"Neil, I'm sorry," boses ng babae na siyang humahaplos haplos sa buhok ko.
"I can't stay any longer," aniya habang nangangarag ang boses niya. Marahil naiiyak na siya.
"I'm sorry," ulit niya. Ang naramdaman kong pumatak ang luha niya sa pisngi ko.
"Neil! Ano ba?! 'Diba may pasok ka ngayon?! Gumising ka na d'yan!" sigaw ni Mama na siyang nagpagising sa akin samahan mo pa kalampag niya sa pinto. Aish.
"Eto na, Ma. Gising na 'ko!" Sigaw ko.
"Dalian mo d'yan," sigaw nito at narinig ko ang footsteps niya na pawala ng pawala. Bumaba na din sa wakas.
Wait! Si Sunako! Tinignan ko ang kama ko at wala na siya. Nakaalis na siguro. Hindi man lang nagpaalam. Napahawak ako sa mukha ko at naramdamam kong basa. Hinayaan ko nalang.
Pupunta na sana ako ng banyo ng makita kong may sticky notes sa ibabaw ng study table ko.
Neil,
Thank you for yesterday. I'll treasure it.
-SNapangiti ako sa letter at penmanship niya. Hindi pa din nagbabago sulat-kamay niya. Napailing ako habang nakangiti at pumasok na ng banyo.
Habang naliligo, inalala ko ang panaginip ko na nakalimutan ko. Ba't ganun? Paggising mo nakakalimutan mo panaginip mo? Aish. Ano nga ba panaginip ko? Shit naman! Hayaan ko na nga lang.
Nagmadali na akong mag-ayos, kumain at dumiretso na ako sa kotse ko.
Nang makarating ako sa school ay hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng emptiness. Ba't ganun? Bakit ganito yung nararamdaman ko? Bakit nakukulangan ako e ganito naman lagi routine ko nung wala pa si Sunako? Hays. Napakamot ako ng ulo ko at dumiretso na lang sa klase ko.
Pagkatapos ng last na klase ko ay hindi na ako pumunta sa sunod kong klase. Tinanong ko sa registrar ng eskwelahan na 'to kung ano ang address ni Sunako Nishida. Nung una ay hindi ito binigay ng matandang dalaga na siyang in charge sa personal info ng mga estudyante at naging estudyante ng university na 'to. Pero dahil nagamit ko ang charms ko, bingay niya din sa akin. Nakita ko ang pangalan niya, litrato at angbpakay ko, ang address niya. Dali-dali ko itong kinuhanan ng litrato at nagpasalamat sa babae.
Sumakay ako ng sasakyan ko. Malapit lang ang bahay dito ni Sunako. Mga thirty minutes lang ayon sa GPS ng kotse ko. Wala na akong sinayang na oras at nagsimula ng mag-drive.
Huminto ako sa napakalaking bahay sabi dito sa GPS ko. Mayaman pala sila Sunako.
Nagdoor bell ako at pinagbuksan agad ako ng guard.
"Ano po yun, Sir?" Tanong nito sa akin.
"Ah. Nandyan po ba si Sunako Nishida?" Tanong ko."Sunako Nishida? Wala pong Sunako Nishida dito," seryosong sagot sa akin ng gwardya.
"Pero sabi po sa info niya sa registrar e, dito po siya nakatira," ani ko.
"Winstead residence po ito. Hindi Nishida," sagot nito.
Napakamot ako sa ulo ko.
"Ganun ba? Sige po. Pasensya sa abala," sabi ko kay Manong.
Sinara na niya ang gate, at sumakay ako ng sasakyan ko.
Bakit wala si Sunako diyan? Mali atang address.
"Hay. Nasan na kaya yun si Sunako?" Tanong ko sa sarili ko at pinaandar na ang sasakyan.
Papasok nalang ulit ako.
Pagkaparada ko ng kotse ko ay hindi ko na ito ni-lock. Nagbabakasakaling pumasok si Sunako d'yan.
BINABASA MO ANG
Terrible Things
RomanceDon't fall in love there's just too much to lose. If you're given a choice then I'm begging you choose to walk away. Don't ler her get you. Life can do terrible things. -Mayday Parade