Chapter 6

300 8 1
                                    

The silence is deafening after that. Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon.

Arvin is the kind of man most girls run after. Matalino. Mayaman. Maganda ang pangangatawan. Misteryoso. At mabulaklak ang pananalita. A natural flirt.

"Natapos mo na ba ang mga designs mo?" Napako ang tingin ko sa mga mata niya. He is so amused right now. Happy that he's playing, huh?

"I'm halfway there. Medyo natatagalan ako dahil pinagiisipan kong mabuti ang mga iyon. I'll show them to you tomorrow. So we can talk if you want to alter anything."

Nginitian niya ako at iniling ang ulo. "I don't think alteration will be necessary. You're really good. I was just teasing you noong presentation mo coz you don't seem to remember me."

Uminit ang pisngi ko nang maalala ko iyon. Is it the right time to tell him that? Damn, Ava! Is there even a right time for that?

"About that night, I'm sorry if I seemed so desperate. You shouldn't have brought me to your unit.."

He smirked. "That's why I took you home with me in the first place. Hindi ko alam kung may kasama ka ba and I don't want you drunk dancing with anyone."

Halos masamid ako sa sinabi niya. Damn. I'm so stupid. So stupid for Jared that time!

"Thanks for taking care of me that night. I was so stupid for doing those things to you. Nakakahiya. Sa boss ko pa."

He chuckled. "Wala iyon. Sometimes we really make stupid decisions. At least now, naituwid mo na ang desisyon mong iyon. Nag-alala lang ako nang magising ako ay naka-alis ka na pala."

I smiled uncomfortably. "You can't blame me. I don't remember anything that night and I woke up with a stranger beside me. Kaya naman nagmamadali akong umalis. Iniisip ko pa nga noon kung may ginawa ka ba sa akin."

Damn. Damn. Damn. What did I just say?!

Siya naman ang nasamid at natawa. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinsulto.

"You're really straightforward. I like it."

Halos mamula ako sa kanyang sagot. Hindi ako umimik at nagpatuloy lang sa pagkain.

"Elizabeth, about what I said earlier..."

Ngumisi ako at umiling. "Don't worry about it, Arvin. I didn't take it seriously. Kaya huwag ka nang mag-alala."

He sighed and embraced my hand into his. Agad namang napa-angat ang tingin ko sa kanya. He looks damn handsome and... serious.

"Seryoso ako. I want to court you. I want to be with you. I want you to be my girlfriend."

Hindi ako nakatulog nang gabing iyon. Paulit-ulit sa isip ko ang sinabi ni Arvin.

He wants me to be his girlfriend. He wants to court me. He likes me.

At nagpauto naman ka naman Ava? Hindi ka pa ba nadadala kay Jared?!

Nang mga sumunod na araw ay naging abala kami sa pag tapos ng designs. I can tell that Arvin is really amused with my designs. Matatatapos naman na ang building at interior na lang ang kulang.

Hindi din tumigil si Arvin sa pagsuyo sa akin. It seems like he's really courting me. Base sa mga kwento ni Josh na palagi lamang flavor of the month ang inilalabas ni Arvin, natatakot ako pero mayroong parte sa puso ko na nakikitang sincere naman siya.

Or maybe it's just me falling for him...

Makalipas ang halos tatlong linggo ay nagkayayaang mag bonding sa dalampasigan. For all the hard work we've done, I guess we deserve this.

Suot ang aking two piece sa loob ng aking puting maxi dress ay pumunta ako sa pampang kung nasaan sila. Hapon pa lamang ay nagtutugtugan na sila doon.

Umupo ako sa gilid ng head architect na si Miguel.

Sinenyasan ko si Josh na tumabi sa akin nang may umupo bigla doon.

Napalingon ako kay Arvin na matingkad ang ngiti sa akin. He grabbed a guitar and started strumming.

You look so wonderful in your dress

I love your hair like that

The way it falls on the side of your neck

Down your shoulders and back

He looks at me as if he likes me. With so much adoration. His pitch black eyes are boring into mine as if he meant every word in that song.... for me.

We are surrounded by all of these lies and people who talk too much

You got the kind of look in your eyes as if no one, knows anything but us

Or maybe he just wants to play with me. To try me. Like I'm some damsel in distress he never had before. Exciting and thrilling for him.

Should this be the last thing I see

I want you to know it's enough for me

Coz all that you are, is all that I'll ever need

I know that Arvin is the type of guy na kaya akong iwan sa ere. He break hearts, and doesn't give a damn. He's even worse than Jared... A damn good playboy.

Pahahalagahan ka. Pasisiyahin. Paiibigin. At pag nagsawa na, paiiyakin ka.

Parang may kung anong mabigat sa dibdib ko. Para akong sinasakal at hindi makahinga sa mga naiisip ko. Lumipad ang isip ko doon at hindi ko namalayang tinatawag na pala ako ni Arvin.

"Are you okay?"

Pilit akong ngumiti sa kanya at sa lahat ng nakatingin sa akin ng may pagtataka.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Arvin bago tumayo para makaalis. "Yup. I'm okay. Excuse me."

Tinawag pa akong muli ni Arvin pero hindi ako lumingon.

Wala pang dalawang buwan nang masaktan ako ng lalaking minahal ko ng buong-buo. At heto ako, inilalapit na naman ang sarili ko sa patalim na alam kong susugatan lang din ako.

Umakyat ako sa balkonahe ng head office matapos umorder ng kape sa cafeteria at ipadala doon.

My mind flew away with the wind brushing my skin as I got lost in it's breeze.

Siguro mamaya ay iikutin ko ang isla. Kukuha ako ng mga litrato na pupwede kong ipinta at ibenta. Tapos ay gagawa ako ng latte. Sa pagkakaalam ko ay mayroon naman silang coffee brewer at maker.

Iyon naman ang pinagkaka-abalahan ko kapag gusto kong libangin ang sarili ko. I take pictures of nature and paint them. Kasama niyon ay kape ang nakakapagpakalma sa akin.

Pinahid ko ang luha kong halos matuyo na sa aking pisngi. Kahit na lumipad ang isip ko sa furnitures ay hindi pa din napigilan ang pagluha ko. Bwisit! Ang hilig hilig kong umiyak sa mga taong walang kwenta! Sa mga taong ni hindi nga ako maiyakan at maipaglaban!

Nang marinig ko ang mga yabag sa likod ko ay kinalma ko ang sarili ko. Hindi ko na nilingon si Manang dahil alam ko namang kape ko iyong dala niya. "Pakilagay na lang ho diyan sa mesa Manang Felia.."

Narinig ko ang paglapag ng mug sa mesang kahoy at ang pananatili ng tao sa aking likod. Makalipas ang ilang segundo ay umangat ang kaba saking dibdib. What if hindi pala si Manang---

"You heard too many promises that never happened so I won't make one. Pero hindi ako susuko. I won't give up until you can trust me. Until you've opened up your heart to me. Until I make you believe that it's okay to feel.. and to love again."

Stranger's BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon