"Anong ginagawa mong lalaki ka, ha?" Matapang na tanong sa akin ni Sunako. Hindi ko na makita ang mga kagrupo ko kaya paniguradong malayo na kami sa kanila.
Ha? Anong bang ginawa ko?
"Ha?" Nagtatakang tanong ko.
"Kung makalingkis sa'yo yung babaeng yun, tuwang-tuwa ka pa!" Sigaw niya sa akin. Ngayon na nga lang ulit kami magkikita, nagagalit pa siya sa akin. Teka, nagseselos ata 'to. Napangiti ako sa nahihinuha ko.
"Anong nginingiti-ngiti mo d'yan?" Nangingirap na tanong niya. Natawa ako sa kilos niya.
"Wala. Pfft," pigil na tawa ko.
"Bahala ka na nga d'yan!" Naiinis na sabi ni Sunako at nag-walk-out.
"Hoy, Sunako!" Sigaw ko at hinabol siya. Hinawakan ko ang braso niya para tumigil siya.
"Ano?!" Naiiritang sabi niya sa akin.
"Minsan na nga lang tayo magkikita aalis ka na naman? Date tayo!" Nakangiti kong sabi.
"Date?" Nagtatakang sabi niya. Parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
Tumango ako, "Game?"
"Game!" Madaling sagot niya.
"Kaso wala akong dalang kotse ngayon ah," nahihiyang sabi ko. Coding kasi at nag-commute lang ako papunta dito.
"Akong bahala!" Aniya at hinawakan ang braso ko. Hinila niya ako patakbo at pumunta kami sa paradahan.
Lumapit siya sa Fortuner. Kinatok niya ang salamin sa driver seat, binaba naman ng kung sino ang nasa loob ang salamin.
"Oh, Oli-" ani ng drayber. Alam kong drayber siya dahil sa suot niya.
"Sunako," walang emosyon na sabi ni Sunako. Kotse niya siguro 'to at driver niya yung nasa loob base sa observation ko.
"Akala ko ba itetext ninyo ko?" Ani ng driver saka bumababa ng kotse.
"Nagmamadali na din kasi kami ng kasama ko e." May dinukot siya sa bulsa niya at nilabas ang wallet niya. Kumuha siya ng 500 pesos bill na inaabot sa kamay ng driver.
"Kuya, magtaxi ka nalang pauwi. Gagamitin kasi namin yung kotse," ani Sunako. Ayos 'tong Sunako na 'to ah. Pwede naman kaming mag-commute nalang. Hay. Gagawa talaga ng paraan para sa date namin. Napangiti nalang ako sa naisip ko.
"Pero Oli-Sunako paano ako," nag-aalinlangang sabi ng driver.
"Ako ng bahala. O sige kuya, bye na," aniya at kumaway sa driver. Nagkamot nalang ng ulo ang driver at nagsimula ng maglakad palayo.
Umikot siya sa passenger seat para duon sumakay. Sinundan ko siya at inunahang buksan ang pinto.
Nagtataka niya akong tinignan. Nginitian ko siya, "Date 'to. Kailangan gentleman ako," sabi ko at kinindatan siya.
Umiling nalang siya at pumasok. Sinara ko ang pinto at umikot na sa driver seat.
"Saan mo gusto?" Tanong ko sa kanya at pinaandar na ang kotse palabas ng QC Circle.
"Akala ko naman planado mo na kung saan tayo pupunta nung inaya mo ko," aniya.
"Hindi, bigla ko lang yun naisip. Baka kasi ilang araw, linggo, o buwan na naman kita hindi makita," matamlay sa sabi ko.
"Sa Tagaytay tayo punta," aya niya at binalewala ang huli kong sinabi.
"Masusunod!" Saludo ko at nagpatuloy sa pagda-drive. Ayos na 'to na medyo malayo pupuntahan namin para mas lalong mapatagal pagsasama namin.
BINABASA MO ANG
Terrible Things
RomanceDon't fall in love there's just too much to lose. If you're given a choice then I'm begging you choose to walk away. Don't ler her get you. Life can do terrible things. -Mayday Parade