"Neil, kamusta school? Kaunting buwan nalang at gagraduate ka na," masayang bati sa akin ni Papa. Sama-sama kaming nag-aalmusal ngayong pamilya.
Ngumiti ako, "medyo stress din po, Pa. Madami kasing pinapaayos," sagot ko.
"Ganyan din ako nung college ayun nakaya ko naman. Pagkagraduate mo, tutulungan kitang mag-handle ng business natin," ani Papa. Tinanguan ko lang siya.
May 'maliit' kasi kaming negosyo. Gusto niya na ako ang maghandle nun dahil isa lang naman akong anak. Hindi ko pa nga alam kung anong negosyo yun e. Hindi ko pa na pupuntahan. Hindi pa nila pinapakita sa akin para hindi daw ako ma-pressure pag ako na maghahandle. Hay. HRM ang kinuha ko dahil gusto ko din na magtayo ng restaurant. Sana naman ay payagan ako ni Papa sa desisyon kong yun.
Tumayo na ako at nagpaalam na tapos na akong kumain. Pumasok na ako sa eskwelahan ko.
Habang nasa kotse hindi ko maiwasan na ma-imagine si Sunako na nakaupo sa tabi ko. Tinext ko kinaumagahan ang number na ibinigay niya sa akin pagakabigay niya sa akin nito. Ilang oras na ay hindi pa din siya nagrereply kaya tinawagan ko. Cannot be reach. Hindi naman yata iyon yung number niya. Ilang beses ko iyong tinawagan. Nanghingi pa nga ako ng number niya sa uni pero walang nakarecord. Bakit ba ganun si Sunako? Hindi ko alam kung anong meron at bigla nalang siyang mawawala. Para siyang isang napakalaking misteryo? Umiling nalang ako sa naiisip ko.
"Uy, Neil! Kamusta summa cum laude natin?" Boses ni Lamar. Tumingin ako sa likod ko at nakita ko siya. Inakbayan niya ko.
"Ayos lang?" 'Di siguradong sagot ko sa kanya.
"Dapat ngayon nagse-celebrate na tayo e. Inuman tayo!" Hay. Ito talagang si Lamar puro happy happy. Muntik na nga 'tong hindi maka-graduate e.
Simula nung groupings namin sa FOLA, naging close ko na siya. Naging close ko siya dahil may pagka-kengkoy din ang gago. Natuto akong magdota sa kanya at masaya sa feeling. Naging paraan ang dota para panandalian kong makalimutan si Sunako.
"Puro ka inom. 'Diba kaka-bar mo lang nung isang gabi?" Tanong ko. Hindi naman talaga ako umiinom pero nung nakilala ko nga 'tong Lamar na 'to e, pag nakakapasa siya sa kahit anong quiz ay nag-aaya ng uminom. Nahahawa tuloy ako pero hindi ko sinasabing bad influence siya sa'kin ha. Kailangan ko din naman dahil kay. . . Sunako.
"Oo nga, pero hindi ikaw ang kasama ko nun. Dali na inuman tayo," titig na titig na aya niya sa'kin. Tinaas baba niya pa ang mga kilay niya.
"Kadiri ka! Kung makatingin ka naman sa akin. Hindi tayo talo, uy!" Biro ko.
"Sorry, bro. Pero matagal na talaga kitang gusto e," acting ni Lamar. Hinawakan niya ang mukha ko gamit ang dalawa niyang palad. Letseng 'to. Masakyan nga.
"Bro, sorry pero hindi kita gusto. . ." malungkot na sabi ko. Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay na nakapatong sa pisngi ko.
"Ganun ba. . ." malungkot na sabi ni Lamar. Ha! Tignan natin hanggang saan kaya mo. Inalis niya ang mga kamay niya sa mukha ko pero pinigilan ko siya.
"Kasi mahal na kita!" Sigaw ko ay unti-unting inilapit ang mukha ko sa mukha niya.
Tangina! Nandidiri na ko! Buti na lang at walang masyadong tao sa lugar namin at iisipin na mga bakla nga kami.
Kaunti nalang at maglalapat na ang mga labi namin. Three, two, one.
"Putang ina, Neil! Kadiri ka!" Sigaw niya at itinulak ako. Tawa lang ako ng tawa.
"Yuck, pre!" Tuloy niya at pinagpagan ang mga kamay niya na paang nandidirisiyang hinawakan niya ko. Tawa lang ako ng tawa. Shit! Sabi ko na una 'tong bibigay sa acting namin e.
"Nanguna ka e," utas ko ng matapos na akong tumawa.
"Eww. Oh, ano? Inuman?" Aya na naman niya. Akala ko pa naman makakalimutan na niya.
"Pass ako. Madami akong gagawin," tanggi ko. Totoo naman na madami akong gagawin dahil ibibrief na ako ni Papa tungkol sa kumpanya.
"KJ mo!" Sunghal niya at tumigil na ng kakakulit sa akin.
Tinungo na namin ang daan papuntang unang klase namin. Isa nalang ang klase namin dito sa univ dahil nag-o-OJT na kami.
Naging mabilis ang klase. Isang subject na tumataggal ng tatlong oras. Hay, sayang lang baon. Nagmadali na akong umalis ng univ dahil tinext ako ni Papa na kailangan ko raw sunduin ang isa sa mga foreign investor namin. Putek! Akala ko ba 'maliit' na business lang e ba't foreign investor? Hay.
One-hour early ako sa airport dahil yun yung sabi ni Papa. Hindi aw pwedeng paghintayin yun dahil maiinipin. Nakakainis naman! Kailangan talaga one-hour. Bakit hindi 30 mins.? Hay.
"Paano ko naman malalaman kung siya na nga yun?" Bulong ko. Tinext ko si Papa at sinabi niyang babae yun at kasing edad ko lang. Magaling! Nakatulong yung information niya.
Papa:
Nakapulang dress daw siya.
Okay. Na-iimagine ko na sopistikada ang babaeng susunduin ko.
Ten minutes nalang ang hihintayin ko bago makita ang imimeet ko. Pumunta na ako sa may waiting area. Dapat pala nagdala ako ng banner tulad ng ibang manunundo na katabi ko.
May nakita akong babae na pulang-pula ang suot na dress na sobrang ikli. Sobrang pula din ng labi niya na akala mo e, sinapak siya. Siya na siguro.
Nilapitan ko siya, "Miss, good afternoon! I am Neil Dreinger. I would like to ask you if you are the foreign investor of Dreinger Company?" Pakilala ko at naglahad ng kamay para makipag-shake hands.
Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa. At inilihis ang tingin. Ibinaba ko nalang ang kamay ko. Mukhang judgmental 'to.
"Yes, but how can I assure that you're the one who's going to pick me?" Hindi niya nakatingin na tanong sa akin. Nakakainis naman 'tong babaeng 'to. Mukha ba akong miyembro budol-budol gang?!
Ipinakita ko sa kanya ang driver license ko.
"Oh, so you're a Dreinger, too. Are you somehow related to the owner?" Tanong niya. Sa pananalita niya mukhang mas matanda pa siya sa akin.
"Yes, I'm his son," sagot ko. Ang dami namang tanong nito. Gusto ko ng umuwi."You're the heir! Nice meeting you, I'm Georgina Faulker," aniya at naglahad ng kamay para makipagshake hands. Agad ko naman itong inabot. Kaninang gusto kong makipagshake hands, ini-snob niya lang ako. Ngayon naman. . . naku! Ang gugulo ng mga babae.
"So, shall we go?" Aya ko. Tumango siya at naunang maglakad. Hinayaan niya lang ang mga bagahe niya na nakatayo duon. So, ako pa magdadala? Ayos 'tong babaeng 'to. Akala mo kung sinong maganda. Bakit? Si Sunako lang kasi maganda sa'yo. Letseng devil conscience yan. Gentleman ako pero nagte-take advantage kagad siya. Hay.
Napailing nalang ako at sumunod sa kanya. Akala mo naman alam niya kung saan nakaparada kotse ko.

BINABASA MO ANG
Terrible Things
RomanceDon't fall in love there's just too much to lose. If you're given a choice then I'm begging you choose to walk away. Don't ler her get you. Life can do terrible things. -Mayday Parade