Chapter 10

7 0 0
                                        

Dedicated to my friend who's reading this and voting all of the chaps. Read her story.

Sa wakas, graduate na ako.

"Wooh! Pre, graduate na din tayo sa wakas," ani Lamar sa tabi ko pagkatapos namin ihagis ang mga cap namin.

"Wooh!" Sigaw ko ay inihagis ulit ang cap ko.

"Ito na tayo sa totoong laban, Pre. Paano makakahanap ng trabaho," ani Lamar. Anong pinagsasabi nito?

"Wow ah. So, joke lang pala sa'yo yung paggawa natin ng thesis? Pagpupuyat kaka-review? Pangmamaliit sa atin ng mga mas mataas sa ating posisyon nung intern tayo? Ha? Ha?" Sunud-sunod na tanong ko. Ginagago ba ako nitong Lamar na 'to?! Tss.

"Woah! Chill lang, Mr. Summa cum laude. Syempre, joke lang yun. A-he-he-he. Peace!" Aniya at nagpeace sign. Napailing nalang ako sa kanya.

"Bakit ba hindi ka nag-speech ha?" Tanong niya sa akin.

"Ayoko lang," sagot ko.

"Baliw ka ba? Madaming lalapit na chikababes sa'yo nun pag nakilala ka. For sure yun, pre,"

"Hindi ko kailangan yun," ani ko. Tatagal lang naman kasi kung mag-i-speech pa e gusto ko na ngang mauwi sa bahay at humilata.

Simula ng tumulong ako kay Papa sa kumpanya e, halos wala na akong pahinga. School, intern, kumpanya umikot ang buhay ko. Kaya naman ay puyat na puyat ako. Ayos lang din dahil nakakalimutan ko si Sunako kahit sa sandaling oras na iyon. Walang gabi na hindi ko siya inisip. Kahit na sa panaginip ko e, ginugulo niya ako. Hay. Tagal na niyang hindi nagpapakita. Miss na miss ko na siya.

Lumapit sa akin sila Mama at Papa at niyakap nila akong dalawa.

"We're proud of you, son," ani Papa. Nginitian ko siya.

"Thank you po, Pa, Ma," pasalamat ko sa mga magulang ko na hindi nagkulang sa pagpapalaki sa akin.

"Picture tayo," ani Mama at pinahawakan kay Papa ang DSLR.

"One, two, three. Say cheese!"

"Cheese," sabay naming sabi ni Mama at ni-capture ni Papa.

"Kami naman," ani Papa at ibinigay kay Mama ang DSLR.

"One, two, three. Say cheesy!"

"Cheesy!"

"Tayong tatlo naman! Lamar pakikuhaan naman kami," pakiusap ni Mama kay Lamar at iniabot sa kanya ang DSLR.

"Sige po, Tita," payag niya at kinuha ang camera.

Nagpakuha kami ng pormal na picture.
"Wacky naman!" Saad ni Lamar at nagpeace pose kami.

"Okay, finish na," ani Lamar at iniabot kay Mama ang camera.

Kinausap muna ng mga magulang ko si Lamar. Binati nila ito at ni-congratulate. Habang ako naman ay tinitignan ang mga kuha namin.

Sa kuha namin ni Papa, napansin kong may babae sa malayo sa likod namin at kung hindi ako nagkakamali ay si Sunako yun. Agad-agad akong tumalikod. Positive siya nga.

Nang makita niya akong nakatingin sa kanya ay dali-dali siyang tumakbo. Iniabot ko kay Papa ang camera at nagpaalam na may pupuntahan ako saglit. Wala na silang nagawa dahil nagsimula na akong tumakbo.

Pumunta si Sunako sa pinakagubat ng univ. Oo, may gubat dito. Nipepreserve nila para environment friendly daw. Pero wala akong oras na magbigay ng trivia sa inyo ngayon, kailangan kong mahanap si Sunako agad.

Nawala siya sa paningin ko. Ang tanga! Sinigaw ko ang pangalan niya dahil baka sakaling magpakita siya sa akin.

"Sunako, please magpakita ka naman!" Pagmamakaawa ko. Kanina ko pa sinasambit ang pangalan niya pero hindi man lang siya nagpapakita sa akin.

Terrible ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon