Chapter 14

6 0 0
                                    

Nagsimula ng magdrive si Neil. Hindi ko maiwasan na sumimpleng ngiti sa kanya. Inabot ng forever bago siya ngumiti ulit sa akin. Damn! Ang gwapo niya!

Hindi naman niya siguro napapansin na tinititigan ko siya kasi mukhang malalim ang iniisip niya.

Last na. Last na tingin nalang. Sabi ko sa sarili ko at tinignan siya.

Nagtaka ako ng namumula ang mukha niya hanggang tainga niya. Hala?! May sakit ba siya?

"Ayos ka lang ba, Neil?" Tanong ko sa kanya..

"Ha? Oo naman. Ba't mo natanong?" Naiilang na sagot niya sa akin.

"Kasi namumula mukha mo hanggang tainga mo," paliwanag ko. Bigla siyang lumunok sa sagot ko. Ano bang problema nito?

"Ang init kasi e. Lalakasan ko lang yung aircon," dahilan niya ang nilakasan ang aircon. Ha? Giniginaw na nga ako sa lakas ng aircon ng sasakyan niya, nilakasan niya pa. Binalewala ko nalang ang sagot niya at tumingin sa daanan. Namimiss ko na ang Maynila. Limited lang kasi ang mga pinupuntahan namin simula ng bumalik ako.

Natanaw ko na tore ng Star City. So sa Star City ang punta namin. Hindi ko maiwasan ang ngumiti sa mga ala-ala na naaalala ko.

"Mr. Pres," tawag ko sa kanya. Tumitingin tingin ako sa paligid at iniisip kung ano ang uunahin naming i-try.

"May sakit ka ba?" Tanong ko sa kanya at kinapa ang leeg niya. Nagtataka kasi ako kung bakit ang bait-bait niya ngayon e halos itaboy na ako nito.

"Ano ba? Wala nu," tanggi niya at hinawi ang kamay ko.

"Eh, ba't medyo bumait ka ngayon? Medyo lang ha," pagtataka ko.

"Wala. Anong uunahin natin?" Sagot niya. Nagturo siya sa mga rides.

"Gabi ng Lagim?" ani ko. Alam ko naman na matatakutin 'to kaya ito pinili ko. Nung grade school kami halos hihimatayin na sa takot. Ahihihi!

"Pinagtitripan mo ba ko?" Naiiritang saad niya. Sabi ko na e. Magagalit 'to.

"Tatanungin mo ko tas 'di ka papayag. Sumusungit na naman siya," parinig ko sa kanya.

"Halika na! Unahin na natin yung Gabi ng Lagim na yan," payag niya at hinawakan ako sa brask at hinila. OMG! Hinawakan niya yung braso ko. Ayie!

"Naks naman, Pres! Nakain mo? 'Di na tayo takot sa multo?"Asar ko at tumawa ng pagkalakas-lakas. Naalala ko talaga na tinulak ko pa siya papasok nun ng entrance. Siguro ang naaalala niya e yung nung high school kami. Totoong multo ba naman nakita namin nun.

"Tumahimik ka nga d'yan," saway niya sa akin at pumila na kami sa Gabi ng Lagim.

"Ice, Neil ah! Tsansing ka na ah," asar ko. Ahihihi!

"Pinagsasabi mo d'yan?" Naku! Patay-malisya siya oh!

Nginuso ko ang kamay niya na nakahawak sa braso niya. Tinanggal niya agad ito. Ay! Dapat pala hindi ko nalang pinuna. Inalis tuloy.

"Ayie! Nagbablush si Koya oh!" Asar ko at tumawa ng pagkalakas-lakas. Asar talo!

"Ice lang, Neil. Lahat ng tao nagbablush. . . kahit lalaki," asar ko at tumawa ulit. Hindi nalang niya ako pinansin sa nga pang-aasar ko.

Kami na ang sumunod kaya pumasok na kami. Nakikita kong mukhang nag-aalinlangan pa si Neil.

"Neil, okay ka lang?" Seryosong tanong ko. Baka himatayin 'to ako pa may kasalanan.

Tumango siya at nagpatuloy na kami sa paglalakad paglalakad.

"Kapit ka sa akin, Neil. Baka hindi mo kayanin," asar ko at mahinang yumawa.

Terrible ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon