Agad din naman akong iniwan ni Arvin matapos niyang sabihin ang mga iyon.
Matapos makuntento sa mga kinuhanan kong litrato ng papalubog na araw sa aking Nikon ay nagtungo na din ako sa kwarto.
Hindi ko na ginalaw ang aking cellphone at nakatulog naman ako kaagad kahit na hindi ako naghapunan.
Kinabukasan ay maaga akong gumising, madaling araw pa lang ay naligo na ako.
Naghanda na ako ng aking mga susuotin at gagamitin sa araw na 'to. I am so thrilled that I get to do my alone time again, at sa Palawan pa!
Papasok na ako ng banyo nang mapansin ko ang isang asul na papel sa aking pinto na mukhang inilusot lang galing sa ilalim.
Good morning Elizabeth! Please have your breakfast when you wake up. I already asked the Manang to prepare something for you.
Ipinagsawalang bahala ko iyon at naligo na at nag-ayos.
Napabuntong hininga na lang ako. How can I stop myself from falling when he's like this?
Isang black racerback at shorts lang ang ipinares ko sa paborito kong ipanema na slippers.
Dala ang GoPro ko ay nagsimula akong baybayin ang kahabaan ng isla.
Ang papataas na araw ay gumuhit sa asul na langit. Pinatingkad nito ang kulay ng dagat. Ilang shots ang nakuha ko at hindi ko mapigilang ngumiti. Seeing these things never fail to make me happy.
Pati ang mga rock formation ay hindi ko pinalampas. Isa-isa kong inakyat ang mga kaya ko para makakuha ng magandang shots.
Nang makuntento ako sa aking mga kuha ay nagpasya na akong bumaba ng rock formations. Nasa huling bato na ako bago makatapak sa buhangin nang dumulas ang aking paa.
Pumikit ako at hinintay ang pagbagsak ng aking katawan sa buhangin pero hindi nangyari iyon.
Mainit na bisig ang bumalot sa tiyan ko. Nang mapagtanto ko ang nangyari ay agad akong pumiglas.
"Whoa there, Elizabeth, it's just me." Humahalakhak na sabi ni Arvin.
Sandali kaming natahimik. "Uhhm, pwede mo na akong ibaba."
Marahan niya akong ibinaba. Maglalakad na sana ako nang mapansin kong napigtal pala ang tsinelas ko. Agad kong dinampot iyon pero naunahan ako ni Arvin. Kumunot ang noo ko sa pulang guhit na nasa kamay niya.
"May sugat ka, Arvin."
Hindi niya binitiwan ang tsinelas ko habang sinusuri ang sugat niya. "Tsss. Galos lang 'to. It's not that deep."
Nagkibit balikat siya at inilahad ko ang kamay ko para sa tsinelas. "Gamutin natin 'yan. Ako na ang magdadala niyan. Kaya ko naman."
Umangat ang kilay niya sa akin at ngumisi. "And you'll walk barefoot? Hell, that won't happen."
Bago ko pa marealize ang sinabi niya ay nakarga na niya ako. Agad dumampi sa ilong ko ang bango niya. Ano ba 'tong iniisip ko? Nagagaya na yata ako sa mga babaeng habol ng habol sa lalaking 'to.
Tiningala ko siya at naabutang nakangisi. "Kaya ko naman, Arvin. Tsinelas lang naman ang nasira. Ikaw nga 'tong may sugat."
Umiling siya at ibinaba ang tingin sa akin. "No. Kapag hinayaan kitang maglakad sa buhangin ay baka ikaw naman ang masugatan. At isa pa, you haven't had breakfast yet. Ni hindi ka nag-dinner. Ang tigas ng ulo mo."
Umirap ako sa kawalan hanggang sa makarating kami sa cafeteria ng HQ. Iniupo niya ako sa couch at tinalikuran.
Tignan mo 'tong playboy na 'to. Minsan mabait madalas ang sungit. Umalis ba naman ng di nagpapaalam. Tapos sasabihin niyang gusto niya ako? Ano siya, hilo?!
BINABASA MO ANG
Stranger's Bed
RomanceAva's idea of fairytales and happy ending is broken since she was young. She's born to an environment where people keeps on hurting her. Just when she decided to kick out these kind of people in her life, Arvin came along. She knows his kind. He wil...