Two weeks. Two damn weeks na akong nakakulong sa paningin ni Mama at ng mga bodyguards na ni-hired niya para sundan ako 24/7. Hindi ako makalusot sa sobrang higpit! Ospital-Bahay-School lang ang lagi kong pinupuntahan. Akala ko pa naman papayagan na akong maggagagala. Damn! Sobrang namimiss ko na si Neil!
"Uy, Olive! Mukhang malalim iniisip mo ah," sabi ng kaklase ko na si Theo. Napangalumbaba kasi ako. Nasa student lounge kami ngayon, vacant namin. Naghihintay lang ako ng oras.
"Kita mo 'yan?" turo ko sa mga bodyguards ko na nakashades na akala mo e, ang taas-taas ng sikat ng araw.
"Ohh. Nakakulong ka pa din? Tagal na 'yan ah. Two weeks? Kasi ang alam ko pagka-enroll na pagka-enroll mo nakapaligid na sa'yo 'yan." Tanong niya.
"Oo, at hindi ako makaalis dahil sa kanila. Gusto ko pa naman din makita ang boyfriend ko," himutok ko. Talagang ni-claim ko na boyfriend ko si Neil. Ahihihihi!
"May boyfriend ka pala?!" Hindi kapani-paniwalang tanong ni Theo sa akin.
"Aba! Minamaliit mo ba ko?" Hamon ko sa kanya. Mukha ba akong hindi magkakaboyfriend?!
"No, no! That's not what I meant. I mean, mukha naman kasing wala kasi hindi ko siya nakikitang kasama mo." Depensa niya.
"Forbidden love." Tanging sagot ko. Syempre palusot ko lang yun para hindi na magtanong. Well, half truth yun dahil pinaglalayo kami ng mga nanay namin.
"Wow! Parang Romeo and Juliet!" Romeo and Juliet? So, ano ending namin. Mamamatay kaming pareho, sira ulo 'to ah.
"Kung ano-anong pinagsasabi mo d'yan!" Bulyaw ko. Hinayaan ko siyang nagde-day dream sa kung ano man. Hay. Ang weird nito!
Pumalumbaba ulit ako ng biglangay pumasok sa utak ko.
"Theo," tawag ko sa kanya.
"Yes, Olive?" Mukhang mauuto ko 'to. Yes!
"Gusto mo bang maging character sa Forbidden Love ko?" Tanong ko na siyang ikinakinang ng mga mata niya.
"Parang Romeo and Juliet?" Namamanghang tanong niya. Sabi ko na mauuto ko 'to e. Isa din 'tong hopeless romantic tulad ko e pero mukhang pipiliin niyang maging supporting actor.
"Oo. Ito ang plano," hinatak ko ang tainga niya at ibinulong ang plano ko. Mukhang kakagat 'to. Well, sana.
"Ready ka na ba, Theo?" Tanong ko.
"Yes, milady!" Aniya at nag-bow. Napailing nalang ako.
Nalaman ko kay Theo na malaki ang bintana sa banyo ng boys sa ground floor ng building ng Business Management kaya naisip namin na duon kami dadaan. Bakit ba kasi sa banyo ng girls e maliit e?
Nauna akong maglakad patungong banyo. After a minute sumunod na sa akin si Theo. Nag-isip kami ng maikling skit at si Theo ang mag-aaction sa harap ng tatlong bodyguards ko. After nun, ay didiretso na ako sa banyo ng boys. Wala na akong pake kung may mga lalaki duon ang mahalaga makita ko si Neil. Then, lalabas ako sa bintana. Didiretso sa kotse ni Theo at ihahatid niya ako sa school ni Neil. Ibinigay na niya ang susi sa akin para makapagtago ako.
Sinundan ako ng bodyguards ko sa paglalakad. Nakasunod naman si Theo sa amin. Pumasok ako sa banyo ng girls at for sure hindi na nila ako papasukin dito. Good!
"Hi, Rogelios!" Narinig kong bati ni Theo sa mga bodyguards ko na siyang ikinatawa ko. Pfft. Rogelio?!
Nag-retouch muna ako sa loob ng banyo. Syempre, kikitain ko si Neil nu. Kailangan presentable ako.
Sinilip ko ang labas at nakita kong tutok na tutok ang 'Rogelios' sa ginagawang magic tricks ni Theo na siyang obvious naman na kaya napapalutang niya ang paper ball dahil may stick sa likod. Ang uto-uto ng mga bodyguards na ni-hire ni Mama.
BINABASA MO ANG
Terrible Things
RomanceDon't fall in love there's just too much to lose. If you're given a choice then I'm begging you choose to walk away. Don't ler her get you. Life can do terrible things. -Mayday Parade