Chapter 3

14 2 0
                                    

Gabi na at gising pa rin ako. Ilang araw na din na hindi nagpaparamdam si Sunako. At buti naman. Utut mo! 'Wag ako. Namimiss mo siya kahit papano. Sabi ng devil conscience ko. Tinapik ko ito para mawala. Hay. Ano ba yan kung anu-anong naiisip ko.

Dalawang beses ko palang naman siyang nakakausap sa tanang buhay ko kaya bakit mamimiss ko siya saka puro pang-aasar pa yun, 'diba? Napailing nalang ako at pinilit na makatulog.

Pero ilang minuto na at hindi pa din ako makatulog. Hay. Biglang kumulo ang t'yan ko kaya naman ay bumaba ako para maghanap ng makakain.

Tinignan ko ang laman ng ref namin at sa kabutihang palad nakakita ako ng isang tub ng chocolate ice cream.

Umakyat agad ako ng kwarto at binuksan ang laptop ko. Manunuod na lang siguro ako ng movie hanggang sa makatulog ako.

Ang ironic ko, ice cream, movie, tulog. Nangiti nalang ako.

Nanunuod ako ng The Fault in Our Stars, nasa speech na ako ni Hazel kung sakaling naka burol na si Gus. Naiiyak ako kahit na lalaki ako nu. Hindi naman makakabawas ng kagwapuhan ko kasi mag-isa lang ako.

Tulo na ng tulo ang luha ko ng biglang may bumato sa bintana ng kwarto ko. Mabuti na lamang at hindi ito nabasag. Sino ba yung gagong yun?

Binuksan ko ang bintana at saktong pagbukas ko sa akin tumama ang bato. Nahilo ako at hindi ko na alam ang sunod na nangyari.

"Neil! Neil! Huy!" Boses ng babae ang naririnig ko habang tinatapik ang mukha ko. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko.

"Neil! Buhay ka!" anito at niyakap ako.

"Anong nangyari? Nasa'n ako?" Tanong ko.

"Hala Neil! May amnesia ka?" Nag-aalalang tanong nito.

"Ha? Ano bang nangyari, Sunako?" Tanong ko.

"Wooh! Akala ko nagka-amnesia ka ulit! Nabato kita ng bato buti na lang at hindi dumugo 'yang ulo mo. He-he-he," aniya at nag-peace sign.

"Teka! Ba't ka ba nanggugulo ng ganitong oras?" Naiiritang tanong ko.

"A-ano kasi. . ." pagbibitin niya. Nakayuko siya at pinaglalaruan ang kamay niya.

"Ano nga?" Naiiritang tanong ko ulit.

"Kasi kailangan kong magbanyo?" Pangangatwiran niya na hindi man lang siya sigurado.

"Seryoso ka ba?! Wala bang banyo sa inyo?" Manggugulo siya ng ganitong oras para lang makibanyo.

"Ah, ano kasi. . . barado banyo namin. He-he-he," hindi na naman siya sigurado sa sagot niya. Tinapik ko ang noo ko. Hay. Bakit ba ganito 'tong babaeng 'to?

"O edi magbanyo ka na," sagot ko. Paano nito nalaman bahay namin, ha?

"Ah 'di na ko naiihi. Nung nakita kitang bumulagta, umurong na," dahilan niya.

"Oh edi shoo. Alis na ng makatulog ako," pagtataboy ko sa kanya.

"Ang sama naman ng ugali mo. Dito nalang muna ako matutulog,"

Watdapak! Nahihibang na ba 'tong babae na 'to.

"Hindi pwede! Makikita ka ng parents ko dito!" Inis na sabi ko.

"Sige na naman. Nag-away kasi kami ng parents ko. Please!" Pagmamakaawa niya at naluluha na ang mga mata niya.

Hindi ko naman kaya na makakita ng malungkot na babae. Nakikita ko Mama ko. Kaya naman bumuntong hininga ako at,

"Sige na. Ngayon lang ah," payag ko.

"Talaga?! Salamat, Neil!" Masayang sabi niya at niyakap ako.

Terrible ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon