Chapter 11

12 0 0
                                    

Olivia 'Olive' Winstead

"Ma naman! Kailan ba ako aalis sa ospital na 'to?! Wala na naman akong nararamdaman e. Masyado kayong napaparanoid!" Hindi ko gustong masigawan si Mama pero inis na inis na ako sa ospital. Simula ng bata ako laman na ako ng ospital. Dito na nga yata ako nakatira. Maski nang magpunta kami ng Japan, akala ko magbabakasyon na lang kami. Ospital na naman pala kahahantungan ko.

"Olivia, anak. Kailangan natin makasigura-" pinutol ko ang sasabihin ni Mama.

"Ma. Please. Bakit hindi nalang ako maging masaya? Mamamatay at mamamatay din naman ako!" Totoo iyon habang tumatagal alam kong mas lumalala ang sakit ko.

Nakatanggap ako ng malakas na sampal kay Mama na tumama sa kanang pisngi ko.

"Wag na 'wag mo ng sasabihin yan!" Nagpipigil na saad ni Mama. Nangingilid ang luha niya at niyakap nalang siya na ni Papa.

Nagsimula na din akong lumuha. Bakit ba kasi hindi ko pwedeng gawin ang mga gusto ko?

"Gusto ko lang naman makita si Neil e," nangingiyak na sabi ko.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?! Hindi ka nga niya makilala e!" Sigaw ni Mama na mas lalo kong ikinaiyak. Bakit ba kailangan niya pa na ipamukha sa akin yun?

"Kilala niya ako!" Tanggi ko.

"Kilala? Paano? Sa pangalang Sunako Nishida? Itigil mo na iyan! Pinagbigyan na kita na makausap mo siya ulit sa ekwelahan na pag-aari natin at hanggang dun nalang yun!" Galit na galit na sabi ni Mama at lumabas ng kwarto. Naiwan kaming dalawa ni Papa.

"Pa," tawag ko kay Papa. Binigyan niya ako ng malungkot na titig. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Why can't I just treasure all the remaining time of my life?" Nangingiyak na sabi ko.

"Princess, try to understand your mom. You're the only child we had and it hurts her to see you like this. Gusto niya lang na gumaling ka," pampalubag loob ni Papa sa akin.

"Eh, paano naman ako, Pa? Buong buhay ko si Neil lang ang kaibigan ko, siya lang ang nagparamdam sa akin na hindi ako invisible. Kaya nung nangyari yung insidente na yun, pinagsisihan ko lahat. Sinisisi ko ang sarili ko na nangyari 'yun sa kanya." This time ay humahagulgol na ako.

Hinimas himas ni Papa ang likod ko para tumahan ako.

"Gusto mo ba talaga si Neil?" Tanong ni Papa. Tumingin ako sa mga mata niya at,

"I love him," tanging sagot ko.

"Okay. Pag tulog na ang Mama mo tutulungan kita na pumunta sa kanya,"
"Talaga pa?!" Nanlalaking matang tanong ko. Nakangiting tumango si Papa sa akin. Napayakap ako sa kanya.

"Thank you, Papa!" Paulit-ulit na sambit ko.

Napagplanuhan namin na alas dose ng gabi umalis dahil ganung oras ang tulog ni Mama. Nagbabantay pa kasi siya sa akin. Magtutulug-tulugan ako at kapag tulog na siya ay aalis na kami ni Papa. Hihintayin niya ako sa kotse at ihahatid ako sa bahay nila Neil.

Mga alas onse ay nagpanggap na akong matulog. Kahit gustuhin kong matulog ay hindi ko magawa dahil excited ako na makita si Neil.

Naramdaman ko na lumundo ang kanan parte ng kama ko sign na may umupo.

"Olivia, anak. I just want the best for you," bulong ni Mama habang hinihimas ang buhok ko.

"I love you, Olivia. You were the greatest gift that your Papa have given to me," aniya at hinalikan ako sa noo.

Pinipigilan ko ang sarili ko na humikbi. Baka malaman pa ni Mama na hindi pa ako tulog. Mahal din kita Ma. . . at sana pagbigyan mo ako sa mga gusto kong gawin.

Terrible ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon