Chapter 9

240 7 0
                                    

P.S. I just edited a Character para magtugma sa next story. Yung doctor ng Mom ni Ava is si Hanna, not George. :)

Kinindatan ako ni Josh nang masulyapan ko siyang nakatitig sa amin. Umirap lang ako at tinignan ang katabi ko. He looked so tired kaya naman nakatulog agad siya pagka-take off pa lang ng eroplano.

Sa pagkakaalam ko ay private plane ng mga Del Mundo ang sinasakyan namin ngayon. Talk about rich kid problems, Ava. Mayaman kami dahil sa mga business namin pero hindi ganitong naghuhumiyaw!

Halos bumalikwas ako sa aking upuan nang makitang nakalapag na ang eroplano at mukhang napahimbing ang tulog ko.

"Gising ka na pala." Nakangiting bati sa akin ni Arvin.

I shrugged and looked around us. Wala na ang mga kasama namin. Mabilis namang sumagot si Arvin na para bang alam niya ang iniisip ko. "Mga 20 minutes ago nakalapag na tayo. Pinauna ko na sila dahil ayokong gisingin ka. Ang ganda ganda mo pa din kasi. Kahit na naghihilik ka na."

Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa sinabi niya. "Hindi ako naghihilik, excuse me."

Narinig ko pa ang halakhak niya habang pababa ako ng eroplano. Hindi naman talaga ako naghihilik ah?!

Hindi ko na pinigilan si Arvin nang buhatin niya ang mga gamit ko. Nang makarating kami sa arrival lounge ay may tinawagan siya. Inilabas ko naman ang cellphone ko sa aking hand bag at inabala ang sarili doon.

May dalawang mensahe akong natanggap.

From: Josh
Bye girl! Di na ako nakapagpaalam kasi ang himbing ng tulog mo sa balikat ni Arvin. Kahit tulo laway mo at with matching hilik ka pa ganda mo girl. Halos matunaw ka sa titig ni Arvin sayo eh! Hihi pak na pak talaga kayo tuloy mo yan para sa ekonomiya! Hahaha ingat beauty rest na! xoxo

From: Jared
Ava, ngayon ang dating mo sa Manila diba? Pwede na ba tayong mag-usap? Please....

Binura ko iyong text ni Jared at isinilid sa bag ko ang cellphone ko. Naiinis ako dahil ang pilit pilit niya. Tapos na kami. Ano pa bang malabo dun? Hindi naman kami mga bata na hindi makaintindi.

"You alright?" May bahid nang pag-aalala ang tanong niya sa akin. Tumango lang ako at iginiya niya ako palabas ng lounge.

Sinabi ko na kay Arvin na magtataxi na lang ako pero hindi siya pumayag. Ihahatid niya daw ako sa bahay. Hindi na ako nagreklamo pa nang buksan niya ang pinto ng sasakyan para sa akin.

Tahimik kaming dalawa nang mag-red light ang daan. Pinasadahan ko siya ng tingin at huminto ang mata ko sa kanyang balikat. Did I really slept comfortably in that shoulder? Halos mamula ako nang maalala ang text ni Josh. Ang baklang iyon! Hindi na lang sana niya sinabi sa akin para hindi ako nahihiya ngayon!

Ngumisi si Arvin na para bang may nakakatuwa. "Stop pouting and blushing. Baka tuluyan na akong matukso at mabangga tayo."

Inilipat ko na lang ang tingin ko sa labas ng bintana buong biyahe. Should I say sorry? Natuluan ko ba ng laway ang damit niya? Did I have morning breath? Did he made fun of me?

Nang makapasok kami sa village namin ay tumikhim ako. "A-ano... sorry kung naabala kita palagi. Naghilik pa pala ako at natuluan kita ng... ano." Halos hindi ako magkandamayaw sa mga lumalabas sa bibig ko! Jusko Ava Elizabeth ang dami mo nang atraso sa boss mo!

Nilingon niya ako at binigyan ng isang ngiti. Ngiti na dahilan kung bakit lumalim ang dimples niya at bakit nagkaroon ng giyera sa tiyan ko at para bang may nagpapatayan doon.

"No worries, Elizabeth. I actually find it adorable that you could sleep that deep. My mom actually told me a term about that... masandal tulog?"

Gusto kong lumubog sa kinauupuan ko ngayon. Jusko naman kasi Ava! "A-ano.. I'll make it up to you. Thank you na din sa lahat ng ginawa mo. I r-really appreciate it."

He chuckled and turned right sa street ng bahay namin. Sa tingin ko ay memorize na niya iyon dahil nakapunta na naman siya dito. Plus, he's Arvin Del Mundo. He's smart.

"It's really fine, Elizabeth. Ganito naman talaga pag nanliligaw. I mean, I want to do these things for you to make sure that you're safe, happy & comfortable... but, if you really want to make it up to me, maybe we can have lunch or dinner tomorrow? Nakangisi niyang tanong.

I let out a sigh and shook my head. "Sorry, Arvin. May pupuntahan kasi ako bukas. I have a commitment."

Agad naglaho ang ngiti sa labi niya at napalitan iyon ng kunot noo niya. "Pwede naman siguro kitang samahan. Wala naman akong gagawin-"

"Huwag na, kaya ko nang mag-isa yun. Baka masungitan mo pa ang imi-meet ko."

Tahimik kami hanggang huminto ang sasakyan sa harap ng gate namin. Nginitian ko siya at nagpasalamat. Akmang bubuksan ko na ang gate nang tawagin niya ako.

"Hindi ba talaga pwede? Sino ba iyong imi-meet mo? Kahit sa kabilang table na lang ako."

Tinaasan ko siya ng kilay at nagpigil ng tawa. Kulit nitong lalaking to! "Walang table doon kaya kapag sumama ka makikita ka agad nila. Umuwi ka na, Arvin. Sa monday na lang ako babawi sa'yo."

Ngumuso siya at tumango. "Hindi naman ako mag-susungit eh... Alright. I'll just pick you up on monday."

Tumango ako at ngumiti. Kumaway ako sa kanya at pumasok na ng bahay.

Maaga akong nag-ayos kinabukasan. My favorite part of the week! Wala si Mom & Dad sa bahay kaya nagtext na lang ako kung saan ako pupunta.

"Ate Avaaaaaaaa!" Nakangiting salubong sakin ni Race. Hinayaan ko siyang yakapin ako hanggang dumating ang ibang bata.

Huminga ako ng malalim habang papasok sa loob. Isa hanggang dalawang beses kung bumisita ako dito. Kaya naman kahit kakauwi lang namin kahapon ay nagpasya akong bumisita pa din ngayon. Sabi ng mga kaibigan ko ay pwede na akong mag-conduct ng painting classes but no. Napamahal na sakin ang mga batang 'to at kahit wala naman silang maibibigay sakin, hindi ko sila ipagpapalit.

Agad kaming nagsimula. Para sa araw na ito, ang puno ng mangga na may mga duyan sa ilalim ang napili kong ipa-pinta sa mga bata.

"Naku Ava, na-miss ka ng mga bata. Ang akala nga ni Race hindi ka na babalik. Gagalingan na daw niya." Natatawang sabi sakin ni Sofia, isa sa mga volunteer sa orphanage na to.

"Naku, alam mo namang kung pwede lang linggo-linggo ako dito. Kaya lang kinailangan naming pumunta ng Palawan para dun sa bagong project namin..." kwento ko sa kanya. Tinatak ko noon pa sa sarili ko na kapag tumanda na ako, tutulong ako sa mga batang iniwan ng magulang nila.

Iyon nga lang iniwan kami ni Dad noon, halos hindi ko na alam ang gagawin lalo pa't na-depress noon si Mom. Kung hindi lang sa tulong ni Ate Hanna na doktor ni Mom, baka sa bahay ampunan na din ang bagsak ko. Paano pa kaya ang mga batang ito na wala talagang kinilalang magulang?

"Ate Ava ang galing ko na oh! Sabi ko gagalingan ko na para palagi ka nang pupunta dito eh!" Napangiti ako nang makita ang canvas ni Race. Isang vertical line na brown ang nandoon na may bilog na green sa taas. Para namang mga sinag ng araw ang mga linyang pula sa paligid ng bilog na sa tingin ko ay ang mga duyan.

"Oo nga, Race ang galing mo na ah! Practice ka siguro ng practice nung wala ako no?"

Sasagot na sana siya nang sumigaw si Carlos, isa din sa mga bata. "Ate Ava may mama oh!"

Agad naman akong napalingon sa tinuturo ni Carlos. Isang lalaking nakaitim na polo shirt at pants ang nakapamulsa sa gate. Nagtaas agad ako ng kilay sa kanya at napabuntong-hininga. Ano na namang kailangan ng lalaki na to?

Stranger's BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon