Dumiretso nalang ako sa cafeteria dahil lunch na din naman pagkatapos ng klase namin kay Sir Soriano. Bumili ako ng pagkain at saka naupo sa bakanteng upuan. Sana walang manggulo sa akin dito dahil may long quiz ako sa susunod kong klase at kailangan kong mag-review.
Isinapak ko ang aking earphones sa aking tainga at sumubo ng pizza na siyang lunch ko habang nagbabasa ng notes ko.
Bakit kaya nandito na naman yung Sunako na yun? Ang alam ko simula ng insidente nung high school kami nag-migrate na siya sa Japan. Tas ngayon nandito siya. Hays. Hayaan ko na nga lang siya.
Natigil ako sa pagbabasa ng biglang may kumalabit sa akin. Tiningala ko 'to at nakita ko ang pinakamaganda dito sa univ. Well, rendundant nalang yung pinakamaganda sa univ. Pinakamaganda sa akin, oo. Sikat siya dahil maganda siya at talented.
Tinanggal ko ang earphones ko at hinarap siya, "Yes?" Tanong ko. Hindi naman sa pagmamayabang, ay kagwapuhan din ako. Isa ako sa mga 'heartthorbs' sa university dahil sa itsura at talino ko pero wala akong kaibigan dahil may pagka-nerd ako. Nerd as in mahilig magbasa ah.
"Can I seat here? If you don't mind," sabi ni Maegan. Ang ganda niya talaga kahit boses niya. Pambabaeng-pambabae.
"Yes, of course," sagot ko at umupo siya sa upuan sa harap ko.
Pinigilan ko ang sarili kong tumitig sa kanya kahit ang ganda-ganda niya. Dapat malaman niya na hindi lahat ng lalaki ay tinititigan siya all the time. Malay mo ma-challenge siya sa akin at magustuhan niya ko. Tss. Ang galing ko talaga.
"Ah. Ano yun, Neil? May sinasabi ka ba?" Tanong ni Maegan bigla. Shit! Nagsasalita ba ako ng malakas. Pero dahil magaling akong magpalusot.
"Ah. Nagbabasa kasi ako ng notes ko, napalakas lang bigkas ko," palusot ko.
"Ahh. Ehh, ba't nakabaligtad notebook mo?" Aniya.
Putek na! Malulusutan ko 'to.
"Mas nakakabisado ko kasi pag baliktad ako magbasa," sana kumagat.
"Oh, talaga? Yan ba mga secret ng mga genius tulad mo?" Tanong niya na sobrang seryosong tono. Hindi ko alam kung ginu-good time niya ako or what.
"Medyo. Ahe-he-he," naiilang na sagot ko.
"Magawa nga din yan," seryosong sabi niya at binaliktad din ang notebook niya.
Sayang maganda pero. . . hay.
Hindi ko na inayos notebook ko baka makahalata e. Madami na naman akong na-review.
"Huy! Mr. Pres!" Tumingin ako kung kaninong boses yun. At nakita ko si. . . sino pa ba? Napailing nalang ako.
"Huy! Neil! Kanina pa kita hinahanap!"
Binigyan ko siya ng tinatamad na tingin, "Bakit?"
"Ano ka ba? Syempre ikaw lang kilala ko dito!" Ang taas ng energy ng babaeng 'to. Ano kayang nalaklak nito?
"Wala ka bang bagong kaibigan?" Tanong ko. Nagtatakang nakatingin sa amin si Maegan. Siguro dahil sa sumisigaw na 'tong babaeng 'to kung makipag-usap."Uhmm. You two knew each other?" Nagtatakang tanong ni Maegan.
"Uhmm. Yes. By the way, ako nga pala si Sunako. Kaibigan ni Neil," sagot nitong Sunako na 'to.
Kaibigan? Saan, sa Facebook?
"Ow! Is that so?" ani Maegan.
"Yes. At bakit pala kayo baliktad magbasa ng notebook?" Tanong ni Sunako.
Lagot na!
"Ah. Sabi kasi ni Neil na pag baliktad ang pagbabasa mas nakakabisado mo daw," nakangiting sabi ni Maegan.
Napahalakhak si Sunako sa sinabi ni Maegan. Napatingin sa amin ang mga tao sa loob ng cafeteria.
"Putangna! Binibiro ka lang niyang Neil na 'yan," malakas na sabi ni Sunako. Wala na talaga siyang ibang ginawa kundi guluhin buhay ko.
"What the heck?! I hate the two of you," saad ni Maegan at lumabas ng cafeteria.
"Ba't nasama ako sa hate mo? Hays." Natatawang sabi ni Sunako. "Kung anu-anong tinuturo mo, Mr. Pres," sabi niya at umiling-iling habang natatawa.
Napipikon na ako sa ginagawa niya kaya hindi ko na napigilan ang pagsabihan siya.
"Ba't ka bumalik?" Tanong ko sa nagtitimpi kong tono.
"Ha?" Nagtatakang tanong niya. Sa tindig niya alam kong kinakabahan siya sa akin.
"Bakit ginugulo mo ko? Nananahimik na ko e. Simula palang ng semestre pero nagugulo na ko dahil sa'yo,"
"Wow ah! Wait lang, teka! Una sa lahat, sabi ni Sir Soriano na fifth time mo na daw na nakatulog sa klase niya kaya hindi ko kasalanan kung pinag-iinitan ka niya. Pangalawa, type mo yung babaeng yun e ang shunga! Kung gusto mong malaman kung bakit ako bumalik tanong mo sa Mama mo baka may masagot siya," sabi niya at umiling-iling.
"Bahala ka na nga d'yan!" aniya at iniwan na ako.
May itatanong pa sana ako pero nakalabas na siya. Wait, bakit ko tatanungin si Mama e hindi pa naman ata siya nun nakikita? Saka isang beses lang naman kami nakapag-usap nung high school kami tas kung makadikit siya akala mo close na kami ng ilang taon. Hays. Napailing nalang ako at nagsimulang maglakad patungo sa sunod kong klase.
Habang naglalakad, nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa ko kaya kinuha ko.
Unknown
Joke lang! 'Wag mong itanong sa Mama mo. Di nga kami close nun e.
-S.
Natural! Ba't ko tatanungin si Mama? Baliw 'tong babaeng 'to.
Hay. Si Sunako. Paano nito nakuha number ko? May lahi talagang stalker yun.
Binalewala ko nalang ang text niya. Dinelete ko ito at nagpatuloy sa paglalakad.
Nang wala na akong klase ay umuwi na agad ako. Nakita ko si Mama na nagluluto ng dinner. Ginugulo pa din ako ng sinabi sa akin ni Sunako. Parang may kutob ako na may alam nga si Mama.
"Ma," tawag ko at bumeso sa kanya.
"Oh, Neil. Magbihis ka na, pauwi na Papa mo. Kakain na tayo maya-maya,"
"Opo, Ma. Uhmm Ma," tawag ko dito at nagpatuloy sa pagluluto.
"Oh, bakit?" saad nito habang nakatingin sa niluluto.
"May kilala po ba kayong Sunako Nishida?" Tanong ko.
Tinignan ako ni Mama na parang nag-iisip kung meron ba o wala, "Sunako Nishida, wala e. Bakit?" Tanong ni Mama.
"Wala naman po, sige po akyat na ko," paalam ko.
Nakakadalawang baitang pa lang ako ay tinawag ni Mama ang pangalan ko.
"Kung may problema ka sabihin mo lang sa akin kahit ano," ani Mama na siyang ikinangiti ko.
"Ma, ano ba kayo? Nagtanong lang e," natatawang saad ko. Bakas sa mukha ni Mama na malungkot siya. Kaya nilapitan ko siya at hinalikan sa noo at dumiretso na ko ng kwarto.
"Ang weird ni Mama," bulong ko at nagpalit na ng damit.

BINABASA MO ANG
Terrible Things
RomanceDon't fall in love there's just too much to lose. If you're given a choice then I'm begging you choose to walk away. Don't ler her get you. Life can do terrible things. -Mayday Parade