Alas kwatro na ng umaga at hindi pa din ako makatulog. Hawak ko ang bra na naiwan ni Sunako sa kwarto ko. Hindi ko siya pinagpapantasyahan ha, pero ito lang kasi ang bagay niya na meron ako. Buti nalang at hindi ko pa ito naibabalik.
May mga instances na gusto ko na siyang kalimutan. Limang buwan naman na din kasi siyang hindi nagpapakita sa akin. Pero kahit anong pilit ko na kalimutan siya, hindi ko magawa. May nagsasabi sa loob ko na 'wag ko siyang kalimutan.
Hindi ko na sinasara pa ang bintana ng kwarto ko. Nagbabaka sakali na akyatin niya ulit ito. Pero ngayon, mukhang isasarado ko na 'to.
Isinarado ko na ang bintana, naka-lock pa nga. Nahiga na ako sa kama ko at natulog.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagtulog ko ng biglang kumalabog ang bintana ko. Dali-dali akong bumangon. Si Sunako! Binuksan ko ang bintana ko at inilagan ang pangalawang batong inihagis niya.
Nakangiti siyang kumaway sa akin at ganun din ako. Umakyat na siya sa puno at tumalon sa kwarto ko.
"Shit! Magdahan-dahan ka naman!" Pag-aalala ko.
Natawa lang siya sa ginawa ko. Nagkatinginan lang kaming dalawa. Liwanag ng buwan ang siyang ilaw namin. Medyo awkward nga lang dahil naka-boxers lang ako.
"Ah. Kamusta?" Naiilang na tanong ko.
Tumawa na naman siya. Kanina pa 'to tawa ng tawa ah.
"Masyado ka namang pormal, Mr. Pres," natatawang sabi niya. "Patulog ulit ako ah," aniya.
Dumiretso siya sa kama ko, nagtanggal ng sapatos at jacket na lagi niyang suot pag nagkikita kami.
"Nag-away na naman ba kayo ng parents mo?" Tanong ko.
"Sort of," sagot niya. Hay. Bakit ba parang ang awkward-awkward? Napakamot nalang ako sa ulo ko.
"Ano yang hawak mo?" Turo niya sa kanang kamay ko. Shit!
"Ah. W-wala!" Natatarantang sagot ko at itinago sa likod ko.
"Weh? Ano nga 'yan?" Pangungulit niya at lumapit sa akin. Naloko na!
"Wala nga!" Pagtatanggi ko.
"Hindi pwedeng wala!" Aniya at nakipagpatintero na sa akin para makuha yung bra niya.
Nagpaikot-ikot kami sa kama ko, inakyat niya ito at sinunggaban ako. Pinasok ko sa boxers ko yung bra niya para 'di niya makita. Tumumba kaming dalawa at ngayon ay nakapatong na siya sa akin.
Itinaas ko ang dalawang kamay ko at ipinakita sa kanya na wala akong hawak, "wala nga! Ang kulit mo e!"
"Tayo ka nga," hamon niya sa akin. Tumayo naman ako, at tinignan niya kung nandun nga yung hawak ko.
Mukhang kumagat naman yung ginawa ko kaso nangangati na pwet ko. Humiga na siya sa kama ko at tumalikod sa akin.
Pumunta ako sa harap ng aparador ko para kumuha ng bedsheet at kumot ng bigla siyang magsalita.
"Tabi na lang tayo," request niya.
"Ayos lang ba sa'yo?" Tanong ko. Gusto ko din siyang makatabi dahil alam kong matagal na naman kaming hindi magkikita.
Tumango naman siya bilang pag-sang-ayon. Kumuha ako ng t-shirt at isinuot. Tumabi ako sa kanya. Magkatalikuran kaming dalawa.
Iikot sana ako para matignan ko kahit likod niya, ng gawin namin itong pareho at nagdikit ang mga braso namin. Kaya pareho nalang kaming tumagilid.
"Neil,"
"Sunako," sabay naming tawag sa isa't-isa. Napangiti naman ako. Sabay kaming humarap sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
Terrible Things
RomansaDon't fall in love there's just too much to lose. If you're given a choice then I'm begging you choose to walk away. Don't ler her get you. Life can do terrible things. -Mayday Parade