happy ending is broken since she was young. She's born to an environment where people keeps on hurting her. Just when she decided to kick out these kind of people in her life, Arvin came along. She knows his kind. He wil...