Nagising ako sa panaginip na niloloko lang ako ng lahat. Na gaya ni Jared, pinaglalaruan lang nila ako.
Natauhan na lang ako na panaginip lang iyon nang inaalo na ako ni Daddy.
To be broken many times would destroy the little faith I have left.
Puno ng texts at missed calls ni Arvin ang cellphone ko at hinayaan ko lang iyon. I would need space to re-assess all of these. Everything's happening too fast I can't keep up.
Matapos kumain at maligo ay nagpasya akong magpunta sa parlor. Kung susunduin man ako ni Arvin mamaya, dapat ay maganda ako. Kahit na niloloko niya ako, I couldn't afford being cheated and looking like a mess.
Ala una ng hapon ng matapos ako sa parlor sa dami ng ginawa ko. Nagbabayad pa lang ako sa counter nang bumaliktad ang mundo ko. Ang tanging nakikita ko lang ay asul na tela.
Nang ma-realize kong binuhat ako patiwarik at nagpumiglas ako. Isa lang ang kilala kong gagawa sa akin nito. "Ibaba mo ako, Arvin! Damn you!"
Hindi niya ako kinibo hanggang sa naisakay na niya ako sa isang Navarra. Inayos niya ang seatbelt ko at umikot sa driver's seat.
Hindi na ako umalma pa. Mabuti na ding magkaalaman na kami. Pinaandar niya iyon ng walang pasubali. Pinasadahan ko ng tingin ang sasakyan niya at napangisi. I wonder who else rode here.
Napatingin ako sa kanya nang lagpasan niya ang bahay ko. "Where the hell are you taking me?"
Umigting ang panga niya. "We have a dinner with my parents. You don't remember?"
Tinignan ko ang suot ko. I damn wearing a denim shorts and black v-neck shirt. With damn slippers! Is he crazy? "I'm not going anywhere with you. Ibaba mo ako."
"Tsss. Why are you not answering my calls? Why are you not texting me?"
Sa init ng ulo ko ay nagdilim ang paningin ko sa tanong niya. Is he seriously asking me that? Hinampas ko sa kanya at pouch ko na agad namang tumama sa mukha niya. "Kapal ng mukha mo, manloloko ka rin pala!"
Kahit na namutla ako nang makitang dumugo ang pisngi niya dahil marahil sa bakal ng pouch ay hindi ko siya pinansin.
Agad kumunot ang noo niya at hinawakan ang pisngi niyang may sugat. "What?! What are you talking about? I'm not cheating on you!"
Umirap ako at sinubukang buksan ang pinto ng sasakyan. "Yeah right. Technically you're not cheating kasi hindi naman tayo! Ibaba mo na nga ako!"
Hindi siya kumibo ngunit lumalim ang paghinga niya. He dialled from his phone and talked to someone. I don't care! Kung itutuloy ang dinner kasama ang parents niya ay wala siyang mapapala sa akin! Mapapahiya lang siya dahil sasabihin kong naglolokohan lang kami ng anak nila!
Hindi matapos-tapos ang pag-irap ko nang iniliko niya ang sasakyan pa-ayala. Ipinasok niya ang sasakyan sa Discovery Primea. What now? He'd like me to meet his other girl?
Makalipas ang ilang minuto ay may babaeng sumakay sa sasakyan. Naaninagan ko na siya ang kasama ni Arvin kahapon. Ngumiti siya sa akin at sumulyap kay Arvin.
"Hi Ava, I'm Trixie. Ate ako ni Nixie Del Mundo Alberto, kilala mo?" Halos manigas ako sa kinauupuan ko. What? Ate ni Nixie? Eh mukhang mas matured pa ako sa babaeng 'to.
Sumulyap siya kay Arvin na malamlam ang mga matang nakatutok sa akin. "Looks like my cousin's really smitten." Tumawa siya at binalingan ako. "Tara? Ayusan na kita. Don't worry, ako iyong kasama niya kahapon. Wala pang ibang babaeng pinapakilala sa amin 'yan. Except sa'yo."
BINABASA MO ANG
Stranger's Bed
RomanceAva's idea of fairytales and happy ending is broken since she was young. She's born to an environment where people keeps on hurting her. Just when she decided to kick out these kind of people in her life, Arvin came along. She knows his kind. He wil...
