Chapter 4

11 2 0
                                    

Dalawang linggong hindi nagpaparamdam sa akin si Sunako. Ba't ba kasi hindi ko ni-save yung number niya e? Edi sana nabalik ko na yung bra niya. Aish.

Parang kabute talaga yung tao na yun. Mawawala-susulpot. Hay. Bahala na nga siya sa buhay niya.

Nasa klase ako ngayon kung saan ang professor namin ay si Sir Soriano. Hindi na din ako nakakatulog sa klase niya simula nung insidente ni Sunako.

"So, what's the answer? Mr. Dreinger," tumayo ako at sinagot ang tanong niya.
"Very good!" sabi niya at nagpatuloy sa paglelecture. Tinitignan ko ang kabuuan ng classroom na 'to at hindi na nga pumapasok si Sunako. Mabuting tanungin ko nalang si Sir Soriano pagkatapos ng klase.

Pagkatapos ng klase ay lumapit agad ako kay Sir na nag-aayos ng gamit niya sa table.

"Sir," tawag ko.

"Yes, Mr. Dreinger?" tanong nito.

"Uhmm. Nag-drop na po ba si Ms. Nishida sa subject ninyo? Matagal na din po kasi siyang hindi pumapasok e," ani ko.

"For all I know is that, she withdrew all her subject and we didn't knew why," aniya. Seryoso?! "So excuse me, I'll go ahead," paalam nito.

"Thank you for the information, Sir," pasalamat ko. Tumango siya at umalis na ng classroom.

Nasaan ka na ba Sunako?

Naglalakad lakad ako sa university dahil wala akong klase ngayon dahil may meeting daw ang professor namin at hindi muna kami mami-meet. Since wala namang akong close dahil introvert din ako. Naglakad-lakad muna ako.

Madaming mga nag-eenroll sa school namin ngayon para sa K-12. May nakita akong babae na palinga-linga ang tingin, naliligaw ata. Nilapitan ko ito at tinanong,

"Miss, naliligaw ka ba?"

"Ah, opo, Kuya. Saan ba dito yung Admission Office?" Tanong nito.

"Diretsuhin mo lang yan tas kaliwa ka. May makikita ka dun na kwarto. Sa pinto nun, nakalagay 'Admission Office'," turo ko.

"Salamat Kuya!" Aniya at nagsimulang maglakad.

Parang may kilala akong tulad niya. Makapal ang lente ng salamin, balot na balot ang katawan sa sobrang haba ng palda, gulo-gulo yung buhok at saka may braces. Hay. Binalewala ko nalang at nagsimulang maglakad.

Habang naglalakad ay biglang nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa. Baka si Sunako na. Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at na-disappoint lang ako. Ayie! Namimiss niya si Sunako, saad ng devil conscience ko. Ba't ba ko walang angel conscience?! Hay.

Presidente lang pala ng klase namin. Nag-gm na wala na daw kaming klase dahil hindi na din kami kikitain ng prof namin dahil sa 'meeting'.

Makauwi na nga lang. Pumunta ako kung saan ko ipinarada ang kotse ko binuksan ko ang pinto at nanalamin ako sa rearview mirror at nagulat ako ng may tao sa likod.

"Putangna!" Malutong na mura ko.

Tumawa siya ng tumawa.

"Anong ginagawa mo sa loob ng kotse ko?" Angil ko.

"Eh, paano hindi ka marunong maglock. Buti nga at walang nagtangkang carnap-in 'to e," aniya.

Dumaan siya sa gitna ng passenger seat at driver seat para umupo sa passenger seat at nagseat belt.

"Ni-withdrew mo daw lahat ng klase mo," paninigurado ko sa kanya.

"Yup!" Tanging sagot niya lang sa akin.

"Bakit?" Tanong ko.

"Tinatamad na kong mag-aral e," sagot niya. Ayos 'to ah. Dami-daming gustong mag-aral e.

Terrible ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon