Chapter 16

172 8 1
                                    

Pagkabalik ng yate sa bay ay hindi na kami nagkita ng Mommy ni Arvin. I don't know why she hates me that much. Hindi naman pwedeng dahil lang sa ex ko si Jared dahil napakababaw noon...

Nasa sasakyan na kami nang makita kong may mga text ang mgakaibigan ko.

From: Josh
Ave! How's the dinner? Natuloy ba kayo ni Papa A? How was it? Kelan ang kasal? Yieee!

From: Ivy
Hey Ava, I heard you went out with Jared last time? Nakita daw kayo ni Miguel. Are you good with him na? Btw, Krea's back! Catch up soon!

Una kong nireplyan si Josh para sabihing medyo hindi maganda ang nangyari but I didn't divulge the details. Hindi naman ako makahanap ng isasagot kay Ivy. Should I tell her that I was with Jared that time? Magagalit na naman ba siya? But I have Arvin now... and Arvin. Should I tell him about that day? It doesn't even matter coz' it's not important...

Hindi ko namalayang nakaparada na pala ang sasakyan sa isang parking lot. Diretso ang tingin ni Arvin sa labas at hindi nagsasalita. Bumuntong hininga siya at lumabas para pagbuksan ako ng pinto.

Hindi na ako nagtanong at sumunod na lang sa kanya. I recognized the open parking, we are in MOA. I silently walked beside him. Pinagtitinginan din kami ng mga tao at pamilyang namamasyal dahil na din sa pormal na damit namin.

Bumuntong hininga si Arvin at ipinatong ang coat niya sa balikat ko. Hindi naman ako nilalamig kaya napatingin ako sa kanya.

"Tssss. Too revealing."

Yumuko ako at napangiti. He's always been that protective. Kahit na sa mga panahong ganito, he never fail to make me feel he loves me.

Tumigil kami sa tapat ng ferriswheel at sumakay doon. Kahit na nanginginig ang mga tuhod ko ay sumakay ako.

Nang makapasok kami ay umupo ako sa tabi niya. He gently kissed my shoulder before leaning his head on it. "Elizabeth... I'm sorry."

I smiled and ruffled his hair gently. "No. Hindi mo naman kasalanan 'yun.."

Bumuntong hininga siya at pinagsalikop ang mga kamay namin. Kita ko ang pagtaas namin pero kalmado pa din ako dahil hawak naman niya ang kamay ko. "But I want to marry you."

I chuckled and playfully untangled our fingers. "Kasal? Ni hindi pa nga tayo..."

Umayos siya ng upo at humilig sa kabikang banda habang tinititigan ako. "Para sakin, girlfriend na kita. Noon pa. Simula nung date natin sa Antipolo.. kung pwede nga lang i-count yung first date natin noon sa Busuanga eh."

Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan. "Sira. Friendly date nga eh. Kelan ba 'yung date natin sa Antipolo? Hindi pa tayo ayos noon ah?"

Lumapit siya sa akin at hinaplos ang buhok ko. Ngumiti siya at pinasadahan din ng kamay niya ang pisngi ko. "That was December 8, 2015. The day you've finally let me in your heart."

Nginitian ko siya at hinalikan sa pisngi. Itinuro niya ang labas ng ferriswheel at kita namin ang lahat ng ilaw doon. Niyakap niya ako mula sa likod at inihilig ang baba niya sa balikat ko. "Totoo pala..."

Kunot noo ko siyang sinulyapan sa gilid ng aking mata. "Ang alin?"

"Na kapag nagmahal kang talaga, nandun 'yung pakiramdam na handa kang isuko lahat para sakanya. Gusto mong ibigay ang lahat... ang dagat. Ang langit. Ang buwan, araw at bituin. Kasi kahit anong ibigay mo na kayang bilhin ng pera, pakiramdam mo kulang. Kasi higit pa dun ang halaga niya. Higit pa sa lahat ang halaga mo, para sakin. Kahit ayaw nila. Kahit lahat pa sila, magsama-sama, ikaw pa din ang pinakamahalaga."

Matapos naming sumakay sa ferriswheel ni Arvin ay inuwi niya din ako. I told him that I would have to think about things first. He respects me and told me he would wait. Pero para daw sakanya, kami na talaga. Baliw talaga ang isang iyon.

"Sorry Love, I can't fetch you today... something came up here in Ortigas and Dad's not around..."

Tipid akong ngumiti kahit alam kong hindi niya makikita. His Dad's in Davao with his Mom. Nagbakasyon para na din daw makapag-usap.

"Okay lang, Love. I'll just hail a cab."

Ilang sandali bago siya magsalita ay may bumagsak sa kabilang linya. "Anong sabi mo, Love?"

Kinagat ko ang labi ko para pigilang ngumiti. "Ano 'yung bumagsak, Arvin? Okay ka lang ba?" Pilit kong pagwala sa usapan.

"A-ah wala 'yun! Ano nga yung tinawag mo sakin, Love?"

"Huh? Anong tinawag? Sige na magtrabaho ka na uuwi na ako. Bye Love!" Agad kong binaba ang tawag bago pa siya makasagot.

Niligpit ko na ang mga gamit ko bago magpaalam sa mga kasama. Si Josh ay bumisita sa Palawan para magoversee ng progress at si Ivy naman ay kanina pa nag-out.

Nag-aabang ako ng taxi nang mag-vibrate ang phone ko hudyat na may text.

From: Arvin

Ang daya mo... I love you, Love. :) Take care.

Nagtitipa ako ng reply nang maaninag ko ang pares ng sapatos na tumigil sa aking harapan. Agad sumilay ang ngiti sa labi ko nang tumikhim siya.

"Arv--Jared? A-anong..." napawi ang ngiti ko nang makita ang seryosong mukha ni Jared ss harapan ko.

Bumaling siya sa sasakyan niyang nakaparada na pala sa harap namin. "Pinapasundo ka ni Tita Elise. Nagtext lang siya sakin. Para daw mabilis kang makauwi." Ipinakita pa niya sa akin ang text ni Mom sa kanya.

Agad akong tumango kay Jared at naglakad papunta sa sasakyan niya. Abot ang kaba sa dibdib ko at hindi ako mapakali. The last time Mom asked someone to fetch me, something bad came up...

"Ano daw ang nangyari? May sinabi ba siya sayo?" Tanong ko nang makasakay na din siya. Agad niyang pinaandar ang sasakyan at umiling.

"She didn't mention anything. But I dropped by to your house kanina and I think she had a row with your dad..."

Pilit kong inalis ang kaba sa dibdib ko. Whatever it is, they've been through worse. I know malalagpasan nila 'to.

Nang makarating kami sa bahay ay nagpasalamat ako kay Jared at pumasok na sa loob. The house looks like we've been robbed. Wala ang mga kasambahay at mukhang wala ding tao.

"Mom? Dad?" Hinanap ko sila sa buong bahay pero wala sila. Bakit pa ako pinauwi ni Mommy kung umalis din siya? And where is she?

I tried ringing her number but she's not picking up.

I saw a ripped old picture. It was Dad. With another girl. Did they fight because of this? What is it now that the past is suddenly so important?

Pinahid ko ang luhang bumagsak na pala sa pisngi ko at sinagot ang tawag sa phone ko.

"Hello?"

"Anak.." Halos manghina ako sa galit nang marinig ang boses niya sa kabilang linya.

"Where's Mom, Dad? What did you do to her?!" Pinigilan kong tumaas ang boses ko pero lumabas pa din ang pait doon. If something happens to Mom, I swear I would really hate this man.

"She went to your Tito Joaquin. She was fuming mad at me when she saw the pictures..."

Hindi ko na alam ang isasagot ko kaya ibinaba ko na ang tawag. Agad akong umakyat sa kwarto at kinuha ang mga gamit ko. I don't think that I can stay any longer here.

Stranger's BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon