Chapter 7

10 2 0
                                    

"Any recommendation classmate?" Tanong ng leader namin na si Cher. Final requirement kasi namin ang gumawa ng music video sa FOLA namin. As usual, Japanese song ang gagawan namin. Nakapili na kami ng kanta. Ang kwento ng kanta namin ay tungkol sa babaeng nagmamahal ng palihim sa bestfriend niya. Nagulat na lang siya na may girlfriend na pala ang bestfriend niya kaya naman na-broken hearted siya nun at nagpasiyang lumayo. Yun.

Hay. Ang gugulo talaga ng mga babae pagdating sa love. Gusto flowers, chocolate, teddy bears tas biglang magiging lindon, bagyo, eruption etc, etc. Ang gulo talaga. Akala ko ba gusto nila ng mala-fairy tale tas napili nila one-sided love. Aish.

"Wala ng recommendation ha," ulit ni Cher at umo-oo naman kami. Kahit ang mga lalaki ay hindi na din umangal dahil sabi nila na kahit anong argue mo sa isang babae sila pa rin mananalo. 'Di rin. Bakit naman si Sunako? Nangiti ako sa naisip ko.

"So, ngayon naman ay maghahanap na tayo ng gaganap. Sa girlfriend, si Hebe!" Turo ni Cher kay Hebe. Kung sa bagay, maganda siya at artistahin talaga pero hindi ko siya type dahil masyado siyang tahimik. Boring kaya ng ganun sa babae.

"Sa best friend naman na babae, si Steph," turo niya kay Steph. Ayos lang naman kay Steph dahil gusto nito na halos 'perfect' ang tingin sa kanya. Kaya alam kong sa loob-loob nito e tuwang-tuwa 'to. Napailing nalang ako. Hay.

"Sa lalaki. . ." pambibitin ni Cher at tumingin sa tatlong lalaki -kasama ako. Nagsipag-iwasan kami ng tingin ni JM dahil hindi naman kami sanay na gumanap sa mga ganyan. Si Lamar lang ang tumingin dahil sanay na sanay na siya d'yan. Gusto niya daw kasing mag-artista.

"Ako nalang, leader!" Prisinta ni Lamar.

"No, not you. 'Di ka ba nagsasawa lagi nalang ikaw lead sa mga play, video etecera natin?" Ani Cher. Natahimik si Lamar dahil may punto naman siya.

Napalunok ako dahil mukhang ako ang pipiliin nito sa walang kakwenta-kwentang role. Alangan naman si JM e, nerd yan. Saka ayaw nga niyan na natatapatan ng camera e.

"Ikaw nalang, Dreinger," turo ni Cher sa akin na siyang nagpatingin ko sa kanya. Patay na.

"Pero ayoko," tanggi ko.

"Okay, that's all. Magkita-kita nalang tayo tomorrow sa QC Circle para sa shooting natin. Pati ikaw JM," nanlilisik na tingin niya kay JM at kinakabahan naman itong tumango. "Okay, bye," paalam nito. Tumayo na siya at nagsimulang maglakad. Hinabol ko siya para makatanggi ako.

"Cher! Huy! Ayoko nga!" Sigaw ko habang papalapit ako sa kanya.

Lumingon siya sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"It's already settled now. Saka nagsipag-alisan na sila oh. Aarte ka pa ba?" Maarteng sabi niya sa akin.

Sa huli ay hindi din ako naka-angal na. Hay. Totoo palang pag nakipag-argue ka sa babae hindi ka mananalo.

Gabi na at nagbabaka sakali ako kay Sunako. Sorry na at nagmumukha akong tanga dahil sa kanya. Simula ng dalhan niya ako ng pagkain sa sasakyan ko, yun na ang una at huli. Hindi na rin siya pumupunta sa kwarto ko. Maglilimang buwan na din pala. Hay.

Hindi ko na isinasara yung bintana ko. Bahala na kung manakawan kami para hindi namahirapan si Sunako kahahanap ng bato na ibabato niya. Nauubos na kaya bato sa baba kababato niya saka baka matuluyan na yung bintana ko, magtaka pa si Mama.

Nahiga na ako at nakatulog agad.

Nagising ako sa alarm ko. Ini-stop ko ito at bumangon. Nagtungo ako ng banyo at naligo.

Pagkatapos kong maligo, inayos ko ang kama ko. Nagulat ako ng wala na sa ilalim ng unan ko ang bra ni Sunako. Madapaka!

Terrible ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon