Busuanga ang counterpart ng Balesin. Ito ang perlas ng Palawan. If Coron, El Nido and Puerto Princesa are marvelous, this is breath-taking!
Naglalakad ako ngayon sa buhangin habang pinagmamasdan ang dagat.
Excited na ako sa kalalabasan ng resort. Eco-friendly ang lahat ng gagamiting materyales at sisiguruhin ang tamang pagpapalakad sa resort.
Sana lamang ay malayo ang kalabasan ng Palawan kaysa sa Boracay. Nakikita ko namang maingat ang mga residente at lokal na gobyerno. Ngunit sana pati ang mga turista ay maingat din.
Umalon ang tubig sa aking paa. The water is so pristine and clear. Nagsisisi tuloy akong hindi ako nag two piece sa loob ng aking damit ngayon.
Natigil ako sa pagpapantasya nang aking gagawin ngayong araw nang mag-ring ang aking cellphone.
Napabuntong hininga na lamang ako nang makita ang pangalan ni Jared sa screen.
Hinayaan ko iyon at hindi sinagot. Hanggang sa naupo ako sa isang kubo ay paulit ulit ang tawag ni Jared.
"Bakit hindi mo sagutin?"
Diretso lamang ang tingin ko sa dagat at hindi ko siya nilingon. "Hindi ba't ikaw pa nga ang nagsabi na sa wakas ay nagising na ako sa katotohanan. Tapos na kami."
Pumasok siya sa kubo at umupo paharap sa akin.
"Ang ganda dito, ano?"
I tried to hide my smirk. I really don't get this man. Minsan masungit, ngayon naman akala mo close kaming magkaibigan.
Napuna kong hindi ang dagat ang tinutukoy niya sa kanyang sinabi.
"You're not very good at flirting. And I won't flirt back."
Umismid siya at ibinaling ang tingin sa dagat. "I'm not flirting. Totoo ang sinasabi ko. Maganda ang lugar at maganda ka. And can't you tell? I like you. Akala ko matalino ka."
Tumayo na ako at kinuha ang aking cellphone sa mesa. "I know your type, Arvin. Spare me from your games. I'm not a player."
Huh! Akala niya magpapadala ako sa charms niya? I am not that stupid. Kung si Jared ngang tahimik ay hindi ko inakalang kaya akong saktan ng ganoon, si Arvin pa? I know his play. He changes girls like he changes his clothes.
Nakakailang hakbang na ako nang tawagin niya ako. Nilingon ko siya at nakita kong nakapamulsa siya at nakatingin sa akin. His eyes are mysterious and his smile is big.
"I don't plan to play, either. Huwag mo naman akong bastedin agad. I am not even courting yet, Elizabeth. Bakit hindi mo muna subukan?"
Umangat ang gilid ng labi ko sa sinabi niya. "No, thanks. I'd like to live peacefully."
Humalakhak siya at tinawag akong muli. Irita akong humarap sa kanya. "What?"
He smiled and pointed the other direction. "Dito ang daan papuntang Head office. You're not really good at remembering, are you?"
Nang makabalik kami ni Arvin sa Head office ay nanananghalian na sila. Agad kumaway sa akin si Josh at tumingin ng makahulugan kay Arvin.
Inirapan ko lang siya at tinabihan. Si Arvin naman ay umupo sa aking harapan, katabi ng kanyang mga empleyado.
We went to our rooms matapos kumain. Simple at kaunti lamang ang mga kwarto sa head office. Sapat lang para sa mga taong kailangang tapusin ang resort.
Hindi na ako nag-abalang mag-swimming kahit na pinipilit ako ni Josh. I want to think about more designs. Ayokong mapahiya kay Arvin bukas.
Not that his opinion matters to me, but I want to show him that they weren't wrong in choosing my team for this.
Namulat ang mata ko nang madilim na sa labas. Sa sobrang pagod ay nakatulog na pala ako.
Nag-check ako ng cellphone at nakita kong may tatlong mensahe doon.
Jared:
You're in Palawan? Sinong kasama mo?Unknown Number:
Have dinner with me, please.Josh:
Ave hindi ka ba lalabas diyan sa lungga mo? Kasi kung hindi mapipilitan akong gibain ang pinto mo girl. In 10 mins.Mukhang may ideya na ako kung sino itong unknown number na ito at hindi ko balak sagutin iyon. Ngunit kanino naman kaya niya----
"Ave! Lumabas ka jan nakakaloka ka buhay ka pa ba?!"
Napairap na lang ako nang marinig ang lalaking-lalaki ngunit maarteng boses ng kaibigan ko. Sino pa nga ba naman, Ava.
Pinagbuksan ko siya at agad pinaulanan ng tanong. "Binigay mo ang number ko kay Arvin? Bakit mo binigay--
"Pinilit ko siyang ibigay sa akin." Sumandal siya sa hamba ng pintuan at tinitigan ako. He's wearing a white polo shirt and maong shorts. And he looks damn hot on it.
Anong hot hot ang pinagsasabi ko? Magtigil ka nga Ava don't say bad words! Sinabi mo nang hindi ka mahuhulog---
"I already prepared the dinner for us. Don't worry, it's just a friendly dinner, not unless gusto mong maging first date natin ito."
"Busog pa ako." Inirapan ko siya at akmang isasarado na ang pinto nang magsalita siyang muli.
"We'll also talk about work and your designs, Elizabeth. Don't be too rude to your boss."
Nilingon ko siya nang matalim na tingin bago sulyapan si Josh na kanina pa nakikinig at may mapang-asar na ngiti. "It's Ava, not Elizabeth. You can wait for me at the lobby."
Nang maka-alis siya ay umalis na din si Josh. Mabuti naman at di niya ako pinaulanan ng tanong dahil wala din akong isasagot.
Nagpalit lamang ako ng simpleng mint green dress at beach sandals. Agad siyang tumayo nang makita ako.
"Let's go?" Nakangiting tanong niya.
Tumango lang ako at tahimik na sumabay sa kanya.
He took me back to the cottages kung saan kami nag-usap kanina. Mayroong naka set-up na mesa, may kandila, pagkain at wine sa ibabaw nito.
This is still a friendly date, right?
Umubo siya at para bang nabasa ang nasa isip ko. He's smiling habang inilalahad sa akin ang upuan.
Tinaasan ko siya ng kilay bago maupo. "Why the hell are you smiling like that?"
Iniwas niya ang tingin niya at naglakad papunta sa kaharap kong upuan.
"I'm sorry I can't help it. Kahit na friendly date lang ito sa'yo, I can't help but put malice on this. I can't help but feel happy now that I'm having my first date with the girl I like."
BINABASA MO ANG
Stranger's Bed
RomanceAva's idea of fairytales and happy ending is broken since she was young. She's born to an environment where people keeps on hurting her. Just when she decided to kick out these kind of people in her life, Arvin came along. She knows his kind. He wil...