Chapter 15

5 0 0
                                    

Nang makadating ang taxi na sinasakyan ko sa harap ng bahay namin. Binigay ko ang bayad ko at bumaba. Bahala na kay Mama.

Nagdoorbell ako at binuksan ng gwardya ang parte ng gate kung saan makikita mo kung sino ang tao sa labas.

"Oh, Ma'am Olive!" Gulat na sabi nito at binuksan ang gate.

"Kahapon pa po nag-aalala sa inyo si Madam at Sir," saad ng gwardya na binalewala ko nalang at tuluy-tuloy na naglakad.

Pagkapasok ko ay walang bakas ni Mama at Papa na siyang ipinagtaka ko.

"Ms. Olive! Naku! Kahapon pa nag-aalala sa inyo si Madam at Sir!" Natatarantang sabi ng mayordoma namin na si Aling Crisanta.

"Nasaan po sila?" Tanong ko.

"Nasa kwarto. Nagmumukmok si Madam sinamahan muna ni Sir," nag-aalalang sabi niya.

Agad-agad akong umakyat sa taas at pinuntahan ang kwarto nila.

Kumatok muna ako bago ito buksan at nakita ko si Mama na namamaga ang mata marahil sa kakaiyak. Damn! I'm sorry, Ma. Si Papa naman ay pinapatahan si Mama.

"Ma, sorry po." Hinging tawad ko. Agad-agad siyang lumapit sa akin. Akala ko ay sasampalin niya ako pero niyakap niya ako ng mahigpit.

"Olive, anak! Akala ko kung ano ng masama ang nangyari sa'yo. Kahapon ka pa namin tinatawagan nakapatay naman ang cellphone mo. Pinahanap ka na din namin sa mga bodyguards natin pero hindi ka nila mahanap. Where have you been? Did you eat already? Are you okay? Do you feel anything bad? Tell me!" Sunud-sunod na sabi ni Mama. Nakokonsensya tuloy ako. Halos sa akin na umikot ang buhay ni Mama pero sinusuway ko lang siya.

Niyakap ko si Mama at naiyak. "I'm sorry, Ma. I'm sorry po!" Lumuluhang sabi ko.

"It's okay. Pero please, ipaalam mo naman sa amin. Okay ka lang ba? Baka bumalik na naman sakit mo?" Umiling ako ay pinunasan ang luha ko.

"Saan ka ba galing?" Tanong nito.

"Nagpunta po ako k-kay Neil," nakayukong sabi ko. Panigurado pagagalitan na ako.

"Neil na naman? Wala ka na bang ibang inisip kundi Neil na 'yan?! May iba pa namang lalaki d'yan saka ang bata-bata mo pa para mabaliw sa iisang lalaki. Madami ka pang makikilalang iba!" Nagagalit na saad niya. Hindi ko muna ipagtatanggol si Neil ngayon. Masyado ko ng nai-stress si Mama sa ginagawa ko.

Nakatahimik lang akong nakayuko at pinipigilan ang mga luha ko. Kung kanina lumuluha ako dahil sa nagawa ko kay Mama, ngayon naman ay dahil baka hindi lang linggo ang bibilangin bago ko makita si Neil. Baka buwan o baka taon na naman ulit.

"Sorry po, Ma," ulit ko.

Bumuntong hininga si muna si mama at nagsalita, "bumaba na tayo, mag-aalmusal pa tayo." Mahinahon na sabi ni Mama.

"Sige po, mauna na kayo. Magsa-shower lang po ako," paalam ko at lumabas ng kwarto para pumunta ng kwarto ko. Bubuksan ko palang ang pinto ay nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib ko. Nanlalabo ang mga mata ko. Habang tumatagal nahihirapan akong makahinga at itim nalang ang tangi kong nakita.

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at naliwanagan ako sa ilaw. Nasa ospital na naman ako. Well, ano pa bang bago dun.

Nilinga ko ang mata ko sa apat na sulok ng kwarto at nakita ko si Mama na mukhang kakagaling lang sa pag-iyak. Wala na talaga akong ginawa kundi paiyakin si Mama. Hindi ko nakita si Papa marahil nasa trabaho siya.

"Ma," tawag ko sa kanya. Agad-agad siyang tumingin sa akin at nilapitan ako.

"Bakit? May nararamdaman ka na naman ba?" Nag-aalalang tanong ni Mama at hinawakan ang mukha ko.

Umiling ako bilang pagsagot, "ano pong nangyari?" Nanghihinang tanong ko. Nahihirapan pa ako na magsalita.

"You passed out. Nagtataka kami ng ama mo at thirty minutes ka ng wala. Nakita nalang namin na nakahiga ka sa labas ng kwarto mo. Ano ba kasing ginawa mo?"

Sasagot na sana ako ng biglang may kumatok at pumasok ang isang doktor na ini-scan ang papel na hawak niya.

"So, what did you do para mapagod ka ng sobra? Hindi ba pinagbabawalan ka sa mga activities tulad ng pagtakbo and iba pa na mapapagod ka," paalala sa akin ng doctor.

"Yes, doc. Hindi naman po nakakapagod 'yung ginawa ko," tanggi ko.

"Eh, saan kayo nagpunta ni Neil?" Tanong ni Mama.

"Sa amusement park po," mahina at nakayuko kong sabi.

"Ano?! Hindi ka ba talaga nakikinig?! Kaya nga hindi na tayo nagpupunta ng amusement park dahil d'yan sa kalagayan mo. Ng dahil lang d'yan sa Neil na yan iniligay mo sa kapahamakan yang sarili mo!" Sigaw ni Mama. Wala na siyang pakialam kahit na nandito pa sa loob ang doctor sa sobrang galit niya sa akin.

Napatingin ako sa doctor na mukhang may sasabihin sana. Nailing na lang siya sa pinagsasabi ni Mama dahil alam naman niya na may punto ito.

"Uhh, Ma'am. Labas po muna ako," nahihiyang saad ng doctor at lumabas.

"Olivia naman! Hanggang kailan mo ba ako susuwayin?!" Mangiyak-ngiyak na saad ni Mama. Yumuko ako at tinago ang pagluha ko.

Kasalanan ko 'to. Lagi ko nalang binibigyan ng sakit ng ulo si Mama. Pero mahirap bang ibigay ang hinihingi kong kaligayahan?

"From now on, mas dadagdagan ko pa ang bodyguards mo. Wala kang cellphone, wala kang laptop, wala kang communication sa lalaki na 'yan kung meron man. Kahit saan ka magpunta susundan ka nila, even in the comfort rooms."

"But Ma-"

"I will hire a lady bodyguard if that's your problem. It's settled. Kung 'yan lang ang magpapatino sa'yo," walang emosyon na saad ni Mama.

"Now you should rest. Magtatagal ka ulit sa ospital kahit na wala ka ng nararamdaman," aniya na siyang ikinainis ko. Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya dahil madami na akong binigay na sakit ng ulo sa kanya. Kahit na patatagalin niya pa ako sa ospital kahit na hindi naman kailangan. Iniisip niya lagi na safe lang kung nasa ospital ako dahil madali lang ako na maaagapan kung sakaling atakihin ako. Ganun ka paranoid si Mama.

"Maghahire lang ako ng bodyguards mo. You should sleep again," aniya. Tumango nalang ako at ipinikit ang mata. Hindi naman din ako makakatulog e. So, magpapanggap nalang ako.

"Hello, yes Crisanta?" Narinig kong sambit ni Mama sa telepono. Tinawagan siya siguro ni Mama.

"Anong pangalan at sino ang pakay?"
"Sunako Nishida?" Nagtataas kilay sa saad ni Mama "Uh, no. Hayaan ninyo lang siya. Goodbye." Binaba ni Mama ang tawag ang tumingin sa akin agad akong pumukit.

"Hay, Olive! Alam kong hindi ka tulog binigay mo ba ang address natin sa kanya?" Tanong nito.

"Ma, hindi po. Hindi ko po binigay." Sagot ko. Totoo yun na hindi ko binigay. Hindi ko alam kung paano niya nakuha.

"Sigurado ka ba?" Nakataas ang isang kilay niya habang tinatanong ako.

"Opo," walang pakundangang sagot ko.

"Is that so? Okay. I'll be right back. Don't do anything stupid."

Tumango ako at lumabas na ng kwarto si Mama. Mukhang gugugulin ko na naman ang oras ko sa ospital. Home study- I mean ospital study na naman ako. Hay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Terrible ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon