Nagising ako sa isang boses ng lalaki na tinatapik-tapik pa ang mukha ko.
"Sunako," mahinang sambit niya.
"Hmm," response ko.
"Bumangon ka na d'yan. Nasa labas lang si Mama," natatarantang saad nito. Wait! Sino ba 'to? Saka Sunako? Si Neil ba 'to?
"Ha?" nagtatakang tanong ko. Nakita kong mukhang natatae ang mukha ni Neil. Nakitulog nga lang pala ako sa kanya at tapos na ang oras ng pagkikita namin. Hay.
Tinanggal ko ang kumot na bumabalot sa katawan ko at bumangon. Sinuot ko ang jacket at sapatos ko na nagkalat sa ilalim ng kama niya.
"Thank you, Neil!" inaantok na sabi ko. Naghihikab-hikab pa kasi ako.
"Oo, oo. Walang anuman! Talon ka na d'yan," natatarantang sabi niya at tinuro ang bintana.
"Ang harsh mo talaga magsalita. Ge bye," saad ko at tinalon ang puno at nagpadulas pababa.
"Wooh!" Narinig kong buntong-hininga niya. Napangiti nalang ako at umiling.
Habang naglalakad ako palabas ng bahay nila. Nakaramdam ako ng pagka-uneasy, at hindi ito dahil sa kinakabahan ako kay Mama. Sanay na ako dun. Hay. Kagabi kung may bra ako uneasy, ngayon naman. . .Wait! Shem! Wala akong bra'ng suot ngayon at. . . at. . . at. . . naiwan ko sa kwarto ni Neil. Damn!
Ini-zip ko ang jacket ko para hindi mahalata na wala akong bra'ng suot. Sa lahat ba naman ng makakalimutan ko yung bra ko pa?! Ahuhuhuhu!
Naglalakad-lakad pa ako para mapalayo ako sa bahay nila Neil. Baka makita pa ako ng Mama niya dun. Hay. Nakalabas na ako ng subdivision kakalakad ko. Tinext ko si Papa na sunduin ako at nagreply naman siya.
Papa:
Sinuway mo na naman ako, Olivia! Lagot ka sa akin pag-uwi mo! Ipapasundo nalang kita sa driver natin.
Shems! Si Mama yun. Kung sabagay, malalaman at malalaman niya din naman. Naupo nalang ako sa waiting shed at hinintay ang sundo ko.
Sa kanila talaga ni Papa, si Mama laging nasusunod. Hay.
Lumipas ang ilang minuto, dumating din ang sundo ko. Pumasok na ako sa kotse at nanahimik. Hindi ko na lang iisipin kung anong sasabihin ni Mama sa akin. Bahala na.
Nagulat ako ng sa subdivision kung saan ang bahay namin pumasok ang kotseng sinasakyan ko. Hindi ba kami sa ospital pupunta?
Nang huminto na ang kotse ay agad-agad akong lumabas at pumasok ng bahay. Nakita ko si Mama na nakaupo sa sofa, si Papa naman ay nakatayo sa likod ng sofa at pinapakalma si Mama.
"Ma, Pa," bati ko at bumeso.
"Akyat na po aoong kwarto," paalam ko pero pinigilan ako ni Mama.
"Dito ka muna. Mag-uusap tayo," mahinahon na sabi ni Mama.
Umupo ako sa sofa na kaharap nila.
"Sinabi na ng ama mo sa akin ang naging plano ninyo kagabi. Bakit ba hindi ka marunong sumunod sa akin?" nagpipigil na sabi ni Mama. Napahawak siya sa ulo niya at napailing.
"At kinunsinti mo pa ang anak mo a" nanlilisik na mata ang binigay niya kay Papa. Napalunok nalang si Papa at tumingin sa akin.
"Ma, kasalanan ko po. 'Wag-"
"Parehas talaga kayo ng ama mo. Parehas kayong matigas ang ulo." Again, napailing na naman si Mama.
"Pagbibigyan ko kayo ngayon," ani Mama at tumingin kay Papa. Sumunod naman siyang tumingin sa akin sa nanlilisik na titig. "Pero simula ngayon, lagi ka ng may kasamang bodyguard. Lahat ng kilos mo sasabihin nila sa akin. Hindi ka pwedeng umalis na hindi sila kasama. Lahat ng lakad mo ipapaalam mo sa akin," ani Mama. Wait! Ibig sabihin ba hindi na ako sa ospital muna?
"Wait lang po, Ma. Ibig sabihin hindi na ako sa ospital?" Nanlalaking matang tanong ko. Wala na akong pakialam sa mga bodyguards na yan. Sanay na ako. . . sanay na akong takasan sila. Ahihihi!
Tumango si Mama at napangiti ako ng abot-tenga. Niyakap ko siya sa sobrang saya ko.
"Thank you, Ma! Thank you!" Tinignan ko si Papa na nakangiting nakatingin sa amin. Nag-thumbs siya at nag-thumbs up din ako.
"Oo, pero hindi ka mag-eenroll sa school natin ulit," ani Mama na tinutukoy ang pinag-aaralan ni Neil na siyang pag-aari namin.
"But Ma-"
"No buts. Pinagbigyan na kita. Sa ibang univ ka na mag-aaral," saad ni Mama at umakyat na sa taas.
Napabuntong-hininga nalang ako. Okay lang. Malulusutan at malulusutan ko 'to. Ako pa.
"Princess, okay lang 'yan. Pero hindi na kita matutulungan ulit dahil sa Mama mo. Baka ma-outside da kulambo pa ako," natatawang sabi ni Papa.
"Okay lang po, Pa," ngiti ko.
"At saka kung may nararamdaman ka, sabihin mo na agad sa amin. Lagi mo kasing tinatago kaya napaparanoid ang Mama mo at kinukulong ka sa ospital," nag-aalalang sabi ni Papa.
"Opo, Pa." Tango ko at umakyat na din ng kwarto.
Naligo muna ako dahil sobrang lagkit na ng buhok ko. Hindi pa pala ako nag-aalmusal. Kumuha ako ng prutas sa kitchen at umakyat ulit sa kwarto ko.
Binuksan ko ang laptop ko at ni-search sa Facebook ang pangalan ni Neil. Hindi niya ina-accept ang mga hindi niya kilala kaya hindi ko na din siya in-add. Hindi naman kasi niya ako kilala, masasaktan lang ako kung ia-add ko siya tas hindi naman niya ia-accept.
Kaunting post at pictures lang ang naka-public sa timeline niya kaya hindi man lang ako nag-enjoy. Hay.
Binuksan ko ang memory box na laman ng ala-ala ko kay Neil. Picture namin nung elementary pa kami. Naka-eyeglasses pa ako na sobrang kapal ng lente, mahaba ang palda ko na kulang nalang ay umabot sa sahig, buhaghag na buhok- hindi pa kasi uso ang suklay sa akin dati at braces. Ang pangit-pangit ko pa dati at si Neil ang nagtatanggol sa akin pagnabubully ako sa school.
Madami din kaming picture na magkasama. Pero yung sa foundation day ng school namin, kung saan nanalo siya sa balagtasan noong grade five kami ang pinaka importante para sa akin. Ang alam ko e, ito na ang last naming picture na magkasama dahil sa insidente nung grade 6 kami at ayoko ng alalahanin yun. Bumabalik lang sa akin ang lahat-lahat.
Sinara ko ang memory box ko at itinabi. Hindi ko pa pala nauubos ang almusal ko at nawalan na din ako ng gana.
After nang insidente na yun e, lumbas na naman ang mga sintomas ng sakit ko kaya kailangan namin na tumungo sa Japan para magpagaling. Duon ko tinapos ang grade school ko. Nagmakaawa ako kay Mama na bumalik ulit ng Pinas. Alam niya kung sino ang pakay ko dun at nalaman niya na ayaw na ayaw akong nakikita ng magulang ni Neil lalo na ang ina niya. Kaya nahirapan akong kausapin si Mama, sa huli ay pumayag din siya. Tinanggal na ang braces ko, natuto na din akong magsuklay at manamit ng hindi masyadong mahaba.
Napagdesisyunan din namin ng pamilya ko na magpalit ako ng pangalan na gagamitin para hindi ako makilala ng pamilya ni Neil. Actually, madami ng nagawa sa akin si Mama na makapagpapasaya kaya sa mga taon na lumipas ay pinaghihigpitan na niya ako. Ayaw niya lang na pagsalitaan ako ng masasakit na salita ng ina ni Neil kaya pinoprotektahan niya ako. Ang kaso lang ay. . . hindi ko kayang layuan si Neil.
Nung bumalik ako dito sa Pinas para mag-aral ng high school ay nahihirapan akong lapitan siya. Laging may nakabantay sa kanya. Parang alam na lalapitan ko siya. Kung sabagay, kasalanan ko rin nan kaya hindi na ako pinapalapit sa kanya. So close yet so far. Hindi niya na din ako nakikilala. Nagka-amnesia ba siya?
Sa mga panahon na 'ikinulong' ako ni Mama sa Japan. Siya pa rin ang naiisip ko. Naiisip ko kung bakit hindi niya ako makilala kahit na katiting. Umaayos lang naman ang itsura ko ng kaunti pero hindi iyon sapat na dahilan para hindi niya ako makilala. So, siguro nga ay nagka-amnesia siya ng dahil sa akin. Karma ko na 'din siguro 'to. Atleast ngayon ay nalalapitan ko na siya kahit na hindi niya ako makilala. Buti na nga lang kamo e, wala na siyang bodyguards na sunod ng sunod sa kanya.
Iniisip siguro ng ina ni Neil e, nagpakalayo-layo na ako. Pero hindi, gagawin ko ang lahat para maalala ako ni Neil pero hindi ko siya bibiglain. Hahayaan ko ang tadhana na ipaalam sa kanya sa tamang panahon.
Napatingin ako sa kwintas ko na nakasuot sa leeg ko na ang pendat ay plastic ring. Neil.
BINABASA MO ANG
Terrible Things
Roman d'amourDon't fall in love there's just too much to lose. If you're given a choice then I'm begging you choose to walk away. Don't ler her get you. Life can do terrible things. -Mayday Parade